Lisa's POV
Pagkatapos ng ilang minutong byahe nakarating din kami sa isang planta, dito kasi gusto makipag meeting ng bago naming investor. Pagbaba ko ng sasakyan agad akong tumakbo sa kabilang side ng kotse at pinagbuksan si Jennie ng pinto dahan dahan ko syang inaaalayan sa pagbaba.
"After you my Queen" sambit ko sa kanya at marahang yumuko bago sya pinauna sa paglalakad. Nahagip ng mata ko si Lolo at agad akong binigyan ng thumbs up sabay kindat na ikinangiti ko naman. Sabay sabay kaming pumasok at sinalubong kami ng secretary ni Mr. Manuel San, ang may-ari ng planta. Iginaya nya kami papunta sa conference room naghihintay daw doon si Mr. San pagpasok namin sa conference room isang magandang babae ang prenteng nakaupo at naghihintay. Agad itong tumayo at sinalubong kami ng ngiti.
"Nice to finally meet you Mr. Manoban" pagbati nito sa Lolo ko sabay lahad ng kamay nya na agad namang tinanggap ni Lolo.
"Thank you Miss?" patanong na sabi ni Lolo habang naka ngiti.
"Oh my bad, I'm Mina San the daughter of Manuel San" pagpapakilala nito sa sarili nya sabay tawa ng mahinhin hindi maipagkakaila na maganda ang babae.
"Oh the great Miss Pranpriya Lalisa Manoban is here, it's nice to finally meet you" pagbaling ng atensyon na sa akin nilahad nya din ang kamay nya na agad kong tinanggap, pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha nya. Maganda ito, mahinhing gumalaw at makinis. Marahan nyang pinisil ang kamay ko at ngumiti ginantihan ko din ito ng isang matamis na ngiti, ilang oras ding magkahawak ang aming mga kamay ng may maramdaman akong matalim na titig na nakamata sa likod ko agad akong nanigas. Isang malakas na pag-ubo ang narinig sa buong kwarto na syang naging dahilan para mabitawan ko ang mga kamay ni Mina. Dahan dahan akong lumingon at isang pares ng mata na mala pusa ang sumalubong sa akin at naka tingin sa akin ng matalim, kung nakakamatay ang titig siguro kanina pa ako nakahandusay at nangingisay. Tumingin ako sa gawi ni Lolo para humingi ng tulong pero tanging iling lang ang sinagot nya na parang nagpapahiwatig na wala syang pakialam kong mapaslang ako ni Jennie sa mga oras na to. Binaling ko kay Jennie ang tingin ko at binigyan sya ng isang matamis na ngiti tinaasan nya lang ako ng kilay saka umirap.
"Is that your secretary Miss Manoban? I don't like her attitude dapat sa kanya senesesante" matalim na titig ni Mina kay Jennie. Ramdam ko ang pag-iiba ng aura ni Jennie napalunok ako, patay ka Mina matitikman mo ang hagupit ng mataray na si Jennie. Napadasal ako ng wala sa oras, jusko po maawa po kayo Lord wag nyo po sanang hayaang magtransform ulit si Jennie.
Jennie's POV
Pagkakita ko pa lang ng mukha ng Mina na to alam ko na may halong pagka plastic ang pagkatao nito. Alam ko kung bakit ito ang humarap sa amin at hindi ang tatay nya, bali balita kasi na malapit ng malugi ang kompanya ng mga ito at nandito sya para akitin si Manoban kalat kasi sa business world ang pagiging bisexual ni Lisa kaya hayan tina-take advantage ng ibang kompanya ginagamit ang mga anak nila para mapalapit kay Lisa pero sorry na lang sayo Mina hindi ko hahayaang makuha mo ang Lisa ko. Kung hindi ko lang mahal tong Manoban na to kanina ko pa to nasakal, masyado nyang ninanamnam ang mga kamay ng babaeng nasa harap nya. Napataas ang kilay ko ng hinagod nya ng tingin si Mina mula ulo mukhang paa este hanggang paa pabalik sa mukha nito. Binigyan ko ng matalim na titig si Lisa at ramdam ko ang paninigas ng kanyang buong katawan tila naramdaman nya ang pagtitig ko sa kanya. Yan ganyan nga Manoban matakot kang malandi ka, nakakita ka lang ng babae nakalimutan mo na ako. Agad syang humarap sa gawi ko at ngumiti tinaasan ko lang sya ng kilay at inirapan.
"Is that your secretary Miss Manoban? I don't like her attitude dapat sa kanya senesesante" sabi ng malanding si Mina. Napataas ang kilay ko hindi pa ko nakaka move on sa pang iinsulto ni Tzuyu pero heto't may isa pang dagdag, mukha ba kong secretary? Agad kong siniko si Lisa na tila walang balak na ipakilala ako sa babaeng hitad na to.
"Hal ipapakilala mo ba kung sino ako o hahayaan mong ako mismo ang magpakilala sa sarili ko?" may diing sabi ko kay Lisa sabay ngiti sa kanya ng matamis, nakita ko ang sunod sunod na paglunok ni Lisa saka ngumiti ng alanganin. Hinapit nya ang bewang ko at idinikit sa kanya.
"Miss San this is Jennie Kim my fiance and soon to be wife" malambing na sabi ni Lisa sabay halik sa ulo ko. Nakita ko kung paano namutla ang mukha ni Mina sa narinig nya nilahad ko ang kamay ko na may suot na singsing.
"Nice to meet you Miss San, call me Jennie but it's nice if you call me Mrs. Manoban tutal doon din naman ang tuloy namin ni Lisa" sabi ko sabay ngiting tagumpay. Tinitigan nya ang singsing sa daliri ko bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Nice to meet you Mrs. Manoban, I apologize on my attitude earlier" paghingi nito ng tawad at tinanggap ang kamay ko. That's right bitch know your place.
Ilang minuto din ang itinagal ng meeting nila bago naisipan ni Lolo na umuwi. Nasa sasakyan na kami pabalik sa kompanya ni Lisa ng magsalita si Lolo.
"I'm so proud of you Jennie, you slay the enemy" natatawang sabi nito bago ako binigyan ng isang thumbs up, tangging ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.
"You better keep her Lisa or else itatakwil kita bilang apo ko" seryosong baling nya kay Lisa, napalunok naman ito bago sumagot.
"Ye..yes Lolo" tarantang sagot nito bago ako tiningnan.
"BB sorry na" paghingi nito ng tawad.
"Sorry mo mukha mo Manoban halos hubaran mo na si Mina gamit ang mga mata mo" pag-irap ko sa kanya sabay baling ng tingin sa labas ng bintana.
"I'm just being friendly and admiring the pretty face of Miss Mina" pagpapaliwanag nito sa akin. Napairap na naman ako, nakataas ang kilay ko na bumaling sa kanya.
"Bakit maganda din naman ako ah pero bakit hindi mo ko mapuri?" nakasimangot kong tanong sa kanya. Marahan nyang ginagap ang mga pisngi ko at pinaharap ako sa kanya.
"Cause no words that can describe how beautiful you are kaya hindi kita mapuri. Oo titingin ako sa iba but remember this you are the only one who can capture my heart" naka ngiti nitong sabi sabay hila sa akin at yakap ng mahigpit.
Lisa dahan dahan naman oh malapit ng sumabog ang puso ko sa sobrang kilig.
~To be Continue~
![](https://img.wattpad.com/cover/198976452-288-k293794.jpg)
BINABASA MO ANG
HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)
Fanfiction"You're my wife Mrs. Jennie Kim Manoban... for RENT." she said while looking at me. Tama bang tinanggap ko ang trabaho na to? - Jennie Kim Date Started : September 08, 2019 Date Ended : October 04, 2019