Jennie's POV
Pasimula nung may mangyari sa pagitan namin ni Jeongyeon kahapon hindi na sya muli pang nagpakita sa amin. Nandito pa rin kami sa mansyon ng mga Manoban.
"May.. may gusto akong sa..sabihin sa inyo" kabadong sambit ni Nayeon sa harap namin.
"Ano yun?" nakangiting tanong ni Jisoo sa kanya. Lahat kami ay nakatingin sa gawi nya at hinihintay ang sunod nyang sasabihin.
"Ala..alam ko kung sino ang gustong pumatay kay Lisa" nag-aalangang sabi nito.
"Ano may gustong pumatay kay Lisa?" sigaw na tanong ni Kai, bakas sa mukha nito ang labis na gulat. Tumingin sa gawi ko si Kai para hingin ang kumpirmasyon kung totoo nga ang tinuran ni Nayeon agad akong tumango bilang sagot.
"Mga bakla kayo may nagbabanta na pala kay Lisa wala man lang akong kaalam alam, hanggang kailan nyo balak itago sa akin to ha?" galit na sigaw nito sa amin.
"Kai kalma ha walang maidudulot na maganda kung mag aaway away pa tayo ngayon" pagpapakalma ko kay Kai bago bumaling kay Nayeon.
"So Nayeon sino ang gustong pumatay kay Lisa?" seryosong tanong ko sa kanya. Sunod sunod muna itong lumunok bago sumagot.
"Si..si Jeongyeon" nakayuko nitong tugon.
"Gaano ka nakakasiguro na si Jeongyeon nga ang may pakana ng lahat ng to?" tanong ni Jisoo.
"Matagal na nyang plano ang maghiganti sa mga Manoban, kinaibigan nya kayo at pinasok ang kompanya para mapalapit kay Lisa" paglalahad ni Nayeon sa amin, nakaramdam ako ng labis na galit. All this time kasama lang pala namin ang traidor kaya pala. Kaya pala kahit anong gawin ni Lisa para mahanap ang gustong pumatay sa kanya hindi nya ito matunton, yung taong mismong inuutusan nya para maghanap ay sya palang salarin.
"Matagal mo na bang alam ang lahat ng to?" mahinahon kong tanong sa kanya.
"Patawarin mo ko Jennie" mahina nyang sambit, ang galit na kanina ko pinipigilan ay unti-unting sumiklab sa buo kong pagkatao.
"Gaano katagal mo ng alam?" ulit kong tanong sa kanya habang nakakatitig ako sa kanya ng matalim.
"Matagal na" maikli nitong sagot. Pagkarinig ko ng mga salitang yun isa isang lumabas sa aking mga mata ang mga luha.
"Bakit Nayeon? Bakit mo nilihim sa amin ang lahat ng to? Pinagkatiwalaan kita, tinuring kita hindi bilang kaibigan kundi bilang kapatid" sigaw ko sa kanya habang umiiyak, ang sakit sa dibdib na kung sino pa ang taong lubos mong pinagkatiwalaan ay sya pang tatraidor sayo. Gusto ko man syang sugurin at sabunutan hindi ko kaya, hindi ko kaya ang makita syang masaktan.
"Masisisi mo ba ako Jennie, nagmahal lang ako. Mahal ko si Jeongyeon kaya pinagtakpan ko ang lahat ng plano nya. Ayaw kong mawala sya sa akin kaya kahit labag sa loob ko sinuportahan ko sya, sa tingin nyo ba ginusto ko to" umiiyak nya ding turan sa amin.
"Hindi mali ang magmahal Nayeon, alam mo kung ano ang mali ang pagtakpan ang kamalian na ginagawa ng taong mahal mo. Imbes na akayin mo sya at gabayan papunta sa tamang daan pero ano wala kang ginawa hinayaan mo lang sya kaya umabot tayo sa ganito" mahabang paliwanag sa kanya ni Kai. Kita ko sa mga mata ni Nayeon ang labis na pagsisisi pero huli na nangyari na tong lahat.
"Nayeon gusto kong magsabi ka sa amin ng totoo, nasa kamay ba ni Jeongyeon si Lisa ngayon?" tanong ni Jisoo, tiim bagang akong nakikinig sa kanila. Halos malagutan ako ng hininga sa sinagot ni Nayeon.
"Oo at ngayong araw balak patayin ni Jeongyeon si Lisa" mahina nitong sagot, walang nakagalaw ni isa sa aming tatlo nina Kai at Jisoo lahat kami ay tila natuod.
![](https://img.wattpad.com/cover/198976452-288-k293794.jpg)
BINABASA MO ANG
HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)
Fanfiction"You're my wife Mrs. Jennie Kim Manoban... for RENT." she said while looking at me. Tama bang tinanggap ko ang trabaho na to? - Jennie Kim Date Started : September 08, 2019 Date Ended : October 04, 2019