Lisa's POV
"May I have this dance?" pagtatanong ko kay Jennie at nilahad ang aking kamay. Nandito kami sa birthday party ng Daddy ni Jisoo. Masayang tumango si Jennie at tinggap ang kamay ko, dinala ko sya sa gitna kasama namin ang iba pang bisita na magsasayaw din. Maya maya pa tumugtog ang isang mabagal na kanta, pinatong ko ang mga braso nya sa mga balikat ko at nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabila nyang bewang. Marahan kaming sumayaw at sumabay sa mabagal na tugtugin.
"Jennie" tawag pansin ko sa kanya binaling nya ang tingin nya sa akin at tila naghihintay ituloy ang sasabihin ko.
"Nasabi ko na bang ang ganda mo ngayong gabi?" pagtatanong ko sa kanya na agad ikinapula ng mga pisngi nya mahina nya kong hinampas sa dibdib.
"Ngayong gabi lang ba Manoban?" pagsagot nya sa akin. Tinitigan ko ang mukha nya napakaperpekto ng pagkakagawa ng diyos sa mukha nya balanseng balanse ang lahat mula sa maningning nyang mga mata, sa mapilantik nyang mga pilik mata, matangos na ilong at mapupulang labi napakaganda ng hugis ng kanyang mukha.
"Araw-araw paganda ka ng paganda sa paningin ko" pag-amin ko sa kanya wala naman sigurong masama kung pupurihin ko sya kasi yun naman talaga ang totoo.
"Bola Manoban" tangging nasagot nya sabay ngiti. Nilapit ko ang katawan nya sa katawan ko magkayakap na kami habang sumasayaw.
"Anong lugar ang gusto mong marating?" pagtatanong ko sa kanya. Sandali syang nag-isip maya maya pa ay sumagot na din sya.
"Marami akong lugar na gustong puntahan. Ikaw ba saan mo gusto pumunta?" pagtatanong nya din sa akin. Hinarap ko ang mukha nya sa akin at marahang ngumiti.
"Kahit saan basta ikaw ang kasama ko at mga kamay mo ang hawak ko" pagtugon ko sa tanong nya.
"Kikiligin na ba ako?" tanong nya sabay tawa ng mahina.
"Ikaw ang bahala kung kikiligin ka o hindi basta ang goal ko lagi kang mapasaya kapag nasa tabi mo ko" seryoso kong sabi sa kanya gusto ko sanang idugtong na mahal na kita kaya lang natatakot ako sa magiging reaksyon mo baka iwan mo ko kapag nalaman mo. Maya maya pa tinapik ni Jisoo ang balikat ko na ikinatigil naming dalawa ni Jennie marahan kong inilayo ang katawan ni Jennie sa katawan ko at hinarap si Jisoo kasama si Chaeng.
"Pasensya na sa istorbo pero Lisa may gustong kumausap sayo" wika ni Jisoo.
"Sino?" pagtatanong ko sa kanya.
"Okay lang ba Jennie kung hihiramin ko muna si Lisa sandali?" tanong nito kay Jennie at hindi sinagot ang tanong ko agad namang tumango si Jennie.
"Pakibalik sya ng buo sa akin, walang labis walang kulang" nakangiting bilin nya kay Jisoo.
"Yes mam" pagsaludo ni Jisoo kay Jennie. Lumapit ako kay Jennie at hinalikan ang noo nito.
"Bumalik ka kaagad sa akin Manoban" mahina nyang sabi na ikinangiti ko.
"I will my Queen" nagulat ako ng halikan nya ang pisngi ko.
"Tsss.. sweet nga wala namang label" pagpaparinig ni Jisoo sabay hila sa akin palayo kina Jennie at Chaeng.
"Alam mo ikaw na pandak ka panira ka ng moment kahit kailan" asar kong sabi kay Jisoo.
"Ang bagal mo kasi kung ako sayo aamin na ko at ng mabakuran mo na si Jennie" masungit nyang sabi habang naglalakad kami papunta sa garden nila.
"Dadating din tayo dyan wag kang atat naghahanap lang ako ng tyempo" sabi ko sa kanya hindi na sya umimik. Nakarating kami sa garden nila at may babaeng nakatalikod sa gawi namin, nanlaki ang mga mata ko likod pa lang kilala ko na.
"Anong ibig sabihin nito Jisoo?" tanong ko sa kanya.
"Nakiusap sya sa akin na kung maari gumawa ako ng paraan para magkausap kayo, gusto ka lang nyang makausap" pagpapaliwanag nya binaling ko ang tingin ko sa babae na kasalukuyan ding naka tingin sa amin. Tinapik ni Jisoo ang balikat ko at agad na nagpaalam, tiningnan ko ang babaeng nagwasak sa puso ko tatlong taon na ang nakakaraan. Si Irene, umalis sya ng walang paalam halos mabaliw ako sa kakahanap sa kanya only to find out na sumama sya sa iba. Halos walang pinagbago ang mukha nya ganun pa rin maganda pa din.
"Lisa" mahinang tawag nya at unti unting humakbang papalapit sa akin.
"Bakit? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" tanong ko sa kanya, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.
"Lisa patawarin mo ako hindi ko sinasadyang iwan ka" umiiyak na sabi nya wala akong tinugon nanatiling blangko ang mukha ko. Halo halo ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito aaminin ko may pagkasabik sa puso ko pero mas matimbang ang galit.
"Mahal kita Lisa, mahal pa rin kita. Ikaw pa din ang nasa puso ko please give me a second chance this time I promise hinding hindi na kita iiwan" pagmamakaawa nyang sabi umiling ako at ngumiti ng mapakla.
"Sa tingin mo ba Irene ganun lang kadaling ibigay ang hinihiling mo? Pagkatapos mo kong iwan mag-isa sa ere babalikan mo ko na parang walang nangyari?" galit kong sabi sa kanya.
"Kaya nga bumabalik ako sayo Lisa gusto kong itama ang pagkakamaling nagawa ko. Nandito na ko ulit pwede tayong magsimula sa umpisa, alam kong mahal mo pa rin ako" sabi nya sa akin.
"Hindi na kita mahal Irene at hinding hindi na kita mamahalin" may diin kong sabi sa kanya.
"Saka mo sabihin yan pagkatapos ng gagawin ko" sa isang iglap naramdaman ko ang mga labi nya sa mga labi ko sa sobrang gulat hindi ako nakagalaw. Isang imahe ng babae ang pumasok sa isip ko, imahe ni Jennie na naka ngiti ramdam ko ang pagtulo ng luha sa kaliwang mata ko.
"Jennie..." malakas na sigaw ni Chaeng ang nagpapabalik sa akin sa kasalukuyan. Agad kong tinulak si Irene at nilingon ang tumatakbong si Jennie papalayo.
"Ipagdasal mo na walang masamang mangyari sa babaeng mahal ko kasi kung malagay sya sa panganib hinding hindi kita mapapatawad Irene" pagbabanta ko sa kanya at tumakbo para habulin si Jennie.
~To be Continue~
BINABASA MO ANG
HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)
Fanfiction"You're my wife Mrs. Jennie Kim Manoban... for RENT." she said while looking at me. Tama bang tinanggap ko ang trabaho na to? - Jennie Kim Date Started : September 08, 2019 Date Ended : October 04, 2019