Lisa's POV
After ng show na naganap sa baba inaya ko na si Miss Kim magtungo sa office habang nasa elevator kami hindi kami nag-iimikan, sobrang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.
"Miss Kim / Manoban" sabay naming pagsambit, napa-iwas ako ng tingin.
"Sige ikaw na mauna" sabi ko sa kanya.
"Hindi ikaw na mauna, may kasabihan nga diba Monkey first before the beautiful Lady" pang-aasar nito sa akin tumingin ako sa kanya ng naka simangot habang naka nguso.
"Wag kang pa-cute hindi bagay sayo, nagmumukha kang pato" pairap nyang sabi akin sabay tawa ng malakas, napatitig lang ako sa kanya habang tumatawa sya hindi maitatanggi maganda talaga ang babae na to.
"Hoy Manoban alam kong maganda ako wag mo kong masyadong titigan ikaw din baka magsisi ka sa huli" sabay kindat nya sa akin.
"Duh.. sino bang nagsabi sayong nagagandahan ako sayo ang pangit mo kaya" pagtanggi kong sagot sa kanya.
"Sa lahat ng tao ikaw lang ang hindi nakakapansin sa kagandahang meron ako, magpasukat ka na ng salamin malabo na ang mga mata mo Manoban" irap nitong sabi sa akin.
"Ang hangin Miss Kim parang tatangayin ako" hindi sya umimik tiningnan nya lang ako.
"Tatangayin papunta sayo" pagbanat ko sa knaya sabay kindat, wala syang reaksyon hindi nya nagustuhan ang banat ko kaya nanahimik na lang ako.
"Globe ka ba?" biglang tanong nya, na-excite ako magpipick up line ang isang Jennie Kim.
"Bakit? Kasi ako ang mundo mo?" pag ngiti ko ng malawak sa kanya, tiningnan nya ko nang hindi makapaniwala.
"Anong pinagsasasabi mo? Makiki-txt sana ako, it-txt ko si Nayeon wala kasi akong load" napaiwas ako ng tingin medyo pahiya ako doon ah kala ko talaga babanat din medyo paasa din tong si Miss Kim. Agad kong inabot sa kanya ang cellphone ko maya maya pa nakarating din kami sa office. Inaya ko syang maupo.
"So what's bring you here Miss Kim?" tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang sana mag thank you sa pagsagip mo sa akin last time" nahihiya nitong sabi habang nakatungo.
"Miss Kim hindi ako tumatanggap ng basta thank you lang" seryoso kong sabi sa kanya agad syang nagbaling ng tingin sa akin at waring nagtatanong napahinga ako ng malalim.
"A kiss will do here" turo ko sa mga labi ko sabay tawa ng malakas, natigil ang pagtawa ko ng maramdaman ko na may tumama sa mukha ko na unan.
"Manyak ka na nga bastos ka pa, complete package Manoban" nanggagalaiti sya sa galit. Habang nag aasaran kami bigla syang natigilan at napatulala, agad kong nilingon ang tinitingnan nya. Nakatitig sya sa basurahan kung saan ko tinapon ang kahon kanina.
"Miss Kim?" tawag pansin ko sa kanya pero sa may basurahan pa rin sya naka tingin.
"BB ko" tawag ko ulit sa kanya agad nya naman akong nilingon, may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Huh?" tangging naisagot nya.
"Sabi ko anong tinitingnan mo?" pag-uulit ko ng sinabi ko kanina, agad naman syang umiling sabay tayo at nagpaalam na aalis na. Wala na kong nagawa kundi ang ihatid sya ng tingin palabas ng opisina ko ayaw nyang magpahatid sa akin pauwi tinopak na naman si Miss Kim.
Makailang minuto din ang lumipas bumukas na naman ang pinto ng opisina ko napa ngiti ako akala ko si Miss Kim hindi pala, si Chaeng at Jisoo lang pala magka hawak kamay na pumasok nabura ang ngiti ko.
"Kung nandito lang kayo para mang-inggit at maglandian sa harap ko malawak ang pinto, makaka alis na kayo" seryoso kong sabi sa kanilang dalawa. Hindi naman sila natinag at walang paalam na naupo sa sofa habang magkayakap, napa irap ako na syang ikinatawa nila.
"Balita ko nagdate daw kayo ni Jennie last time?" pag-iintriga ng pinsan kong si Chaeng napataas ako ng kilay, kanino naman kaya nito nalaman.
"Kanino mo naman nasagap ang balita na yan?" takang tanong ko sa kanya.
"Kay Jeongyeon" maikling sagot ni Jisoo, napakamot ako ng batok may pakpak talaga ang balita.
"For the last time I will explaine my side hindi date ang tawag doon, bumili lang kami ng susuotin nya para sa party ni Lolo" pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Whatever Lisa, so masarap ba yung mga cupcake na gawa ni Jennie?" pagtatanong nito na sya kong ipinagtaka.
"Anong cupcake?" takang tanong ko.
"Nagbake kasi si Jennie ng mga cupcake bilang pasasalamat sayo sa apartment namin kagabi, nagpatulong sya sa amin" pagpapaliwanag ni Jisoo.
"Ang swerte mo Lisa kasi nagpuyat sya para maperfect yung mga cupcakes" dugtong ni Chaeng, wala akong naiintindihan sa mga pinagsasasabi nila.
"Wala akong natanggap at natikman na cupcake" naguguluhan kong sabi sa kanila. Agad tumayo si Jisoo at tumingin sa akin.
"Hindi mo talaga matitikman kasi tinapon mo" sabay kuha nya ng kahon na nasa basurahan, binuksan nya ito sa harap ko at laking gulat ko ng makita ko ang laman ng kahon puro cupcakes na may naka sulat na thank you. Pumasok sa isip ko ang hitsura ni Jennie bago sya umalis namumuo ang mga luha nya, agad akong tumayo at tumakbo palabas ng office ko narinig kong tinatawag ako nina Chaeng pero hindi ko na sila nilingon. Tumakbo ako at umaasang maaabutan ko pa si Jennie halos lahat ng mga nakakasalubong ko nababangga ko na pero wala na akong pakialam tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makalabas ako ng kompanya pero wala na akong naabutan, nanghihina akong napaupo sa tabi ng kalsada. Sinubukan ko syang tawagan pero walang sumasagot.
"Ano na naman tong ginawa mo Lisa" naibulong ko sa sarili ko sabay gulo ng buhok ko.
~
Someone's POV
"Magsaya ka hanggang sa gusto mo Manoban, sisiguraduhin ko ang kamatayan mo sa mga kamay ko. Hintayin mo ang pagdating ko nalalapit na ang pagkikita natin. Ipinapangako ko pagsisisihan mo ang ginawa ng pamilya mo sa pamilya ko" sabay tawa nito ng malakas habang naka tingin kay Lisa na naka upo sa tabi ng kalsada.
~To be Continue~
BINABASA MO ANG
HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)
Fanfiction"You're my wife Mrs. Jennie Kim Manoban... for RENT." she said while looking at me. Tama bang tinanggap ko ang trabaho na to? - Jennie Kim Date Started : September 08, 2019 Date Ended : October 04, 2019