Chapter32

0 0 0
                                    

Chapter32

Stella’s Pov

“O, singko, talo nanaman kita”- sabi ni Gabrelle

“Ms. Stella”- sabay sabay na sabi ni Mathew, Javi, Gio, at Gabrelle

“Anong pinag kakatuwaan niyo?”- tanong ko at pumasok sa Taewkando room

“Ahh, tinatalo po naming si Otso sa Taekwando, pero wala po parin, panalo parin siya”- sagot ni Javi sa akin

“Si Gab na ba ang pinakamagaling sa Taekwando sa inyo?”-tanong ko sa kaniya

“Naku Ms. opo, siya po talaga”- sagot ni Gio

“Ako po kasi Ms, magaling po ako sa archery”- sabi ni Gio

“Katulad ka ni Terry”- sagot ko sa kaniya

“Si Singko po sa archery, si Sais sa fencing, si Otso sa taikwando at ako naman po sa baril”- sabi ni Javi

“Kayo po Ms. saan po kayu magaling?”- tanong ni Javi sa akin

“Taekwando”- simpleng sagot ko sa kaniya

“Talaga Ms.?”- pag kamanghang tanong sa akin ni Gabrelle

“Oo”- sabi ko at nakangiti

“Mag laban naman po kayu ni Gabrelle Ms”- sabi ni Gio, si Gio yung makwela, si Mathew medyo seryoso, si Javi normal lang, si Gabrelle naman okay lang din

“Ako talaga?’- tanong ko sa kanila

“Bakit naman hindi Ms?”- tanong ni Gabrelle sa akin

“Friendly match lang naman Ms.”- sabi ni Javi

“Oo nga po Ms”- sagot ni Gio

“Hoy! Sais, tumulong ka kaya”- sabi ni Gabrelle at tinapik pa si Mathew na seryoso lang sa pakikinig sa amin

“Bahala kayu diyan, masaktan pa yan si Ms. Stella dahil sa kalokohan niyo, damay pko kay Dos pag nagwala siya noh”- sabi ni Mathew

“KJ mo talagang hayop ka”- sabi ni Javi at binatukan siya, hinimas niya naman ang ulo niya at tinignan nang masama si Javi

“Tama na yan”- sabi ko sa kanila, kasi baka mapikon pa tng si Mathew eh

“Sige na, payag na ako”- sabi ko sa kanila

“Talaga po Ms?”- natutuwang tanong ni Gio sa akin

“Oo, first down talo na agad”- sabi ko at tinanggal ang sapatos at medyas ko
Nagsimula na kami, infairnes nagulat ako sa mga moves niya.

Hindi ko akalaing magaling nga siya, nakakailag naman ako sa kaniya pero ang bilis niya. Wala pang nakakatalo sa akin maliban kung batang bansot nakaklasi ko dati sa taekwando tapos sa kaniya lang mag papatalo ako? No! Sumeryoso na ako sa pakikipag sparing sa kaniya.

“Panalo ako”- sabi ko sa kaniya nung nadaganan ko siya

Tumayo ako bago ko siya tinulungang tumayo, ngumiti naman siya nang napakagwapo. Infairnes sa mga ganster na toh, ang gagwapo. Hayst, ang hirap pag napaligiran ka nang mga gwapo promise.

“Congrats Ms, kayu pa lang po ang nakatalo kay Otso”- sabi ni Gio sa akin

“Hahaha, mahirap siyang talunin”- sabi ko sa kanila

“Talaga po? Parang hindi naman po kayu nahirapan sa akin eh”- sabi ni Gabrelle

“Magaling ka, pero practice pa”- sabi ko at tinapik siya

“Hahaha, opo sa susunod po tatalunin ko na kayu”- sabi niya sa akin

“Yan, ang yabang mo pag kami ang natatalo mo tapos kay Ms.Stella ka lang pala matatalo, akalain mo yun”- sabi ni Javi

“Well, isa siyang Empress what do you expect”- nakangiting sagot ni Mathew

“Nagsasalita ka pala? Akala namin nawalan ka nang boses diyan”- pang aasar sa kaniya ni Gio

“Hahahaha, nakakatawa”-sagot ni Mathew in a sarcasm way

“Nag kakatuwaan ata kayu ditto ah?”- napalingon kami sa nagsalita

“Dad”- sabi ko, si Dad kasama si Davies

“Sir, natalo po ni Ms.Stella si Otso”- masayang balita ni Gio kay Dad

“Talaga? Ako ang nag turo kay Otso pag dating sa Taekwando tapos natalo ka ni Stella, ironic”- sabi ni Dad na namangha pa

“Wow Dad ha, kaya pala hindi niyo ako maturuan dati kasi inuuna niyo si Gabrelle”- sagot ko kunwari nag tatampo

“Sus, anak si Otso ang kaklasi mo dati, ano ka ba naman”- sabi ni Dad

“Huh? Madami akong naging kaklase Dad ano ka ba”- sabi ko sa kaniya

“Anak yung parati mong kalaban dati nung bata ka pa, kasabay mong mag training yung tinutukso nang Mommy mo sa’yong prince charming mo dw”- napakunot ang noo ko at inalala

“Ikaw yung batang bansot?”- natatawang sabi ko kay Gabrelle

“Ano ka ba naman Ms.Stella, nakalimutan niyo na nga ako sinira niyo pa po ang reputasiyon ko”- sabi niya na parang nahihiya pa

“Aba, hindi ko akalaing ang batang bansot na toh ay mag bebenatang gwapo ah”- sabi ko sa kaniya at ginulo pa ang buhok niya

“Sige anak, mag usap muna kayu. Kilalanin mo sila”- sabi ni Dad at hinalikan ako sa pisngi

“Sige Dad”- sabi ko at tinignan siyang lumabas nang kwarto

“Ms.Stella, bakit po bansot tawag niyo kay Otso”- tanong ni Javi

“Kasi naman, tng si Gabrelle lang ang nakakatalo sa akin, tapos ang payat payat niya noon, sobra tapos natatalo niya ko”- sabi ko at napasimangot pa

“Bakit parang nagulat po kayu nung malaman niyong siya yung kababata niyo, hindi niyo po akalaing makikita niyo siya ulit?”- tanong ni Gio sa akin

“Hindi ko talaga akalain noh, bigla na lang kasi siya nawala, siya din kaya naging motivation dati”- pag kukwento ko sa kanila

“Motivation? Nang alin?”- tanong ni Mathew

“Nakita ko kasi kung paano siya ipagmalaki ni Dad nung parati niya akong natatalo, kaya yun mag pinag butihan ko pa ang pag tetraining para sa susunod na magkita kami ay matalo ko na siya”- sabi ko sa kanila nang nakangiti

“Napakaselosa mo talaga”- biglang sabi ni Davies

“Ano naman sayu”- sabi ko sa kaniya

“Ms.Stella lalabas muna kami, baka may pag uusapan pa kayo ni Dos”- pag papa alam ni Gabrelle

“Dos, labas muna kami”- sabi ni Javi at lumabas na silang tatlo

“Ano”- sagot ko nang pigilan niya akong lumabas

“Can we talk?”- tanong niya sa akin

“Ayaw kong makipag usap sayu”- sagot ko sa kaniya

“Kayu na ba?”- tanong niya sa akin

“Ni sino?”- nag tatakang tanong ko

“Yung manliligaw mo”- sagot niya sa akin

“Hindi”- simpleng sagot ko sa kaniya

“Bakit?”- parang natutuwang tanong niya sa akin

“Kasi may mahal akong iba”- simpleng sagot ko sa kaniya at umalis na di na ako nag papgil pa sa kaniya at derederetso na ang pag labas ko dun sa kwarto, halos di ako makahinga basta nasa iisa kaming lugar. Hindi ko alam kong anong mangyayari pag nag tagal pa ako dun nang kaming dalawa lang

The Four Destined Rose {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon