Ball 15 (Kill joy)

67 2 0
                                    

Ball 15 (Kill joy)

Drozz POV

  

                       Salamat at umaga na naman. Lagi nalang ganito. Pag nagigising ako ng umaga lagi nalang may bahid ng pulang dugo ang mga kamay ko oh kaya naman ang ibabang parte ng labi ko.Bumangon ako agad ng marinig ko ang isang pamilyar na yakap ng paa. Sigurado akong si Master yun.

                        Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking naka kulay puti na may hawak laging isang bilog na yelo ngunit ang nakakamangha dito, hindi nakadampi sa mga palad niya ang bilog na yelong yun.

“Tirik na ang araw Drozztroyer”-Master

 

“Alam ko”-Ako

                       Malamyos ang boses niya. Pero siya naman kabaligtaran ng ugali niya. Napakalupit niya at hanggang ngayon hindi pa nila pinapakita saakin ang mga magulang ko.

“Magbihis ka, may pupuntahan tayo”-Master

 

“Ok”-Ako

                   Lumabas siya ng kwarto ko. Napansin ko yung isang papel na hindi ko alam kung sadya niyang iniwan oh naiwan niya lang talaga. Ito ang nakasalutan duon.

Nasa mabuti kaming kalagayan Anak.

                        Kilala ko kung kaninong sulat kamay yun, kaya naman biglang gumaan ang loob ko. Ngunit may pag aalinlangan parin sa akin. Maaring pinilit lang nila ang aking Mommy na isulat yun. Sobrang nadidiri na talaga ako sa mga dugong umaga palang nag aalingasaw na sa aking C.R. Ilang minuto pa ay pumasok muli si Master sa kwarto ko.

“Ipahid mo ito”-Master

                      Lagi niyang pinapaalala sakin naipahid ko yun  sa katawan ko. Sumusunod nalang ako hindi sa takot ako sakanya. Natatakot lang ako na baka may gawin siyang hindi maganda sa mga magulang ko. Kinuha ko yun at ipinahid sa katawan ko. Si Master naman naupo sa couch na nasa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Nilalaro niya yung Bilog na yelo. Hindi ko nalang pinansin yung ginawa niya at nagpalit nalang ako ng damit. Paglabas ko ng kwarto sinalubong ako ng isa sa mga Men in Black na laging kasama ni Master.

“Asan si Master?”-Ako

 

“Asa Kotse na siya”-Men In Black 1

                         Lumakad nalang ako palabas ng bahay at nakita kong nasa harap na ng pinto ang kotse namin. Pumasok ako sa loob nun at si Master walang imik na nakaupo lang sa tabi ng kabilang bintana at nag papaaraw pa siya. Ilang sandali pa ay ibinaba ako ni Master sa isang….

University?...

                        Anong balak niya? Bakit dito niya ako binaba? Mag aaral ba ako? At ito yung School ni MyLady Eyah aa. Well ayos narin siguro ito. Nakatayo ako sa harap ng gate at pansin kong mukhang walang tao sa loob. Tanging yung isang gwardiya lang na sa tingin ko ay tulog naman.

Jersey 18 (Eighteen Butler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon