Ball 9 (Party Places)
Eyah POV
Busiiiiiiiiiiiiit na lalake yun, bakit ba kasi dito naligaw yun? Kaasar pag ako nagka ingrown sa pag apak niya sa paa ko. Lintik lang targaaaaaaa.Umalis ako sa Dressing room kasi naman nakita ko palang ang buhok ni Drozz sa salamin nagiging si Toguro na ako sa inis ko.Kaya naman walang pakundangan akong hindi tumuloy sa pagpasok sa loob. Bahala na kung hanapin ako ng tatlo.It just that. I don’t want to see that stvpid moron on my sight anymore.
At ang inaakala kong safe zone na pupuntahan ko ay mas naging disaster pa ng inapakan ng hinayupak na Killua na yan ang mga daliri ko sa paa. Pasalamat siya bespren ko ang kasama niya na pinsan niya rin. Kung hindi naku baka nabigyan ko na siya ng upper cut at dumudugo na sana ngayon ang matangos niyang ilong. FVck!Hindi alam ng marami pero, laking marshial art ako. Ayoko rin naman kasing napapag usapan yun dahil gaya ng iba. Minsan na ako nagkaroon ng isang madilim na nakaraan dahil sa sports na yan.
Tama na! wala na akong balak maalala pa yan. Kinalimutan ko na ang bangungot na yun. I live my own life now and moving a life as if nothings happen at all.Hindi pa ako nakakalabas ng mahabang hallway na ito ng pagkaguluhan ako ng mga makukulit na fans ni Nikkidoo.Sa totoo lang, si Nikkidoo ba ang habol nila dito o AKO naman talaga?The H3ll, ganun ba sila kabalimbing?
“Miss Eyah, ang cute cute niyo po talaga!”-Fan1
Hindi ko alam kung pinupuri niya ba ako? Wala akong maramdamang saya sa mga sinasabi niya.
“Sana kasing ganda nalang kita”-Fan2
Isa pa ‘to! Ee. Pero dahil mabait ako lalo na pag tahimik ka.Lumapit ako sa batang babaeng na matiyagang naghihintay sa gilid ng runway. Tantiya ko nasa edad labing-tatlo pa lamang siya.Ang bata pa niya para makipagsisikan dito to think na tirik na tirik na rin ang araw.
“Mainit”-Ako
Lumingon siya sakin.
“Ayos lang po”-Siya
Magalang ang pagkasabi niyang yun at kitang kita sa mga mata niya ang pagkaamaze sa prisensya ko.Fvck! masakit sa bangs ang maging mabait sa mga strangers Dre!
“Come on, pasok tayo sa loob”-Ako
Kasabay ng pagakasabi ko nun ang pagkagandang gandang ngiti sa mga labi niya. Kung sana lang nagkaroon din ako ng kapatid na babae, kaso wala ee.
“Talaga po?”-Siya
Tumango ako para sa pagsang ayon ko sakanya. Kasabay ng paghawak ko sakanya at pagpasok ko sakanya sa isang bakal na nakaharang sa runway ay ang maingay na Gossip.
BINABASA MO ANG
Jersey 18 (Eighteen Butler)
RomanceBago niyo po pala basahin ang SAI (Siya ako @ Ikaw) ito po muna yung 1st Generation ng "Magno Family" dito niyo po maiintindihan ang lahat. Salamat po