Chapter X (THE KISS)

5.6K 132 1
                                    

Lisa's POV

Isa't kalahating oras na akong naghihintay dito sa sala nina Jennie hindi pa rin sya tapos mag-ayos, ngayong gabi ang party ni Lolo at ngayong gabi ko na din ipapakilala si Jennie sa kanya kinakabahan ako sana hindi nya kami mabuko. Nagbasa na lang ako ng magazine na napulot ko dito sa sala nila pampalipas oras maya maya pa nakaramdam ako ng isang mahinang tapik sa balikat agad kong inangat ang ulo ko at naka ngiting si Nayeon ang bumungad sa akin.

"Miss Manoban let me present to you my beautiful best friend" pagpalakpak nito at tinuro ang taas ng hagdan. Lumabas sa isang kwarto si Jennie suot ang dress na binili namin last time at alangining ngumiti sa akin tila kinakabahan. Dahan dahan syang bumaba ng hagdan habang ako nakatulala lang sa kanya lumakas ang kabog ng dibdib ko at biglang bumagal ang takbo ng oras, naka lugay ang buhok nya na kinulot ng bahagya, bagay ang make up na ginamit nya sa mukha nya hindi masyadong makapal sakto lang napadako ang tingin ko sa mapupula nyang labi ang ganda nya. Hindi ako naniniwala sa salitang perfect cause we all know that nobody is perfect but right now unti-unti na kong maniniwala cause Jennie Kim is the right defenition of the word perfect. Sa kakatitig ko sa kanya hindi ko namalayan na nasa harap ko na sya at marahang tinapik ang pisngi ko.

"Manoban laway mo tumutulo" agad kong pinahid ang gilid ng labi ko sinamaan ko sya ng tingin ng wala akong napahid na laway, nagtawanan silang dalawa ni Nayeon.

"I told you best mapapanganga sya sa gandang taglay mo" sabi ni Nayeon habang taas baba ang isa nitong kilay.

"Naglaway pa nga Nayeon eh" pagtawa ni Jennie ng malakas, napa irap ako oo nagandahan ako sa kanya pero ngayong gabi lang at hindi ko yun aaminin sa kanya sa akin na lang yun.

"Excuse me Miss Kim never in my dreams na maglalaway ako sayo, tss.." pagtanggi ko sa paratang nya.

"Mga anak tama na yan lumakad na kayo" pagsuway sa amin ng mama nya na kakalabas lang ng kusina agad nilapitan ito ni Jennie at hinalikan sa pisngi saka nagpaalam. Nauna na si Jennie lumabas kasama si Nayeon habang ako hinarap ko ang mama nya para magpaalam na din.

"Lisa anak, ikaw na ang bahala sa anak ko" huling bilin nya bago ako lumabas ng bahay nila.

Habang nasa byahe kami walang gustong magsalita, nabalot kami ng katahimikan nakatanaw lang sya sa labas ng kotse at pinagmamasdan ang mga street lights. Maya maya pa hininto ko ang kotse sa labas ng isang hotel kung saan ginaganap ang party ni Lolo.

"Tara" pag-aaya ko sa kanya, hindi sya kumibo. Gusto kong matawa sa mukha nya para syang natatae at hindi mapakali.

"May problema ba Miss Kim?" tanong ko sa kanya.

"Pwede bang wag na tayong tumuloy, pwede bang i-uwi mo na lang ulit ako sa amin" mahina nyang tugon sa akin. Agad kong hinawakan ang mga kamay nya at marahan itong pinisil.

"Wag kang matakot lagi lang ako sa tabi mo hindi kita papabayaan, trust me please" mahina kong sabi sabay halik sa noo nya unti-unti naramdaman ko ang pagkalma nya at tsaka tumango. Agad akong lumabas ng kotse at pinagbuksan sya ng pinto, pinaglakip ko ang mga kamay namin.

"Okay lang ba?" pagtatanong ko sa kanya habang tinaas ko ang mga kamay namin na magka holding hands.

"May magagawa pa ba ako?" pabalik na tanong nya sabay kaming natawa.

"Okay BB let's rock this night" masaya kong sabi at sabay kaming pumasok sa venue.

Jennie's POV

Pagpasok namin sa loob ng venue napanganga ako sa bumungad sa akin sobrang garbo ng party, lahat ng taong nandito mahahalatang may sinabi sa buhay nahiya ako sa sarili ko wala akong binatbat sa kanila. Marahan akong inakay ni Lisa habang magkalakip pa din ang mga kamay namin sobrang lambot ng mga kamay nya,  nagtungo kami sa kinaroroonan ng lolo nya.

HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon