Jennie's POV
Natapos ng matiwasay ang interview ko kahapon, ang weird pero hindi tungkol sa modeling yung mga tanong nya and guess what tinanong nya ko ng tungkol sa mga gawaing bahay. Katulong ata yung hanap ni Ms. Manoban hindi model tss.. kung hindi lang para sa nanay ko hindi ko tatapusin yung interview.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko, agad ko naman itong kinuha para tingnan kong sino ang tumatawag. Si Jeongyeon pala, agad ko naman itong sinagot.
"Hello Ms. Kim?"- Jeongyeon
"Hi Ms. Jeongyeon, Jennie Kim speaking" kinakabahan kong sagot
"Jennie hindi na ko magpapaligoy ligoy pa, tanggap ka na. You can go to Ms. Manoban office today para sa final interview"- Jeongyeon
"Talaga? Tanggap na ko? Andoon ba sya today?" excited kong tanong
"Yes andoon sya and guess what sya ang makakausap mo mamaya"- Jeongyeon
"Sige, mga what time pala ako pupunta?"
"You can drop by at 1:30 or 2, free time nya yan"- Jeongyeon
"Okay sige thank you, bye" then I ended the call. I look at my watch and saw it was 11:30 am may isang oras pa ko para mag ayos. Bago ako mag shower I call Nayeon to ask if she could accompany me again and thanks god she said yes.
We already arrived at the company of Ms. Manoban, exactly at 1pm hindi naman ako halatang excited. I want to meet the great Pranpriya Manoban. Habang nasa loob ng elevator nag uumpisa na kumabog ang dibdib ko kinakabahan na naman ako. Naramdaman siguro ni Nayeon na hindi ako mapakali kaya hinawakan nya ang kamay ko at tumingin sa akin habang naka ngiti, she mouthed "you can do it" napangiti na din ako with my gummy smile. After ng ilang minuto nakarating na din kami sa harap ng office ni Ms. Manoban, dahan dahan akong kumatok. Maya maya pa dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jeongyeon.
"Ms. Jennie and Ms. Nayeon, pasok kayo" ngiting sabi nya
"Thanks" dahan dahan akong pumasok, nagulat ako ng may nagsalita sa gilid namin.
"Hi Jennie, hi Nayeon long time no see" masayang bati ng babae, agad ko syang hinarap at mas lalo akong nagulat ng maalala ko kung sino sya
"Hi Jisoo" nahihiya kong sagot, bakit sila andito kasama nya si Chaeng na nakangiti sa amin. Kung andito sila baka nandito din yung demonyong babae. Lina? Lira? Hindi ko matandaan ang pangalan ng babaeng yun.
"Jennie upo ka muna pabalik na si Ms. Manoban may inasikaso lang sya saglit" inaya ako ni Jeongyeon maupo sa harap ng table ni Ms. Manoban. Habang hinihintay namin si Ms. Manoban nag kwentuhan lang silang apat samantalang ako tahimik lang kasi kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit pero malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama. Natigil ang pagk-kwentuhan nila ng dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang babaeng kinaiinisan ko. Pagkasara nya ng pinto humakbang ito patungo sa table na nasa harapan ko at umupo. Nagulat ako sa ginawa nya at biglang napasigaw.
"Hoy babaeng walang modo, bakit ka umupo dyan?" sigaw kung tanong sa kanya.
"Bakit? Masamang umupo ako dito?" balik nyang tanong sa akin. Aba't sinusubukan nya na naman ako, agad akong tumayo at tinuro sya
"Oo masamang umupo ka dyan, si Ms. Pranpriya Manoban lang ang pwedeng umupo dyan" sagot ko sa kanya. Bigla syang tumawa ng malakas.
"Anong nakakatawa Lina?" kumukulo na yung dugo ko sag alit
"It's Lisa not Lina, tsss.. tsaka Ms. Jennie Kim FYI ako ang kakausap sayo for your final interview" seryosong sabi nya habang nakatitig sakin. Wait.. ano daw? Sya ang kakausap sakin?
"You're kidding right? Hahahaha ikaw? Paano magiging ikaw eh hindi naman ikaw si Ms. Manoban" ang galing nya pala mag joke, tawa ako ng tawa habang sya seryosong naka tingin lang sa akin.
"Jeongyeon" tawag nya habang nakatitig pa rin sa akin
"Yes, Lisa?" tugon ni Jeongyeon at agad na lumapit sa amin
"Ipakilala mo nga ako sa babaeng to" turo nya sakin
"Ms. Kim please meet Ms. Lisa, Pranpriya Lalisa Manoban the owner of this company" agad akong natulala, what sya talaga si Ms. Manoban.
"Surprise Ms. Kim" saad nya habang nakakalokong ngumiti, napatungo na lang ako dahil sa hiya
"That's enough Lisa" saway sa kanya ni Jisoo
"Okay, as you can see Ms. Kim I want to hire you but not for modelling"
"Huh? What do you mean? Models yung kailangan nyo diba?" naguguluhang tanong ko
"Nope, we don't need model. That was just for the ads" sagot ni Jeongyeon
"So kung hindi model ano pala ang in-aplayan ko?" kabado kong tanong sa kanila
"It's simple Ms. Kim be my wife hanggang..." hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Lisa
"What?? You're wife? Anong kalokohan to Ms. Manoban?" galit kong sabi sa kanila.
"Jennie calm down" pagpapakalma sakin ni Nayeon.
"We both need this Ms. Kim, you need me and I need you" halata ang lungkot sa mga mata ni Lisa
"Please" unti unti syang lumuhod sa harapan ko. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Lisa, maski ako nagulat nag mamakaawa sya sa harap ko. Hindi ko alam ang gagawin ko papayag ba ako o hindi.
"Ms. Manoban can you give me some time to think, hindi madali ang gusto mo" tumalikod na ko para umalis pero hindi pa ko nakakahakbang biglang nag salita si Lisa.
"Jennie.. ayaw kong mawala sakin lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko. I need you please" ramdam ko ang hirap sa boses nya. Gusto ko syang lingunin pero nag aalinlangan ako, gusto ko syang tulungan pero paano ang buhay ko. Wala na din akong nagawa kundi ang umalis pero bago ako makalabas ng pinto sinabihan ko sya na tatawag na lang ako kapag naka pagdesisyon na ko.
~To be Continue~
![](https://img.wattpad.com/cover/198976452-288-k293794.jpg)
BINABASA MO ANG
HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)
Fanfiction"You're my wife Mrs. Jennie Kim Manoban... for RENT." she said while looking at me. Tama bang tinanggap ko ang trabaho na to? - Jennie Kim Date Started : September 08, 2019 Date Ended : October 04, 2019