Jennie' POV
"You can't do this to me Lisa, bakit hindi mo ko makita? Bakit hindi mo ko kayang mahalin?" sunod sunod na tanong ni Tzuyu habang umiiyak na naging dahilan para kumalas ako sa pagkakayakap kay Lisa. Agad syang hinarap ni Lisa bakas sa mukha nito ang pagkaawa.
"Sorry Tzuyu I can't love you like the way you want me to. Parang kapatid na din ang turing ko sayo at hanggang doon lang ang kaya kung ibigay" bakas sa boses ni Lisa na gusto na nyang umiyak, agad kong hinagod ang likod nya at marahang inabot ang isa nyang kamay this time pinaglakip ko ang aming mga palad. Nagulat ako ng biglang lumuhod sa harap namin si Tzuyu at nagmakaawa kay Lisa.
"Please let me love you, susubukan kong hanapin dyan sa puso mo ang lugar ko. I know Lisa you can love me just give me a chance please" paghikbi nya sabay hawak sa mga braso ni Lisa. Marahang inalis ni Lisa ang pagkakahawak nya at umiling. Honestly right now naaawa ako sa kanya bakit ang unfair? Bakit kailangang mahalin natin yung mga taong hindi tayo kayang mahalin?
"Don't do this you deserve someone, I know you can find someone better than me. Wag mong ibaba yung sarili mo para sakin I don't deserve any of this Tzuyu hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo, patawarin mo ko" sabi ni Lisa habang umiiyak agad akong hinila ni Lisa paalis pero hindi pa man kami nakakalayo ng sumigaw si Tzuyu.
"Someday you will realize I'm better than her Lisa. You little midget, you will regret this" sabi nya sa akin. WTF! She call me midget? how dare she is? ilang pulgada lang naman ang lamang nya ng tangkad sakin kung malait nya ang height ko. Napantig ang tenga ko sa narinig ko imbis na naaawa na ko sa kalagayan nya kanina this time I want to slap her not so beautiful face and kill her with my bare hands pero naisip ko kapag ginawa ko yun madudungisan ang mga kuko ko bagong nail polish pa naman ang mga to at hindi sya karapat dapat na malapatan ng magaganda kong mga kamay. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntunghininga inuubos talaga ng bruhang Tzuyu na to ang pasensya ko. Agad akong tumigil sa paglalakad na sya ding ikinatigil ni Lisa, binigyan ko muna sya ng isang matamis na ngiti at nagsenyas sa kanya na sandali lang bago ako humarap sa bruhang si Tzuyu.
"F*ck you desperate bitch" I mouthed to her at tinaasan sya ng isa kong kilay sabay talikod at hinila si Lisa papalayo. Umalis kami sa party na hindi na nakapagpaalam sa Lolo nya. Napadpad kami ni Lisa sa isang park medyo malapit sa hotel na pinagdadausan ng party, naupo ako sa isang swing habang sya nakatayo lang sa likod ko.
"Jennie" mahina nyang pagtawag sa pangalan ko, mag aalas nuebe na din pala ng gabi kaya wala ng katao tao na nakatambay dito sa parke.
"Hmmm. ." pagtugon ko sa tawag nya.
"Pasensya ka na kung nadamay ka pa sa gulo ko sa buhay" paghingi nya ng tawad sa nangyaring gulo kanina. Inabot ko ang kamay nya para mahila sya papunta sa harapan ko.
"Okay lang yun, sanay na ko. Ang hindi okay ay yung tawagin nya kong pandak" may diin kong sabi sa kanya na agad namang ikinatawa nya.
"Ini-small ka ba nya?" natatawa nyang tanong sa akin hindi ako sumagot binigyan ko lang sya matalim na tingin.
"Wag kang mag-alala inii-big naman kita" pagbanat nya para mapagaan ang loob ko wala sa sarili akong ngumiti, kaya siguro madaming naghahabol at nagkakagusto sayo kasi ganyan ka? Tsss.. pero sorry ka manoban hindi mo ko mabibiktima sa paganyan ganyan mo. Talaga lang Jennie baka kainin mo yang sinasabi mo pagtutol ng isang bahagi ng utak ko, naputol ang pakikipagdebate ko sa isip ko ng magsalita si Lisa.
"Pero sorry talaga, hindi ka tuloy nakakain dahil sa akin" malungkot nyang sabi hinampas ko ng marahan ang tiyan nya.
"Okay lang hindi naman na ako nagugutom" pagpapagaan ng loob ko sa kanya, nawala ang gutom ko dahil sa witch na nagngangalang Tzuyu.
"Sandali lang ako dito ka lang ha" pagpapaalam nya sabay takbo paalis. Naiwan akong mag-isa sa swing tinanaw ko ang malawak na kalangitan kay gandang pagmasdan ng mga bituin, matagal tagal na din pala ng tanggapin ko ang alok ni Manoban. Sa mga araw na nagdaan nakikita ko ang totoong Lisa, hindi maipagkakailang mabuti syang tao. Masaya ako kapag inaasar nya ko, masaya ako kapag nakakasama ko sya. Pakiramdam ko safe ako kapag nasa tabi ko sya palagi, may puwang ka na ba sa puso ko Lisa? Pagtatanong ko sa isip ko, maya maya nakaramdam ako ng lamig, biglang umihip ang malakas na hangin agad kong inakap ang sarili ko naka-dress pa naman ako. Naramdaman ko ang pagpatong ng malambot na tela sa mga balikat ko nilingon ko si Lisa habang inaayos nya ang coat nya sa balikat ko para maibsan ang ginaw na nararamdaman ko. Inabot nya sa akin ang isang tumbler na naglalaman ng mainit na kape agad ko itong tinanggap, dahan dahan syang lumuhod at marahang tinggal ang mga sapatos kong may takong inilabas nya sa isang supot ang isang pares ng tsinelas at sinuot sa mga paa ko. Nag stay lang kami sa park at inubos ang mga kape na binili nya habang nagk-kwentuhan, makalipas ang ilang oras nag-aya na syang umuwi.
Malayo pa lang ang kotse nya nanlaki na ang nga mata ko sa nakita ko sa labas ng bahay namin. Si mama umiiyak habang nagmamakaawa sa may-ari ng bahay na inuupahan namin halos lahat ng mga gamit nasa labas. Paghinto ng kotse nya agad akong lumabas at tinakbo si mama.
"Anong nangyayari?" tanong ko kay mama.
"Anak pinapalayas na tayo, 3 buwan na tayong hindi nakakabayad ng upa kukunin din nila ang lahat ng gamit natin anak" umiiyak na sabi ni mama, nanghina ang mga tuhod ko wala ng matitira sa amin ni mama. Unti-unting umagos ang mga luha sa mga pisngi ko bakit ang lupit ng mundo? Nakaramdam ako ng pagkahilo handa na sana akong bumagsak sa lupa ng may naramdaman akong mga kamay na sumalo sa akin at inakap ako ng mahigpit.
"Miss" tawag pansin ni Lisa sa may ari ng bahay habang nakayakap pa rin sa akin, agad naman itong tumugon.
"Can you give me the sum up computation of their rent, I will pay and double it just please don't get everything they have" pagkausap nya sa may-ari na sya naman nitong ikinangiti ng malaki, nagmukhang peso sign ang mata ng may-ari ng bahay. Habang nakikipag settle si Lisa sa may-ari dumating si Papa, okay na kami ni Papa casual lang kapag nag-uusap kami. Pinipilit kong ibalik ang dati pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Pagkatapos maayos ni Lisa ang lahat kinarga sa isang truck ang mga gamit namin.
"Jennie anak" pagtawag sa akin ni mama nilingon ko sya katabi nya si Papa.
"Doon na tayo sa Papa mo titira" sambit ni mama, hindi ako naka imik sa totoo lang ayaw ko pang makasama si Papa ng matagal may galit pa rin sa puso ko para sa kanya.
"Ma, tito kung okay lang sa inyo sa akin na lang titira si Jennie wala din naman akong kasama sa bahay" paghingi nya ng permiso kay mama at papa. Agad akong napatingin sa kanya at handa ng tumutol sa gusto nyang mangyari pero agad syang nagsalita.
"No buts Miss Kim, isipin mo na lang pangbawi ko to sayo sa nangyaring gulo kanina" naka-ngiti nyang turan sa akin. Wala na din akong nagawa ng pumayag sina Mama at Papa siguro alam din nila na hindi ko pa kayang mapatawad si Papa ng buo.
Halos isang oras din bago kami nakarating sa bahay nya, namangha ako pagpasok ko malaki ang bahay nya at malinis kahit wala syang kasamang kasambahay. Inihatid nya ko sa magiging kwarto ko nang nasa tapat na kami ng pinto inabot nya sakin ang mga gamit ko.
"Salamat Manoban sa lahat ng naitulong mo sa akin at sa pamilya ko" pagpapasalamat ko sa kanya tangging ngiti lang tinugon nya sa akin. Akmang papasok na ako ng kwarto ng bigla nyang hawakan ang braso ko agad ko naman syang hinarap. Hinila nya ko papalapit sa kanya at inakap ng mahigpit.
"I just want to say that you look so wonderful tonight" mahina nyang bulong sa tenga ko at dinampian ng halik ang noo ko. Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko buti na lang at medyo madilim hindi nya nakikita.
"Good night BB, sweet dreams" pagpapaalam nya sabay pasok sa kwarto nya na katabi lang ng kwarto ko. Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, anong ginagawa mo sa akin Manoban? Ikaw talaga ang magiging sanhi ng kamatayan ko.
~To be Continue~
BINABASA MO ANG
HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)
Fanfic"You're my wife Mrs. Jennie Kim Manoban... for RENT." she said while looking at me. Tama bang tinanggap ko ang trabaho na to? - Jennie Kim Date Started : September 08, 2019 Date Ended : October 04, 2019