Chapter 31 (TRIP TO DAVAO - BEST MORNING WITH YOU)

3.5K 88 3
                                    

Lisa's POV

"Si Jennie?" pagtatanong ko kay Chaeng habang nakasilip ako sa pinto ng kwarto nila. Sandali syang tumingin sa akin bago ibinaling ulit kay Jisoo ang kanyang pansin.

"Ako ba ang jowa at sa akin mo hinahanap?" mataray nitong sagot habang hinahaplos ang mukha ni Jisoo na mahimbing na natutulog. Binalingan ko ng tingin si Nayeon at sa kanya nagtanong.

"Nayeon.." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.

"Hindi ako hanapan ng nawawala" mataray na sagot din nito sa akin habang nakatitig kay Jeongyeon.

"Bakit kayo ganyan nagtatanong lang naman ako. Umagang umaga, meron ba kayong mga dalaw ha?" may diin kong tanong sa kanilang dalawa tangging pag-irap lang ang nakuha kong tugon.

"Uhmm sister.." pagtawag sa akin ni Kai, agad ko itong binalingan ng tingin.

"Ano Kathrina wag mong sabihing meron ka din?" pagbulyaw ko sa kanya.

"How I wish lang Lisa diba para mafull force na ang pagiging babae ko" pag-irap nito sa akin sabay halukipkip.

"Eh bakit mo ko tinawag?" takang tanong ko sa kanya.

"Sasabihin ko lang naman sana sayo na yung hinahanap mo andoon sa kusina at nagluluto. Jusko Lisa kaloka ka, ang aga aga sinisira mo ang beauty ko. Oppa oh ipagtanggol mo ko inaaway nila ang bebe mo" pagsusumbong nito sa picture ni D.O, napangiwi ako at napa iling kadiri. Hindi ko na kaya ang nasasaksihan ko kaya napagpasyahan kong umalis at babain si Jennie ko sa kusina.

Nasa may pintuan pa lamang ako ng kusina naamoy ko na ang niluluto nya. Sumandal ako sa gilid ng pinto at pinagmasdan ang pinaka magandang babae sa buhay ko pero syempre mas maganda pa din si Mama baka multuhin nya ko eh. Nakatalikod ito sa gawi ko at nakasuot ng apron. Hindi na ko makapaghintay na iharap sya sa altar at ibigay sa kanya ang apelyido ko. Pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa, napaka perpekto. Napangiti ako sa magandang tanawin na nasasaksihan ko, sya at ako sa isang bubong kada umaga ganitong tagpo ang bubungad sa akin pagkagising ko. Sya na nagluluto sa kusina habang may liitle Jennie at Lisa na naglalaro at nagtatakbuhan, yun na siguro ang pinaka masayang pangyayari sa buhay ko.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa likuran nya at niyakap sya ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkabigla nya pero maya maya ay kumalma din.

"Andyan ka na naman tinutukso tukso ang aking puso" malambing kong kanta sa tenga nya.

"Ilang ulit na bang iniiwasan ka di na natuto" marahan kong iginalaw ang aming mga katawan habang hinahaplos nya ang aking mga bisig na nakabalot sa katawan nya.

"Sulyap ng iyong mata laging nadarama kahit malayo. Nahihirapan na lalapit lapit pa di na natuto" pagtutuloy nya sa kanta ko, pinaharap ko sya sa akin at ipinatong ang kanyang mga kamay sa balikat ko habang nakahawak naman ang mga kamay ko sa bewang nya.

"Isang ngiti mo lang at ako'y napapaamo. Yakapin mong minsan ay muling magbabalik sayo ng walang kalaban laban, ang puso ko'y tangging iyo lamang" nakatitig kong pagkanta sa kanya, pinaglapat ko ang aming mga noo. Dahan dahan nyang pinikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa kanyang mapupulang labi.

"Muling bumabalik sayong mga halik di na natuto" idinikit ko ang aking katawan sa kanyang katawan habang marahan pa ring sumasayaw ng mabagal.

"Yakapin mong minsan ay muling magababalik sayo ng walang kalaban laban, ang puso ko'y tangging iyo lamang" pagtatapos po sa kanta.

"Jennie Kim ang puso ko'y tangging iyo lamang tumitibok man ito o hindi" naka ngiti kong sabi sa kanya. Mahina nya kong pinalo sa braso at mahinang tumawa.

"Manoban ang aga mong magpakilig" sambit nito.

"Miss Kim pwede bang may nakawin ako sayo?" tanong ko sa kanya.

"Anong nanakawin mo sa akin?" takang tanong din nito sa akin. Hindi ako sumagot bagkos ay idinampi ko ang mga labi ko sa mga labi nya.

"Hindi mo na kailangang magpaalam Manoban, you can kiss me without my permission. I'm already yours remember" pagpapaalala nito sa akin.

"Alam ko pero kasi malaki ang respeto ko sayo at ayaw kong pilitin ka sa mga bagay na hindi mo gusto" pagpapaliwanag ko sa kanya. Mabilis nyang dinampian ng halik ang aking mga labi, madaming beses na nangyari ang ganitong tagpo pero parang laging bago sa pakiramdam ko.

"I love you Love, gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang" malambing nitong sabi habang niyayakap ako ng mahigpit.

"I love you too Love, so much" bulong ko sa tenga nya.

"Haru jusko kaya pala sunog na yung niluluto naglalampungan pala kayong mga vakla kayo rito" pagbasag sa moment namin ni Kai at nakasunod sa kanya ang apat.

"Makakain ba namin yang I love you nyo?" mataray na tanong ni Chaeng, nagkatingin kami ni Jennie at sabay na napa ngiti.

"Dude hindi na natin to makakain sobrang sunog na, dumikit na sya sa kawali" nakangiwing sabi ni Jeongyeon habang sinusuri ang kaninang niluluto ni Jennie.

"Yan kasi may patukso tukso pang nalalaman, ano ngayon ang kakainin natin?" mataray na tanong ni Nayeon.

"Ako meron na" masayang ngiti ni Jisoo, napataas ako ng kilay.

"Nasaan Hun? Gutom na ko" pabebeng tanong ni Chaeng at ikinawit ang mga braso nito sa leeg kay Jisoo.

"Ikaw Hun ang kakainin ko" natawa kaming lahat habang namumula si Chaeng, inilagay ni Jisoo ang kanyang mga kamay sa bewang ni Chaeng at marahan din silang sumayaw.

"Andyan ka na naman tinutukso tukso ang aking puso" panggagaya nila sa amin ni Jennie, napataas ang kilay ko at marahang binatukan si Jisoo.

"Kanta namin yan, hanap kayo ng iba" mataray kong sabi at ibinaling ang aking tingin kay Jennie.

"Para sayo lamang ang kantang yun Love kasi kapag nandyan ka hindi ako mapakali. My heart beats badly and I'm falling for you deeply day by day" nakatitig kong sambit sa harap nya, bahagyang namula ang kanyang mga pisngi na sya kong ikinangiti. Ilang minuto din kaming magkatitigan hanggang sa binasag ito ng isang malakas na pag ubo.

"Mga vakla alam naming mahal nyo ang isa't isa no pero sana naman may respeto din naman kayong natitira para sa baklang walang love life" mangiyak ngiyak nitong sabi.

"Oppa kapag nagkita tayo itanan mo na ako ang hirap maging taga "sana all" na lang lagi. Oppa baby saranghae" this time hindi na maliit na picture ni D.O ang bitbit nya kundi isang malaking poster na nakahubad si D.O at tangging brief lang ang suot.

"Uhmm yummy" pagtili ni Kai habang inaamoy amoy ang abs nito, napailing ako. Wala nang pag asa, bakla nga talaga ang bruha na to.

HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon