Chapter42

1 0 0
                                    

Chapter42

Terry’s Pov

Nagising na lang ako ng dahil sa sikat ng araw na nag mumula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Aga ko ng ginawa ang mga dapat kong gawin at bumaba, ng makababa ako ay nakita ko sina Daddy kasama sina Kristal na mag sisimula ng kumain.

“Good morning”- bati ko sa kanila ng nakangiti

“Good morning Terry”- nakangiting bati sa akin ni Stella at ng iba, maliban kay Kiko na parang wala lang siyang nakikita at nag patuloy sa kaniyang ginagawa.

“Kamusta ang pakikipag usap mo sa kaniya kagabi?”- tanong ni Dad sa akin

“Hindi ko naman po siya kainausap Dad, siya po yung salita ng salita”- nakangiting pag sagot ko sa kaniya at uminom ng kape

“Ang pait naman nito”- reklamo ko, black coffee na walang cream? Parang wala ring asukal, ang pait talaga

“Hindi naman kasi yan para sa iyo”- sabi ni Kiko tiyaka niya pinalitan ang kape ko nung nasa tabi niyang kape

“Sino ba kasi ang nag lagay diyan?”- iritang sagt ko sa kaniya

“Ako? Hindi ka naman bulag para hindi mo makitang black coffee yan, at hindi yan para sa iyo”- sagot niya sa akin

“Anong sinasabi mo? Na tanga ako, kaya ko ininum ang kape mo na akala ko ay sa akin?”- singhal ko sa kaniya

“Terry, nasa hapag tayo”- suway ni Dad sa akin kaya umayos na lang ako ng upo at nag simula ng kumain ulit

Natapos akong kumain na hindi nag sasalita, nabwebwesit parin ako kay Kiko, an gaga niyang painitin ang ulo ko. Naiinis ako sa kaniya, hindi na lang ako nag sasalita, kaya sila Kristal lang ang nag uusap usap kanina. Ngayon nandito ako papasok sa kwarto kung saan siya nakakulong. Naabutan ko siyang kumakain.

“Kamusta yung mga sugat mo? Masakit pa ba?”- tanong ko nung makaharap ko siya, tinignan niya naman ako bago siya uminom ng tubig

“Oo”- simpleng sagot niya at tila naiilang

“Nababagot ako. Gusto mo mag lakad lakad tayo?”- tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya naman

“Paano ako makakapag lakad kung may kadena tung mga paa ko”- reklamo niya naman sa akin

“Inaalok lang naman kita, nababagot ako eh”- sabi ko sa kaniya

“Let’s just get to the point. Ano ang gusto mo sa akin?”- tanong niya sa akin

“Wala akong makalaban, baka gusto mo?”- tanong ko sa kaniya at nakita ko kung paano mag bago ang expression ng mukha niya at tumango

Agad na akong lumapit sa kaniya at tinaggal ko ang kadena sa mga paa niya. Alam ko naman na kayang kaya niya ako, pero my tiwala parin ako sa kaniya kahit papano. I just want to capture Henry, siya lang naman. Kasi siya ang punot dulo ng lahat ng ito. At kahit itinatago ni Jerson sa akin ang tunay niyang nararamdaman, alam kong totoo ang lahat ng ipinakita niya sa akin. Alam ko din na hindi niya gusto ang saktan kami, nakita ko yun sa kaniya. Kasi kung gusto niya kaming saktan, di sana kanina pa akong walang buhay ditto.

Nag simula na kaming mag lakad papunta sa garden, at naisipan kong maupo muna kami sa isang kubo doon. Doon lang kasi ang lugar sa boung mansiyon kung saan narerelax ako, at ngayon nasstress ako kay Kiko. Mas masarap siyang bugbugin kaysa sa mga punching bag na nasa kwarto ko.

“Baka mapatay mo na yung taong iniisip mo niyan”- sambit ni Jerson sa akin

“Nakakainis kasi”- sambit ko na lang sa kaniya at saka itinapon ang batong pinulot ko kanina

“Yung Kiko?”- tanong niya sa akin, kaya napatingin ako ng deretso sa mga mata niya

“Paano mo nalaman na siya?”- tanong ko sa kaniya

“Narinig ko ang pag tatalo niyo kagabi, kaya I assume na siya. Ano bang ginawa niya?”- tanong niya sa akin

“Ang aga aga pa kasi, nang iinis na. Ewan ko ba diyan sa kaniya”- sagot ko na lang sa kaniya

“Why do you want Henry so bad?”- tanong niya sa akin nung ilang minute kaming matahimik

“May kasalanan siya kay Jean---“

“You mean Luna?”- tanong niya sa akin na tinanguan ko lang

“Sinaktan niya si Jean”- sabi ko sa kaniya na dahilan para magulat siya

“What? Paano? Si Luna pa nga ang tumalo sa kaniya diba?”- tanong niya sa akin, nakita ko kung paano siya mag alala which is kung kalaban siya ay hindi siya mag aalala kundi matutuwa pa siya sa nangyari kay Jean

“Yes, hindi namin namalyan na natamaan pala siya at dalawang tama pa”- sagot ko sa kaniya

“H-How is she?”- tanong niya sa akin

“She’s fine now. Pero hindi parin siya magising, kaya nga hanggang nag papahinga pa siya. Gusto sana naming makita at mahuli si Henry. Ayaw naming magising na lang si Jean na wala paring nangyayari sa imbistegasiyon na ginagawa namin”- sagot ko sa kaniya

“Can I barrow your phone?”- tanong niya sa akin na pinagtaka ko naman

“Baka tawagan mo yung back up mo, kaya bawal”- sagot ko sa kaniya

“I was just going to call Jeffrey and the others”- sabi niya sa akin na ako naman ang nag taka

“Bakit? Ano naman ang kinalaman nila sa’yo?”- tanong ko sa kaniya

“Dahil alam nila kung nasaan si Henry. I can’t just let it slide, hindi nga namin magawang saktan kayo, tapos siya nagawa niya kayong saktan. Hindi nama ata puwede yun”- sabi niya na nakapag kunot ng noo ko

“What do you mean by that?”- tanong ko sa kaniya

“Katulad nila Kiko, napag utusan kaming bantayan kayo. Ayaw naming kayong saktan at hindi namin kayo puwedeng galawin”- sabi niya sa akin

“Wait. I can’t understand what you mean? I’m confused. Diba si Henry ang boss niyo?”- sabi ko sa kaniya na nakapag patayo sa akin mula sa pag kakaupo ko.

“Can you please come down? That’s why, I need the help of others”- sagot niya sa akin

“Hindi ka na ba nag sisinungaling sa akin?”- takot na tanong ko sa kaniya

“Do you trust me?”- tanong niya sa akin, at nakita ko kung paano siya naging totoo sa akin. Nakikita ko ang lahat ng iyon sa mga mata niya, eyes can’t lie. Tango na lang ang sinagot ko sa kaniya bago ko binigay ang cellphone ko sa kaniya

The Four Destined Rose {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon