Ball 23 (Ang labo niya)

75 4 1
                                    

Ball 23 (Ang labo niya)

 

Nakalimutan ko pala iannounce: ang Chapter na ito ay Dedicate kay Caira na pareho naming Crush si Bad Killua. at yung Ciara jan. Ikaw yan Bebe ^^ salamat nga pala sa walang sawang Comment. Love love you. Sagad hanggang buto ^^

Eighteen POV

Ilang oras ko ba siyang nakasama? Grabe nag enjoy ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may kumikirot sa bandang puso ko. At palagihan ako kung hingalin? Epekto ba ito or impact ng injured ko nung huling laro ko? Ang bilis ko nang hingalin ngayon ee. Pero kahit na basta nakapag enjoy ako kasama ng mahal ko. Ihahatid ko na sana siya ee. Kaya lang tumawag si Mommy sakin na umuwi na daw ako tapos nung nalaman niyang kasama ko si Yhonah bigla niya ba namang niyaya na sa bahay nalang mag dinner.

                        Naglalakad kami ngayon papuntang bahay. Ilang kanto lang naman ang layo ee. Mga dalawa lang. si Yhonah kasi ee, sabi niya lakad nalang daw kami hindi naman daw maaraw at mahangin naman. Ako nga nangangamba na baka abutan kami ng ulan sa paglalakad namin ee. Baka rin kasi mabasa pa si Eighnah ee. Yung Teddy Bear na pinaghirapan naming dalawa kanina. Ang cute ba ng name? ahahaha nakakatawa nga ee.

Alam niyo ba na si Lee ang nag isip niyan, yung Brad ko na yun napakabakla ng utak, pero napaka manyak din naman. Kahapon kasi nandito yun sa bahay mag movie marathon daw kami tutal wala namang pasok kinabukasan ee. Mantakin niyo ba naman na puro Porn ang dalang CD. Yung lalaking yun napakahilig. Hindi nga halata sa kanya ee. Napaka masiyahin niya kasi ee.

Kaya nga nabansagang Malading Lalake ee.

Konting lakad nalang at nasa bahay na kami kaya lang bago kami makapunta ng bahay may madadaanan muna kaming Church, which is the St. Peter Cathedral, nasa mismong likod lang nun ang bahay namin.Nakahawak parin ang kamay namin dalawa kaya naman nahila niya ako papasok sa simbahan. Binitiwan niya lang yun nung lumapit siya sa isang statu dun naparang nakapalimos na anghel.Nilagay niya yung mga kamay niya dun at ang kulit niyang pagmasdan.

“Tara”-Yhonah

Lumapit siya muli sakin at hinila niya muli akong papuntang mga upuan malapit sa altar. Pag upo namin bigla siyang lumuhod. May nalaman na naman tuloy akong ugali niya. Mataimtim siyang nagdasal. Ano kayang hiling niya?Ako kasi marami akong hiling ee.Bukod sa hiling marami din akong katanungan. Kagaya ng pag hahanap sa Lolo ko. Gusto ko na kasing makilala ang pamilya ng side ng Daddy ko ee. Puro kay Mommy lang kasi yung alam ko ee.

                        Sana nga mahanap ko sila ee.Sumunod ako sa ginawa niya. Pumikit ako at magdarasal.Sana mahanap ko na siya.Si Lolo at ang mga kamag anak ni Daddy.Sana mas maging mabuti pa akong tao.Sana wag niyo po akong pabayaan sa lahat ng pagdaraanan ko pang pagsubok.Sana lahat ng gusto kong mangyare matupad ko sa tulong niyo.Sana patawarin niyo po ako sa mga kasalanang nagawa at magagawa ko man.Sana yung taong pinapangarap ko ay ako rin yung pangarap.Sana ilayo niyo ako at kaming lahat sa malubhang sakit. Ikaw na po ang bahala sa amin. Sa mga mangyayare ikaw na po ang bahala.

 

Amen.

                        Nag sign of the cross na ako, hudyat na tapos na akong nagdasal. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa harap ko na pala siya.

Jersey 18 (Eighteen Butler)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon