Chapter27

0 0 0
                                    

Chapter27

Terry’s pov

“So sabi nga ni Austine kami na ang mag tuturo sa inyo tungkol sa mga baril na nasa harap niyo ngayon. Davies turuan mo kung paano gumamit si Stella nang Springfield XDM Compact.40 S&W ikaw naman Kiko turuan mo si Terry tungkol sa Beretta Nano”- sabi ni Xander, pumunta naman agad ako kay Kiko, mahirap nang masabihan nang tanga noh, tanga na nga ako sa kaniya pati ba naman sa simpleng instruction na yun di ko pa masunod

“Ito ang Beretta Nano, it is great tittle carry gun with absolutely nothing that will ever get stuck in a holster or purse. There is no external safety lever, teardown lever or slide lock to get get stuck anywhere. Dahil nga maliit lang ito kaya madali lang itong itago sa mga hand carry na bag, hindi mo na rin siya kailangan iunlock kasi wala na siyang ganun kaya pag kinalabit mo deretso ang gatilyo nito ay siguradong puputok na ito.”- pag eexplian niya sa akin

“Ganito ang pag hawak. Ang isang kamay mo nandiyan tapos ang isang kamay mo ay sa baba para hindi mo ito bast basta mabibitawan. Ideretso mo ang kamay mo, deretso din ang tingin huwag mong masiyadong higpitan ang pag kakahawak, steady lang ang kamay”- utos niya, ginawa ko naman pero medyo nanginginig ang kamay ko

“Relax lang kamay mo, kasi kapag nanginig ka ay madali lang maagawa nang kalaban sa’yo ang baril, kaya irelax mo ang kamay mo”- utos niya, sino ba naman ang hindi manginginig kung mag kahawak ang kamay naming, gago ba siya? Pakiramdam ko kaya parang may kuryenteng naka daloy sa mga balat niya

“Deretso ang tingin sa target, tapos ikalabit mo ang gatilyo”- utos niya, kaya ginawa ko naman naka protective gear naman kami, yung parang headphones tapos yung parang sa mata na iwan, yun ganun.

“Hmm. Magaling. Ngayon ikaw lang ang humawak at tamaan mo yung buls”- sabi niya

“Sige”- tanging nasagot ko lang sa kaniya, dumeretso lang tingin ko sa target pero parang nanginig ulit yung kamay ko. Ngayon lang ako nakahawak nang baril sa tanang buhay ko noh.

“Sabi ko diba relax, huwag kang kabahan”- sabi niya at hinawakan ang kamay ko, sa sobrang gulat ko ay napatingin ako sa kaniya

“Huwag ka sa akin tumingin, hindi ako ang target”- sabi niya, kaya tumingin na ako sa target at ikinalabit ang gatilyo.

“Wah! Natamaan ko, hahahha”- tuwang tuwa pang sabi ko sa kaniya to the point na napayakap pa ako, nung na realize kong kagagahan pala ang move na yun ay aalis na sana ako pero mas lalo niya lang akong niyakap

“Pwede bang yakapin muna kita kahit saglit lang, kahit sandal lang”- sabi niya sa akin na sakto lang na marinig ko, hindi ko alam pero hinyaan ko siya. Galit ako sa ginawa niya sa akin pero wala eh, mahal ko.

Itunulak ko na siya nung medyo humigpit ang yakap niya sa akin, di ko alam pero baka pag pinatagal ko pa yun ay bumigay na ako at mag pakatanga ulit ako sa kaniya.

“Bitaw”- sabi ko nang tuluyan ko na siyang maitulak palayu sa akin

“Galit ka ba?”- tanong niya sa akin

“Kung hindi ka pa naman sana isa’t kalahating tanga, hindi mo sana yan tinatanong”- sabi ko sa kaniya, nasasaktan ako pero hindi ako umiiyak, ayaw kong mag mukhang tanga sa harap niya

“Ano bang ikinagagalit mo?”- tanong niya sa akin

“Anong ikinagagalit ko? Bakit kaya hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit ako galit sayu, bakit nga ba Kiko, bakit nga ba?”- sabi ko sa kaniya

“Hindi ko alam ang pinag sasabi mo”- sabi niya sa akin, napakamot naman ako sa ulo dahil sa sinabi niya, gago talaga ang hayop bweset

“Ikaw kaya bigiyan ko nang motibo, papaibigin ko, yung tipong hulog na hulog ka na tapos iiwasan kita bigla, tapos makikita mo ako sa kung saang bar nakikipag halikan sa kung sino mang haliparot na lalaki. Na kung makipag halikan ang sarap sigawan nang ‘hoy! Hindi to motel. Get a room mga tangina!!’ ”- sabi ko sa kaniya na napasigaw pa ako sa inis, sakit at galit
“Hindi ka makapag salita kasi akala mo hindi ko alam? Tapos kung mag makaawa ka sa akin na kahit saglit lang? aba’y gago ka nga”- sabi ko sa kaniya tapos tinutok ko sa target ulit ang baril at kinalabit ang gatilyo nang sunod sunod hanggang sa maubos ang bala nun

“O? titignan mo na lang ba ako diyan?”- sabi ko sa kaniya

“I’m sorry”- deretsong sabi niya, namaluluha na

“Ow. Please, turuan mo na lang ako, kahit sa pag tuturo naman panindigan mo, hindi yung itutulad mo sa pag papakita mo nang motibo sakin tapos hindi mo kayang panindigan”- sumbat ko sa kaniya, kainis naman kasi, sobra

“Can you please let me explain? Hindi kasi pwede kahit gusto pa kita”- sabi niya sa akin

“Kasi tungkol sa protocol or rules niyo? Kung gusto mo ako, bakit hindi mo ako panindigan?”- sabi ko sa kaniya, na maluluha na pero pinipigilan ko talaga sobra

“Kasi nga hindi pwede”- sabi niya sa akin

“Kailan pa naging bawal ang magkagusto at mag mahal?!”- sigaw ko sa kaniya na nang nigil na

“Hindi mo naman pala ako kayang ipaglaban di sana di ka na lang nag pakita nang motibo to the point na mahuhulog ako nang sobra tapos babagsak ako sa katotohanang di mo naman pala ako kayang panindigan at ipaglaban”- sabi ko sa kaniya, kasabay nun ang pag patak nang luha ko

“Hindi kasi ganun yun kadali----“

“Sino bang hinayupak ang nag sabi sa’yong madaling mag mahal? At ano naman ang pumasok sa isip mo na akalaing madaling mag mahal ha!!”- pag puputol ko sa sasabihin niya, at tuluyan nang napaupo sa damuhan at napaiyak

"Shhh. Please I'm sorry" - sabi niya sa akin at lalapit sana,  pero sumeniyas akong tumigil siya

"Please kahit ngayon lang, huwag mo na akong pahirapan"- sabi ko sa kaniya at umiyak nang todo kasabay nun ang pag yakap ko sa nga tuhod ko at umiyak nang todo

The Four Destined Rose {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon