Chapter 30 (TRIP TO DAVAO - SERENADE)

3.4K 74 5
                                    

Lisa's POV

"Kailan pa?" tanong ko kay Kai, kasalukuyan kaming nasa loob ng kwarto kasama sina Jeongyeon at Jisoo.

"Anong kailan pa sis?" malumanay na tanong ni Kai habang naka harap sa salamin at nagkikilay.

"Kailan ka pa naging bakla?" tanong ko ulit sa kanya.

"Bata pa lang ako sister knows ko na pusong babae ang lola mo" tugon nito gamit ang pangbabaeng boses, pumipilantik ang mga daliri nito habang nag lalagay ng lipstick. Napailing ako ng marahan hindi ko akalain na magiging ganito si Kai.

"Tsaka sister pwede bang wag nyo na akong tawaging Kai nakakadiri, eeww" kinikilabotang sabi nito habang tumitirik pa ang mga mata.

"Eh ano palang gusto mong itawag namin sayo?" tanong ni Jeongyeon.

"Just call me Kathrina for long or Kath for short. It's up to you" maarte nitong sambit. Napahalukipkip ako at pinagmasdan syang mabuti, lalaki sya kung titingnan kaya hindi mo aakalain na bakla pala ang bruha.

"Alam na ba yan ng parents mo?" tanong ko sa kanya na agad nyang ikinatahimik.

"Kai..  I mean Kath, pinaalam mo na ba yan sa kanila?" tanong ko ulit sa kanya. Agad syang umiling at marahang yumuko.

"Hindi pa nila knows, hindi ko keri. Maboboom boom paw ako ni pudrakels sister sayang ang skin routine na ina-apply ko sa skin ko. Mababawasan ang ganda ko" mangiyak ngiyak nitong sambit. Wala sa sarili kong natampal ang noo ko.

"Kapag pinatagal mo pa yan lalong magagalit sayo si Tito baka ipa-salvage ka ng tatay mo" pagnanakot ni Jisoo na ikinaputla ng mukha ni Kai I mean Kath. Agad kong siniko si Jisoo habang tumatawa ito agad din naman itong tumigil sa pagtawa.

"So anong plano mo?" tanong sa kanya ni Jeongyeon.

"Kaya nga ako umuwi kasi I need your help my pretty sisters" pagmamakaawa nitong sabi at umarteng may luhang pinupunasan sa gilid ng kanyang mga mata.

"Ano ba yun?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Tulungan nyo ko na magsabi sa parents ko, natatakot akong mag-isa" sabi nito habang pinapaypayan ang kanyang mukha, ramdam ko any moment tutulo na ang kanyang mga luha. Agad ko syang niyakap at marahang hinaplos ang kanyang likod.

"Don't worry dude back up mo kami. We always got your back" mahina kong sabi sa kanya.

"Andito lang kami for you Kai ay este Kathrina" sabi ni Jisoo habang ginugulo naman ni Jeongyeon ang buhok ni Kai.

"Pwede ba sister guluhin mo na ang lahat wag lang ang hair ko" irap nitong sabi at tinapik ang kamay ni Jeongyeon.

"Pero thank you sisters hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo. Dahil dyan imamake over ko kayong tatlo for free" masayang sabi nito habang pumapalakpak, nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na umiling.

Itinuloy ni Kai ang pagpapaganda nya sa harap ng salamin, pinasadahan ko ulit sya ng tingin ngayon ko lang napansin na nakasuot pala ito ng short na maikli naka labas ang mga legs nito habang naka polo ito ng pink at nakatali sa likod ang lalaylayan na ani mo'y crop top, napangiwi ako ano kaya ang sasabihin ni Tito kapag nakita nya ang nag iisa nyang anak na ganito ang porma.

"Lisa dear wag mo na akong pagnasahan hindi tayo talo, may nagmamay-ari na ng puso ko't katawan ko" pagkuha nito sa atensyon ko habang naglalagay ng blush on, automatic na napaikot ang mga mata ko.

"Hoy Kai I mean Kathrina wala akong balak pagnasahan ka si Jennie Kim lang ang gusto kong pagnasahan wala ng iba" mataray kong sabi sa kanya.

"Good mabuti na ang malinaw, si papa D.O lang ng EXO ang gusto kong magnasa sa katawan ko" malandi nitong pagkakasabi habang kinakagat ang ibaba nyang labi. Napailing na naman ako, ang tangakad nyang bakla laki pa ng katawan. Ang laswa nyang tingan ngayon habang hinahalik halikan ang picture nung D.O na tinutukoy nya. Malandi nya itong kinakausap kahit hindi naman ito sasagot.

"Saranghae my oppa, take me. Take my body and soul" paglalandi nito sa picture ng nakahubad na si D.O, inalayan nya rin ito ng finger heart. Kawawang D.O minomolesta ng bakla nang hindi nya alam.

Napatigil kami apat ng may marinig kaming tunog ng gitara na nanggagaling sa labas. Nagkatinginan kami at napagpasyahang dumungaw sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa amin sina Jennie, Chaeng at Nayeon na may hawak na tig-iisang gitara.

"Ay bongga, sisters ang haba ng hair nyo oh haharanahin kayo ng tatlong bruha. Sana all" panunudyo nito sa amin na agad naman naming ikinatawa.

"Go girls, todo na to" panggagaya ni Kai sa aktress na si Ruffa Mae.

Oh, ey

You don't know, babe
When you hold me
And kiss me slowly
It's the sweetest thing
And it don't change
If I had it my way
You would know that you are

Pagsisimulang kanta ni Jennie habang nakatingin sa akin at naggigitara sabay kindat nito sa akin. Napatulala ako hindi ko akalain na ganito kaganda ang boses ng Jennie ko hindi ko din alam na marunong pala syang tumugtog ng gitara.

You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh

Pagkanta naman ni Chaeng, agad kong sinulyapan ang mukha ni Jisoo nakangiti ito habang namumula ang mga pisngi.

I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best part

Sabay sabay silang kumantang tatlo, magaganda ang boses nina Chaeng at Nayeon pero walang tatalo sa ganda ng boses ng Jennie ko, wala sa sarili akong napangiti when she mouthed "You're the best part" to me. Nakaramdam ako ng kilig gusto kong himatayin sa tindi ng kabog ng dibdib ko.

It's the sunrise
And those brown eyes, yes
You're the one that I desire
When we wake up
And then we make love
It makes me feel so nice

Kanta muli ni Jennie, naka ngiti syang nakatitig sa akin at binigyan ako ng flying kiss na agad kong sinalo gamit ang isa kong kamay at dahan dahan kong idinampi iyon sa aking mga labi.

"Hala sya may paganun?" pang-aasar ni Kai sa akin tangging ngiti na lamang ang naisagot ko sa kanya habang na kay Jennie pa rin ang aking mga mata.

If you love me won't you say something
If you love me won't you
Won't you
If you love me won't you say something
If you love me won't you
Love me, won't you

Pagtatapos nilang tatlo sa kanta. Napapalakpak kaming apat, hindi ko maipaliwanag ang kilig na nararamdaman ko sa mga oras na to ganito pala ang pakiramdam ng hinaharana.

HIRING : Wife for Rent Book 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon