Lisa's POV
"Congrats" naka ngiting bungad sa akin ni Chaeng, agad kong inalis ang aking paningin sa tanawin na nakikita ko sa baba. Isa isang nagdadatingan ang mga bisita. Binaling ko kay Chaeng ang aking mga mata at marahang ngumiti.
"Masaya ako na sa wakas ibibigay na sayo ni Lolo ang lahat ng iniwan nina Tito at Tita" masaya nitong sambit.
"Chaeng salamat" tanging tugon ko sa kanya.
"Para saan?" takang tanong nito.
"Salamat kasi lagi kang nandyan para sa akin" maikli kong tugon, agad nya kong niyakap ng mahigpit at marahang tinapik ang aking likod.
"Nangako ako kina Tito at Tita na babantayan kita, alam mo namang mas mahal kita kaysa kay Jisoo diba" natatawang sabi nito na agad kong ikinatawa.
"Ano Park Chaeyoung? Pakiulit nga?" may diing sambit ni Jisoo na kasalukuyang nasa likod ni Chaeng. Kumalas sa yakap ko si Chaeng at naka taas ang kilay na hinarap si Jisoo.
"Bakit Kim Jisoo angal ka?" mataray nitong sabi at humalukipkip. Nanlaki ang mga mata ni Jisoo at sunod sunod na napalunok, tumawa ito ng alanganin.
"Nagbibiro lang Hun hehehe" sabay kamot nito sa batok, napailing ako sa nakita ko.
"Congrats and good luck Lisa" naka ngiting baling sa akin ni Jisoo.
"Kinakabahan ako" maikling sambit ko sa kanila.
"Wag kang mag-alala sigurado na yan, hindi ka naman tatangihan nun. Wag kang kabahan" pagtapik ni Jisoo sa balikat ko.
"Nasaan ba sya?" tanong ko.
"Nasa kabilang kwarto kasama si Nayeon at ang Parents nya" napangiti ako buti naman at okay na sya at ang Papa nya.
"Apo handa ka na ba?" bungad na tanong ni Lolo, tumango ako at sumama na sa kanya palabas.
"Lo mauna na kayo sa baba susunduin ko muna si Jennie" nakangiti kong paalam sa kanila bago pumasok sa kwarto na kinaroroonan ni Jennie. Tanging si Jennie na lamang ang naroroon, nakatalikod ito sa gawi ko kaya malaya kong napagmasdan ang kanyang kabuuan. Ngayon ang araw na ipapaalam ni Lolo na ako na ang mamamahala sa kompanya. Lumapit ako sa kanya at marahang hinalikan ang kanyang balikat.
"Love" mahina kong sabi at mahigpit syang niyakap, pinaglakip ko ang aming mga palad.
"Thank you for coming with me with this journey. I can't survive in this cruel world without you my Love" puno ng pagmamahal kong turan sa kanya, humarap sya sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking mga kamay.
"Kahit anong mangyari Love lagi kitang sasamahan ano man ang kaharapin mo andito lang ako palagi sa tabi mo" malambing nitong sambit at binigyan ako ng isang malawak na ngiti.
"I love you my Jennie Ruby Jane Kim" sambit ko kasabay nang paglalapat ng aming mga labi.
"I love you too Miss Manoban" ganti nitong sambit habang nakangiti.
"Miss Kim sa isang patak ng tubig nabuo ang ulan. Sa isang buhos ng ulan, nabuo ang baha. Sa isang kapirasong lupa, nabuo ang mundo. Sa isang hulma ng putik, nabuo ang tao parang Ikaw sa isang ngiti mo, nabuo muli ang puso ko" nakatitig kong sabi sa kanya, namula ang kanyang mga pisngi na agad kong ikinangiti.
"Miss Manoban kapag nakatingin ako sayo parang nakatingin ako sa mapa. Sa mapapangasawa ko" ganti nito sa banat ko, tila naubusan ako ng hininga sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pwede na ba akong mamatay sa sobrang kilig.
"Gumaganti ka ba Miss Kim?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Akala mo ba ikaw lang ang pwedeng magpakilig, Miss Manoban kung kaya kitang mahalin kaya din kitang pakiligin" medyo mahangin nitong sambit. Hindi ako nakakibo parang gusto ko na lang mag stay dito at titigan sya buong gabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/198976452-288-k293794.jpg)
BINABASA MO ANG
HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)
Fanfic"You're my wife Mrs. Jennie Kim Manoban... for RENT." she said while looking at me. Tama bang tinanggap ko ang trabaho na to? - Jennie Kim Date Started : September 08, 2019 Date Ended : October 04, 2019