Lisa's POV
"Lisa" mapang-akit na sabi ni Jennie habang unti-unting humahakbang papunta sa kinatatayuan ko, isang manipis na tela ang nakabalot sa kanyang katawan. Sunod sunod na paglunok ang nagawa ko hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Mabilis na kumabog ang dibdib ko nang nakalapit na sya sa akin, marahan nyang nilapat ang mga daliri nya sa mga labi ko at pinadulas ang mga ito.
"Jennie" wala sa sarili kong nasambit tila kakapusin ako ng pag hinga nang nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko at mapang akit na dinilaan ako roon.
"Undress me baby" mahina nyang bulong. Marahan kong ipinatong ang mga braso nya sa balikat ko at hinapit ang bewang nya palapit sa akin.
"I will" pagtugon ko sa kanya at dahan dahang nilapit ang mukha ko sa mukha nya, nginuso ko na ang mga labi ko para matikman ang mapupulang labi ni Jennie. Unti unti, dahan dahan ayan na malapit na konti na lang nang malapit ng maglapat ang mga labi namin dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko.
"Lisaaaaaa..." isang malakas na batok ang nagpamulat sa akin, pagbukas ng mga mata ko mukha nina Jisoo at Jeongyeon ang bumungad sa akin. Nilinga ko ang paningin ko sa buong paligid at hinanap si Jennie walang Jennie akong nakita napagtanto ko nasa office pala ako ibig sabihin imahinasyon ko lang ang lahat ng yun?
"Lisa kanina pa kami dito sa loob ng office mo" galit na wika ni Jisoo, namutla ako nakita ba nila ang pag nguso ko?
"Ano bang iniisip mo at may pag nguso ka pang nalalalaman? Pati pangalan ni Jennie binabanggit mo" mapang-asar na sabi ni Jeongyeon.
"Oh my god Lisa don't tell me nirarape mo si Jennie sa isip mo?" nanlalaki ang mga mata ni Jisoo.
"Pinagnanasahan mo si Miss Kim dude?" pagsabat ni Jeongyeon, ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot ng nagsalita si Jisoo.
"Umamin ka nga samin Lisa may nararamdaman ka na ba para kay Jennie?" pagtatanong ulit nya sasagot na sana ako ng magsalita ulit si Jeongyeon.
"Ano dude? Anong nangyari sa linya mong "Kahit ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo hinding hindi ako magkakagusto sayo" marupok ka pala eh" sambit nito sabay tawa ng malakas.
"Ano Lisa ang dami na naming natanong sayo kahit isa wala ka pang nasasagot" pagsumbat sa akin ni Jisoo, agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila sabay batok sa kanila ng tig isa.
"Aray para saan yun?" pagtatakang tanong ni Jisoo sabay haplos sa batok nya.
"Sa tingin nyo paano ako sasagot kung kada bubuka yung bibig ko magsasalita kayong dalawa?" galit kong sabi sa kanila sabay upo ulit sa upuan ko, naupo naman sila sa tapat ko.
"So ano nga dude mahal mo na?" pag-iintriga ni Jeongyeon, napalunok ako sasabihin ko ba sa dalawang to?
"Bakit ba kayo nandito?" pag-iwas ko sa tanong nila.
"Lisa wag mong ibahin ang usapan tss.." pag-irap ni Jisoo sabay taas ng kilay. Napahinga ako ng malalim siguro hindi naman nila ako ibubuko kay Jennie.
"Oo na" pag-amin ko sa kanila.
"Anong oo na?" sabay nilang tanong, napa-irap ako kailangan pa bang i-ilaborate?
"Oo na mahal ko na si Miss Jennie Kim" pag uulit kong tugon sa kanilang dalawa at napa tungo dahil sa hiya. Sabay silang napa-yes at nag high five sa isa't isa.
"Yes thank you Lord natupad na din ang dasal ko" masayang sabi ni Jisoo sabay pinaglakip ang dalawa nyang palad na parang nagdadasal.
"May puso ka pala dude akala ko kasi habang buhay ka ng walang mararamdaman" lokong sabi ni Jeongyeon sabay tawa, napatawa na din ako yan din ang buong akala ko. Tutal alam naman na nila binuksan ko ang drawer ko at may inilabas doon, matagal ko na din itong itinago.
"Diba na kwento ko sa inyo yung babaeng aksidenteng nakuhanan ko ng litrato sa airport?" tanong ko sa kanila, agad naman silang tumango.
"Hindi mo ipinakita yung litrato nung babae, ang damot mo" sabi ni Jisoo napatawa ako.
"Sa tagal ng paghahanap ko sa kanya nakita ko na sya" masayang sabi ko sa kanila.
"Hala hindi pa man kayo ni Jennie nagtataksil ka na sa kanya?" may diing wika ni Jisoo, ngiti lang ang tinugon ko sabay lahad sa harap nila ang litrato.
Agad nila itong kinuha at sinuri maya maya pa nanlaki ang mga mata nila na tila hindi makapaniwala.
"Lisa?" gulat na tanong ni Jeongyeon, tumango ako at ngumiti.
Jennie's POV
Dinala ako ng Lolo ni Lisa sa kompanya nila, naabutan namin sina Jeongyeon at Jisoo sa loob ng opisina ni Lisa na masayang nagk-kwentuhan dahilan para hindi nila mapansin ang pagdating namin. Mahinang umubo si Lolo para makuha ang atensyon ng tatlo hindi naman sya nabigo at agad lumingon ang mga ito.
"Lo what brings you here?" tanong ni Lisa sa Lolo nya sabay baling ng paningin nya sa akin at unti-unting ngumiti.
"Sinusundo ka" maikling sabi nito kay Lisa.
"Jeongyeon iha kumusta ka na? Matagal tagal ka ng hindi dumadalaw sa bahay hindi katulad nitong si Jisoo laging bitbit ni Chaeng" pagbaling nito kay Jeongyeon.
"Okay naman ako sir busy lang kaya hindi ko na kayo nadadalaw" pagtitig nito kay Lolo at marahang ngumiti, may iba sa aura ngayon ni Jeongyeon. Kakaiba ang kinikilos nya simula ng dumating kami ni Lolo pero hindi ko na ito binigyang pansin. Maya maya nagpaalam na din sina Jeongyeon at Jisoo naiwan kaming tatlo nina Lolo.
"Lisa sasama kayo sa akin ni Jennie sa isang business meeting" masayang sabi ni Lolo. Wala na kaming nagawa ni Lisa at sumama na sa kanya. Habang nasa kotse magkatabi kami ni Lisa sa likuran at si Lolo naka upo sa passenger seat katabi ng driver.
"Buti nagkasya sayo ang sinsing" mahinang bulong ni Lisa sapat na para kami lang ang magkarinigan at marahang hinaplos ang daliri ko na may suot na singsing.
"Bakit naman hindi?" tanong ko sa kanya.
"Ang taba kasi ng daliri mo eh" pang-aasar nya sa akin, inirapan ko sya at hinampas sa hita. Pinaglakip nya ang mga kamay namin at pinagmasdan ang mga ito.
"I wonder why how your hands perfectly fit on mine?" naitanong nya at ibinaling ang tingin sa akin. Gusto kong kiligin pero hindi pwede agad ko syang sinimangutan.
"Manoban hindi ako tatablan ng ganyan" sambit ko sabay siko sa tyan nya agad naman syang tumawa. Binaling ko ang tingin ko sa unahan at nakita ko na pinagmamasdan kami ng Lolo nya mula sa salamin ng sasakyan habang malawak na naka ngiti tila nagugustuhan nya ang mga pangyayari. Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang palabas lang itong lahat? Ngayon pa lang natatakot na ko sa pwedeng mangyari.
"I love you BB" pagsambit ni Lisa sa tabi ko agad akong napatingin sa kanya at bumungad sa akin ang mukha nya na malawak na naka ngiti mababakas ang kislap sa kanyang mga mata, marahan akong ngumiti sa kanya.
Lisa nagpapanggap ka pa rin ba? Hindi ba natin pwedeng totohanin ang lahat ng to? Wala ba akong pag-asa na mapasok ang puso mo? Mga tanong na nabuo sa isip ko, gusto kong ibato sa kanya ang mga yan pero natatakot ako sa magiging sagot. Napahinga ako ng malalim, wala na kong magagawa kundi ang sumunod sa agos pinasok ko to dapat handa ako sa magiging resulta.
~To be Continue~
![](https://img.wattpad.com/cover/198976452-288-k293794.jpg)
BINABASA MO ANG
HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)
Fiksi Penggemar"You're my wife Mrs. Jennie Kim Manoban... for RENT." she said while looking at me. Tama bang tinanggap ko ang trabaho na to? - Jennie Kim Date Started : September 08, 2019 Date Ended : October 04, 2019