Jennie's POV
Tinitigan ko muna ang repleksyon ko sa salamin bago ako kabadong lumabas ng fitting room, isang red dress ang pinasukat sa akin ng sales lady. Agad hinanap ng mga mata ko si Lisa sa paglabas ko natagpuan ko sya na nakaupo at nagbabasa habang naghihintay. Dahan dahan akong naglakad patungo sa pwesto nya.
"Lisa" mahina kong tawag sa pansin nya, unti-unti nyang inangat ang ulo nya at tumingin sa akin napaawang ang mga labi nya na waring namangha sa nakita nya mabilis syang tumayo.
"Ang ganda" namamanghang sambit nya na agad ikinapula ng mga pisngi ko.
"Sa..salamat" nahihiya kong sabi at unti-unting ngumiti ngunit naglaho ang mga ngiti ko ng marinig ko ang tinuran nya.
"Hindi ikaw ang tinutukoy ko, yung dress ang ganda buti bumagay sayo" sabay ngiti ng nakakaloko, Lord patawarin nyo po ako sa kasalanang magagawa ko gustong gusto ko na pong pumatay ng tao mahinang sambit ko sa utak ko.
"Ah ganun, hindi kaya kita samahan sa party ng Lolo mo" pananakot ko sa kanya sabay talikod at pagalit na humakbang patungo sa fitting room para magpalit na ng damit. Nakasimangot akong lumabas at hinagis sa pagmumukha nya ang dress hindi ko na sya inantay dali dali akong lumabas ng boutique habang sya binabayaran yung dress na isusuot ko sa party ng Lolo nya. Maya maya pa may mga kamay na humawak sa braso ko na syang ikinatigil ko sa paglalakad.
"Sorry na BB wag ka na magalit" malambing nyang sabi hindi ako umimik nakatalikod lang ako sa kanya. Ilang saglit pa may mga braso na yumakap sakin mula sa likuran, at bumulong sa mga tenga ko.
"Sorry na BB ko, wag ka ng magtampo. Ano man nagawa ko sana'y patawarin mo" pagkanta nya ng mahina, nanatili pa din akong nakasimangot kahit sa loob gusto nang kumawala ng mga ngiti ko sa aking mga labi. Marahan kong tinulak ang mukha nya, tinampal ang noo nya at kumawala sa pagkakayakap nya.
"Hoy Manoban nahahalata na kita, diba ang sabi ko no hugs and no flirting. Pinagsasamantalahan mo na ako, pag ikaw nahulog sakin hinding hindi kita sasaluhin" pairap kong sabi sa kanya para malimutan ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko, tumawa sya ng malakas yung tipong abot hanggang edsa.
"Over my gorgeous and sexy body Miss. Kim hinding hindi ako magkakagusto sayo itaga mo sa bato kaya payo ko sayo wag na wag kang mahuhulog sakin kasi sinasabi ko na sayo walang sasalo" ngiting aso nyang tugon. Tinaasan ko lang sya ng kilay at tumalikod na para maglakad ulit pero hindi pa man ako nakakahakbang may ibinato na naman syang linya na hindi ko inaasahan.
"Pssttt.. BB anong gusto mo para mapatawad mo ko? Do you want an ice cream? Milk Tea? or.." pabitin nyang sabi napaharap ako sa kanya habang naka taas ang isa kong kilay hinihintay ituloy nya ang sasabihin nya.
"Or Me?" pagbanat nya habang malawak na naka ngiti, naiiling akong naglakad palayo sa kanya wala na malala na ang sapak sa ulo nitong si Manoban wala na tong pag-asa.
Mag gagabi na ng naisipan naming umuwi kung saan saan ako dinala ni Manoban, habang naglalakad kami papunta kung saan sya nag park ng kotse nya di inaaasahang naputol ang takong ng sapatos ko at natapilok ako. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya, napangiwi ako sa sakit.
"Kaya mong maglakad?" bakas ang pag-aalala sa mukha nya. Umupo sya ng patalikod at hinubad ang sapatos ko.
"Sakay" malumanay nyang utos, hindi ako kumibo kaya sya na ang naglagay ng mga braso ko sa mga balikat nya at dahan dahan akong kinarga habang bitbit nya sa mga kamay nya ang sapatos ko. Tahimik lang kaming naglalakad, walang gustong magsalita tangging huni lang ng mga kuliglig ang maririnig.
"Ms. Kim ang bigat mo pala" pagbibiro nya sa akin, gusto ko syang sakalin sa mga oras na to.
"Ibaba mo na ako maglalakad na lang ako, nakakahiya naman sa mga buto mo" galit kong sabi sa kanya at nagpupumiglas,ramdam kong nahihirapan na sya kaya walang sabi sabing binagsak nya ko sa isang upuan na nadaanan namin.
"Oh ayan maglakad ka, hihintayin na lang kita sa kotse" sabay alis nito at iniwan ako mag-isa. Ilang minuto din akong nakaupo habang iniisip kong paano ako makakauwi malas lang kasi naiwan sa loob ng kotse nya ang cellphone at wallet ko, gusto kong umiyak sa mga oras na to natatakot na ko walang tao na dumadaan. Lalo akong natakot ng lapitan ako ng isang lalaki parang lasing ito at mukhang adik, hinagod nya ko ng tingin mula ulo pababa sa mga hita ko gusto kong tumakbo pero hindi ako makatayo.
"Miss ganda mag-isa ka lang? Gusto mo samahan kita?" may pagkamanyak nitong sabi, tumulo ang mga luha ko sabay iling sa kanya, humakbang sya papunta sa kinauupuan ko.
"Wag kang lalapit" pagmamakaawa kong sabi sa kanya, akmang hahawakan nya na ako sa mga braso ko ng bigla syang tumumba. Nagulat ako ng makita ko si Manoban na nag-aapoy sa galit.
"Don't you dare lay your dirty hands on my girlfriend skin" sambit nito habang pinaulanan ng suntok ang mukha ng lalaki. Hindi nagtagal may rumespondeng mga tanod at dinala ang bugbog saradong lalaki sa presinto habang naiwan kami ni Manoban. Agad nya kong inalalayan at pinaharap sa kanya unti unting lumambot ang mukha nya at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi sabay yakap ng mahigpit.
"Bakit ang clumsy mo? Lagi mo na lang akong pinag-aalala" mahina nyang bulong sa akin, hindi ako nakagalaw.
"Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan, wag mo na ulit akong tatakutin ng ganun" sabi nya sabay kalas sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ang noo ko na ikinalaki ng mga mata ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko, para akong aatakihin sa puso. Kapag nagtuloy tuloy pa to tiyak na si Manoban ang magiging sanhi ng kamatayan ko.
~To be Continue~
![](https://img.wattpad.com/cover/198976452-288-k293794.jpg)
BINABASA MO ANG
HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)
Fanfic"You're my wife Mrs. Jennie Kim Manoban... for RENT." she said while looking at me. Tama bang tinanggap ko ang trabaho na to? - Jennie Kim Date Started : September 08, 2019 Date Ended : October 04, 2019