Chapter29
Jean’s pov
“Dalawa na ang namatay, isa ang kritikal na nasa hospital, at may tatlong sugatan nasa hospital rin. Anim na ang inatake sa mga kakampi nating leader nang gang Sir.”- sabi ni Austine, nasa conference hall kami, mga daddy nila Stella, si Jedrick at sila Austine. Monthly report tungkol sa mga nangyayari sa underworld
“Jedrick kumalma ka”- sabi nang Dad ni Terry sa kaniya
“Paano ako kakalma? Ang anim na leader na yun ang pinakamalakas na gang leader na kakampi natin.”-singhal ni Jedrick sa kaniya
“Hmm. Hinahamon tayu ni Henry, kasi alam niyang mahihina pa ang papalit sa atin”- sabat naman nang daddy ni Kristal
“Bakit hindi niyo na lang kami hiranging taga pag mana kung yun naman pala ang solusiyon sa lahat nang patayang nangyayari ditto”- sagot ko
“It’s not that easy Luna, pag hinirang ka nila. Mag dedeklara nang combat battle si Henry laban sa mga taga pagmana niya at laban sa inyo at alam niyong hindi pa kayo ganun ka handa para tapatan ang mga tagapag mana nila”- sagot sa akin ni Austine
“At sino ka naman para sabihing hindi kami handa?”- naiinis na sagot ni Kristal sa kaniya
“Oo nga, ikaw ba kami?”- sagot din ni Terry
“Tama si Austine hindi pa kayu handa”- sabi ni Kiko na kinainis ni Terry
“Sino ba kasi ang mga tagapagmana ni Henry na itatapat niya sa amin? May anak ba siya? Sino ba sila?”- tanong ni Terry
Bumuntong hininga si Xander, napakalalim na buntong hininga “ Sina Jay, Jeffrey, Jefferson, at si Jerson”- sabi niya, hindi na ako nagulat sa sinabi niya
“Sila? O tapos? Kaya naman naming sila”- sabi ko, kasi totoo naman tumilapon nga sila nung pinag sisipa namin
“Minsan niyo pa lang silang nakalaban, iba ang combat battle na sinasabi ko. Ang combat battle na sinasabi ko ay patayan. Sinong unang mawalan nang hininga patay, naiintindihan mo ba Jean? At ayaw kong may mangyaring masama sa iyo”- singhal ni Austine sa akin. Oo gaga ako, marunong akong makipag bugbugan pero hindi ko kayang pumatay
“Ang alam ko magiging tagapagmana kami, wala sa usapan ang pumatay”- sabi ko sa kanila at padabog na tumayo
“Hindi mo ba naiintindihan? Gang nga eh, malamang makakasakit ka, at dalawa lang ang patutunguhan niyan, ikaw ang makapatay o ikaw ang papatayin”- sabi niya sa akin
“We will talk to them, wala namang hindi nadadaan sa magandang usapan diba?”- sagot ni Terry
“Dad?”- tawag ni Stella
“I think it’s time para nga hirangin kayo”- sabi ni Jedrick
“Within this week, malilipat na sa inyo ang pwesto”- sabi niya ulit
“But sir, hindi pa sila han---“
“No Austine, hindi natin sila habang buhay naitatago, handa o hindi hihirangin parin sila. Ayaw ko nang may madamay pa na ibang tao. Mabuting masettle na toh”- sagot ni Jedrick
“Tama si Jedrick, at may tiwala naman kami sa inyo Kiko na poprotektahan niyo ang mga anak namin”- sabi ng daddy ni Terry
“Poprotektahan po namin sila hanggang sa aming makakaya”- sabi ni Xander
“I think, we should prepare all for the coronation. Kami na ang bahala sa pag peprepare, at habang nag hihintay, Davies kayo ang iaasign ko bilang mga escort nila at habang naghihintay kayo itrain niyo na rin sila nagmaigi ha”- sabi ng Daddy ni Stella
BINABASA MO ANG
The Four Destined Rose {Completed}
Teen FictionNew girls to a new school meet new troubles and meet the truth about their selves that they didn't know about..