Chapter XIX (FACING YOUR DEATH)

5K 94 3
                                    

Lisa's POV

"BB matagal ka pa ba?" tanong ko sa kanya habang kumakatok sa labas ng pintuan ng kwarto nya.

"Sandali na lang" sigaw na sagot nya, napaikot ang mga mata ko bakit ang tagal mag-ayos ng mga babae? Nakasimangot akong bumaba at nagpunta sa sala para doon na lang maghintay. Inaya ko si Jennie mag-date ngayong araw, sisimulan ko na ang pang-liligaw baka maunahan pa ko mahirap na.

Hindi din nagtagal bumaba na din sya, nakasuot sya ng short na maikli, white crop top na napapatungan ng blazer na itim at white rubber shoes. Simple pero may dating, hinarap ko sya ng nakasimangot.

"Magpalit ka" malumanay kong utos sa kanya sabay upo sa sofa.

"Hindi mo ba nagustuhan? Pangit ko ba?" nagtataka nyang tanong. Tumingin ako sa kanya may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ko, tumayo ako at nilapitan sya.

"Kahit basahan pa ang isuot mo maganda ka pa din" malambing kong saad sabay punas ng mga luha na nagbabadyang bumagsak galing sa kanyang maamong mga mata.

"Bakit mo ko pinagpapalit?" parang bata nyang sabi sabay titig sa akin, napangiti ako ma-swerte akong nakilala ko ang isang Jennie Kim.

"Kasi po baby ko ayaw kong may ibang titingin sayo dapat ako lang. Bakit kasi ang lakas ng dating mo pati puso ko natangay mo" sabi ko ng naka-ngiti, tinampal nya ang noo ko.

"Ito na magpapalit na, ang daming sinasabi eh" pag-irap nya sabay talikod pero hindi nakaligtas sa akin ang pamumula ng mga pisngi nya at marahan itong ngumiti, kinikilig si Miss Kim.

Maya-maya pa bumaba na ulit si Jennie habang naka suot ng pants at white t-shirt, nakahinga ako ng maluwag inaya ko na syang umalis.

"Saan ba tayo pupunta Lisa?" tanong nya sa akin habang nasa loob kami ng kotse, sinulyapan ko ng tingin ang maganda nyang mukha.

"May ipapakilala ako sayo, mahahalagang tao sa buhay ko" sagot ko sa kanya sabay baling ko ulit sa daan.

Hindi na muli pa syang nagsalita, nabalot kami ng katahimikan. Hinawakan ko ang kamay nya at pinaglakip ko ang aming mga palad kontento na ako sa buhay na meron ako ngayon. Napasulyap ako sa gawi ni Jennie na masayang nagmamasid ng tanawin sa labas, hindi ko maiwasang mapa-ngiti nasa akin na ang lahat pati ang puso mo tanging oo mo na lang ang kulang para tuluyang mabuo ang mundo ko. Tinigil ko ang sasakyan nang marating namin ang distinasyon namin. Lumabas ako ng kotse at inilahad ko ang kamay ko sa harap nya.

"Tara" pag-aaya ko sa kanya, agad naman nyang tinanggap ang aking kamay at inalalayan syang bumaba.

"Hawakan mong mabuti ang kamay ko natatakot ako na baka kapag naligaw ka hindi na muli pa kitang mahanap" sambit ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Wag kang mag-alala maligaw man ako hahanap at hahanap ako ng paraan makabalik lang sa piling mo" naka-ngiti nyang ganti, pwedeng magmura? Gusto kong himatayin sa kilig minsan lang sya bumanat pero tagos hanggang kalamnan.

"Ma, Pa kumusta na?" bungad na bati ko sa harap ng puntod ng mga magulang ko. Naupo ako sa harap nila at inalalayan si Jennie maupo sa tabi ko.

"Si Jennie Kim po pala Mama, Papa" pagpapakilala ko kay Jennie sa kanila.

"Ang babaeng mahal ko at mamahalin ko hanggang dulo" pagtutuloy ko at hinawakan ang kanyang kamay.

"Hi po Tito at Tita nice to meet you po" naka-ngiti nyang pagkausap sa mga magulang ko kahit alam nya na hindi naman sya ng mga ito sasagutin, marahan syang yumuko bilang pag galang. Unti-unting naglandasan sa aking mga pisngi ang mga luha, hinaplos ko ang puntod nila.

"Miss na miss ko na kayo, sobra. Nami-miss nyo rin ba ako? Sana lagi nyo kong binabantayan, wag kayong mag-alala inaalagaan ko si Lolo ng mabuti gaya ng bilin nyo sa akin" wika ko habang umiiyak, sobra sobra ang sakit na naidulot sa akin ng pagkawala nila. Minsan ko nang sinisi ang nasa taas kung bakit maaga nyang binawi ang mga magulang ko pero naisip ko lahat ng to may dahilan.

"Wag po kayong mag-alala Tito at Tita ako na po ang bahala sa anak nyo" sambit ni Jennie at niyakap ako ng mahigpit. Ginagap nya ang mukha ko at pinaharap sa kanya, tinitigan nya ko sa mata.

"Lisa hindi kita iiwan, kapag pakiramdam mo pagod ka nang lumaban gawin mo akong sandalan. Kapag pakiramdam mo hindi mo na kaya andito lang ako sa tabi mo nakahandang tanggapin ang lahat ng sakit para sayo. Ako ang magsisilbing liwanag sa madilim mong mundo, mamahalin kita at papaka-ingatan ng higit pa sa buhay ko" puno ng senseridad sa kanyang mga mata. Marahan nyang dinampian ng halik ang noo ko. Mag-aala sais na ng gabi ng naisipan naming lisanin ang sementeryo at umuwi na, nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano tungkol sa mga buhay namin. Nagyaya muna akong kumain bago kami tuluyang umuwi. Sa daan masaya kaming nag-uusap kung anong plano namin sa hinaharap.

Jennie's POV

Sinulyapan ko si Lisa habang nagmamaneho, masaya akong makilala pa at makasama sya sa hinaharap. Hindi ako magsasawang titigan ang maganda nyang mukha, laging makita ang mga ngiti sa kanyang mga labi na nagiging dahilan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Napasulyap sya sa akin at tinitigan ako.

"Mahal kita Jennie, mahal na mahal. Mawala man ako sayo pa rin titibok ang puso ko" naka-ngiti nyang sabi na syang nagpa-ngiti din sa akin. Ngunit unti-unting nawala ang mga ngiti ko ng may liwanag na sumalubong sa kotse namin.

"Lisa babangga tayo" pagsigaw ko at napapikit. Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Lisa at ang malakas na pagtama ng kotse namin sa isang truck. Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ni Lisa bago ako nawalan ng malay.

Unt-unti kong minulat ang mga mata ko at npinagmasdan ang buong paligid, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang harap ng kotse namin wasak ito. Ibinaling ko kay Lisa ang paningin ko at nakita ko ang mukha nya, dahan dahan akong gumalaw para abutin ang pisngi nya. Isa-isang naglandasan ang mga luha ko sa pisngi, hindi maaring mangyari ito panaginip lang to.

"Hindi, hindi Lisa" umiiyak kong sabi habang hinahaplos ang pisngi nya. Si Lisa puno ng dugo ang buong mukha nya. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, bakit? Bakit ganito?

"Lisa.. wag mo kong iiwan please" pagmamakaawa ko sa kanya kahit alam kong hindi nya maririnig, naghahalo na ang dugo at ang mga luha ko sa aking mukha pero wala akong pakialam tangging si Lisa lang ang laman ng isip ko.

"Hindi mo ko maaaring iwan ng ganito, gumising ka dyan sasagutin pa kita" pag-alog ko sa katawan nya at mahigpit syang niyakap. Nadudurog ang puso ko bakit kailangang mangyari ang lahat ng to.

Someone's POV

"Anong balita?" bungad na tanong ko sa kausap ko sa telepono.

"Okay na boss, malala ang tama ni Manoban sinisigurado ko sayo boss patay na sya sa mga oras na to pero yung kasama nyang babae galos lang ang natamo" pagrereport nito sa akin. Napangiti ako hindi magtatagal mawawala ka na sa mundong to Manoban, gaya ng pagpatay ko sa mga magulang mo.

"Sinigurado mo ba na walang nakakita sayo? Dinispatsya mo na ba yung truck?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Oo boss hinulog ko na sa bangin yung truck para walang ebidensya, wag kang mag-alala walang tao sa pinangyarihan ng krimen" sagot nito sa akin puno ng kasiguraduhan.

"Good, idedeposit ko na sa bank account mo ang bayad ko at magpakalayo layo ka na. Wag ka ng magpapakita sakin kahit kailan maliwanag ba?" paninigurado ko sa kanya.

"Areglado boss" masayang sabi nito bago ko tuluyang pinutol ang tawag.

Sa lala ng naging tama mo sinisigurado kong hindi ka na sisikatan ng araw Manoban, pagsisisihan mo sa impyerno na naging anak ka pa ng magulang mo.


~To be Continue~

HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon