Chapter I (The Encounter)

18.4K 205 21
                                    

HIRING : Wife for Rent (JenLisa)

Chapter I (The Encounter)

"Bessssstttt.." nandito na naman ang bruha kong bestfriend na akala mo nakalunok ng megaphone sa sobrang ingay.

"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" taas kilay kung tanong sa kanya.

"Grabe bestfriend mo ba talaga ako? Ang sama ng ugali mo sakin, may maganda pa naman akong balita sayo." Tampong himig ng bestfriend ko.

"Nag drama ang gaga. Ano ba yung sasabihin mo sakin?" ngiting tanong ko sa kanya.

"Best may nakita akong ads naghahanap daw sila ng model diba kailangan mo ng trabaho?" tanong nya. Oo nga kailangan ko ng trabaho ngayon para sa nanay ko. Kami na lang dalawa ang natitirang magkakampi sa mundo kaya hindi ko papabayaan ang nanay ko lalo na ngayon may sakit sya.

"Oo best kailangan ko ngayon ng mapapagkakitaan, kahit ano papasukin ko para sa nanay ko." naluluha kong sabi sa bestfriend ko habang inaalala ang sitwasyon ni Mama.

"Good, tara na magbihis ka na para makapag apply na tayo." masayang ngiti ng bruha.

Teka ako nga pala si Jennie Kim, tapos itong bestfriend ko si Im Nayeon bata pa lang magkaibigan na kami kaya yun no choice ako kundi pumayag maging bestfriend nya hahahaha..

After 3 minutes of driving nakarating din kami sa building na nakalagay sa pamphlet.

"Sure ka ba Nayeon na dito yun?" agad na tanong ko sa kanya

"Oo dito yun, trust me Unnie" sagot nito sabay tawa, kaagad ko syang sinamaan ng tingin alam nya na kung bakit.

"Okay okay hindi na kita tatawaging Unnie" iling nyang sabi habang natatawa.

"Good kinakabahan ako" kabado kong sabi sa kanya

"Seryoso isang Jennie Kim kinakabahan ngayon, wow first time to ah" oo nga first time kong kabahan sa mga kanitong bagay ako kasi yung tipo ng tao na umaapaw yung self confidence.

"Tara na nga para matapos na to agad." sabay kaming pumasok sa elevator pero hindi pa man nakakasara ang pinto may kamay na pumigil dito.

"Hi, pwede makisabay?" ngiting tanong ng dalawang babae sa amin. Napatango na lang kami ni Nayeon, napatitig ako sa kanila ang gaganda nilang dalawa.

"Thank you" ngiting tugon ng isang babae samin. Pinindot nya yung hold button at lumabas ng elevator. "Lisa.. tara na."

"Ayoko unnie, mauna na kayo sunod na lang ako." Sabi nung tinawag nyang Lisa.

"Pumasok ka na dito nakakahiya sa mga kasabay natin nakisabay lang tayo Lisa." Sabat ng isa pang babae.

"Whatever, I don't care. Ayoko ng may kasabay." Malamig na tugon sa kanila nung Lisa. Aba't masama ang ugali ng bruha. Kung gaano kabait itong dalawang kasama nya kabaliktaran ng ugali nya siguro pangit to kaya masama ang ugali.

"Nayeon, pigilan mo ko makakatikim to sakin" galit na bulong ko kay Nayeon

"Go unnie walang pipigil sayo" natatawa nyang tugon sinamaan ko na naman sya ng tingin pagkatapos naglakad ako ng pabalang palabas ng elevator

"Hoyyyy.. ika.." hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi natulala ako sa mukha nya, ang ganda nya din mukha syang buhay na manika.

"Ano? May sasabihin ka?" malamig nyang tingin sakin, kung titigan mo syang maigi mukha syang anghel pero demonyo pala ang bruha. Okay na eh maganda na sana kaso yung ugali lagpak pero yung mga mata nya mababasa mo yung lungkot. "Miss it's rude to stare wag mo ko pagnasahan alam kung maganda ako, may sasabihin ka ba?"

"Huh?" wala sa sarili kong tugon sa kanya.

"Tsss.. maganda sana kaso bobo" bulong nya pero klaro sa pandinig ko napantig ang tenga ko isang Jennie Kim sasabihan nya ng bobo? WTF!!

"Hoy, babaeng mapanglait para sabihin ko sayo hindi ako bobo. Akala mo ang ganda ganda mo FYI hindi ka maganda, ang sama pa ng ugali mo akala mo ikaw lang yung tao sa mundo para sabihin ko sayo miss hindi kami ang mag a-adjust para sayo. Kaya kung ayaw mong sumabay samin maiwan ka dyang mag isa at isa pa kung ikaw na lang din ang natitirang tao sa mundo hinding hindi kita pagnanasahan hindi kita type" sigaw ko sa kanya sabay lakad papuntang loob ng elevator. Wala na din silang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng elevator.

"Tss.. papasok din pala nag inarte pa" pabulong kong sabi kay Nayeon.

"Best, tumahimik ka nga marinig ka dyan" sabay siko ng bruha.

"Mga miss anong floor kayo bababa?" tanong ng isang babaeng maputi at matangakad sa amin.

"Alam nyo ba kung saang floor yung office ni Ms. Pranpriya Manoban miss..?" tanong ni Nayeon sa kanya.

"Yes doon sa 25th floor, btw I'm Park Chaeyoung call me Chaeng" ngiting sabi ng babae.

"Then sya naman si Kim Jisoo" turo nya sa isang babae na ka-height ko lang maganda din ito at maputi kumaway naman ito sa amin hugis puso yung mga labi nya.

"At sya naman ang pinsan kong si.." hindi na natuloy ni Chaeng ang sasabihin nya ng pinutol ito ng walang modong babae na naka away ko kanina.

"Chaeng cut it off, they don't need to know my name" malamig na sabi nya sabay tingin sa akin ng masama. Biglang nag open ang pinto ng elevator at agad na lumabas ang walang modong babae.

"Pag pasensyahan nyo na sya ha hindi naman sya ganyan dati may pinagdadaanan lang" saad ni Jisoo.

"Lisa bakit ka bumaba hindi naman dito ang punta natin ah?" tanong ni Chaeng sa walang modong babae.

"May dadaanan pa tayo, tara na" agad itong naglakad paalis, wala na ding nagawa ang dalawa kundi ang sumunod sa kanya.

Nakarating na kami sa 25th floor kung saan ang opisina ni Ms. Pranpriya Manoban habang papalapit kami sa pinto ng opisina nya lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Kaya ko to.

Mahinang kumatok si Nayeon. Maya maya pa unti unting bumukas ang pinto ng opisina at lumabas ang isang babaeng may maikling buhok.

"Yes?" ngiting tanong nito sa amin.

"Mag-aaply sana kami.. I mean ako bilang model" kabadong sagot ko.

"Ohh.. I see, btw ako pala si Jeongyeon" sabay lahad ng kamay niya.

"I'm Jennie, Jennie Kim at ito naman si Nayeon" tinanggap ko ang kamay nya sabay turo kay Nayeon na walang kibo at naka titig lang kay Jeongyeon.

Agad kong kinalabit ang bruha kong bestfriend, agad naman itong natauhan.

"H-Huh? Ano yun?"

"Wala tsss.. Jeongyeon andyan ba si Ms. Manoban?" tanong ko.

"Wala pa, pero alam ko papunta na sya dito" biglang tumunog ang cellphone nya.

"Speaking of the devil, wait lang ha sasagutin ko lang to." Tumango naman ako at agad syang tumalikod sa amin para lumayo. Maya maya bumalik na ulit sya.

"Miss Kim bale hindi na makakarating si Pranpriya pero wag kang mag-alala ma-iinterview ka din ngayong araw. Tara sa loob" yaya nya sa amin. Agad naman kaming pumasok sa loob at sinimulan na nya ang pag iinterview sa akin.

~To be Continue~

HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon