Ball 20 (Mukhang Angel)
Yhonah POV
Nakakainis targa. Nilayasan ko nalang sila dun sa Canteen. Eh di sila na Masaya ako na Home alone. Saan ba maganda pumunta? Yung wala ang mga alaskadorang mga BFF ko. Kapatid ba nila si Dora? Nilagay ko yung headset ko sa tenga ko. Nakatago pa nga yun sa likod ng blouse ko ee. Kaya minsan nakakatulog na ako sa room dahil hindi halatang nagssound pala ako.
*Lalalalalalala
Umpisa palang ng kanta ng biglang may humawak sa kamay ko. Tss sino ba yun? At parang bigla akong nakuryente?Pag tingin ko sa taong nahawak sa braso ko.
“Oh Eighteen?”-Ako
Nangiti siya sakin tsaka niya pa hinigpitan ang hawak sakin. Mas lalo ko tuloy naramdaman yung kuryente kanina? Kuryente ba siya? Oh anak siya ni Volta?
“Bakit ka umalis?”-Eighteen
“Yung mga Bff ko kasi, nakaka…”-Ako
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila at pinaakyat sa may Carpentry ng school. May maliit kasing three house dun na punong puno ng different species ng bulaklak.
“Madalas ka rin dito?”-Ako
Huminga siya ng malalim at ginaya ko naman siya. Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Naamoy mo lang yung mga bulaklak, di gaya sa ibaba sari sari ang amoy.Amoy basura inshort.
“Tambayan ko ‘to”-Eighteen
Talaga? Tambayan niya? Pero bakit hindi ko siya nakikita dito ee madalas akong matulog dito? Weh? How come?
“Talaga? Bakit hindi kita nakikita?”-Ako
Tumingin siya sakin tsaka pa siya sumampa sa swing na gawa sa net. Anu na nga bang tawag dun? Aa ewan basta yun na yun.
“Upo ka dito, kasya ka naman”-Eighteen
“Naku wag na, baka malaglag tayo jan”-Ako
Tumayo siya.
“Ganun ba? Sige ikaw nalang umupo”-Eighteen
Hinila niya ako paupo at alam niyo ba kung anong ginawa ko? Hulaan niyo. ^_^ Hinila ko rin siya paupo at ngayon magkatabi na kaming dalwa, nagulat nga siya sa ginawa ko ee. Bakit ba? Alangan naman ako lang nakaupo kawawa naman siya, pagkatapos niya akong samahan. Syempre ayoko siyang pahirapan nuh.
BINABASA MO ANG
Jersey 18 (Eighteen Butler)
RomanceBago niyo po pala basahin ang SAI (Siya ako @ Ikaw) ito po muna yung 1st Generation ng "Magno Family" dito niyo po maiintindihan ang lahat. Salamat po