Chapter30
Terry’s Pov
Nang lumabas ako ay napag desiyonan kong pumunta sa archery area, sports ko na talaga ang archery simula pa nang bata ako, yun kasi ang nagiging hobby naming daddy. Nakita ko doon si Butler Erick na hinhasa ang arrows.
“Hi Butler Erick”- batik o sa kaniya at ngumiti pa
“Good morning po Ms.Terry”- bati niya rin sa akin at nag bow pa
“Pwede po bang mahiram to?”-tanong ko sa kaniya
“Aba’y oo naman po, hindi naman po sa akin yan eh.”- sagot niya sa akin at napangiti naman ako, nasa 40+ na tng si Butler Erick pero makikita parin ang pagiging gwapo niya
“Kanino po ba ito?”-tanong ko sa kaniya
“Lahat po nang nandito ay sa inyo po nila Ms.Luna”- sabi niya sa akin, naikinagulat ko
“Talaga po, pati po yung mga nandoon sa loob? Amin?”-tanong ko sa kaniya
“Aba’y opo Ms. dahil kayo po ang tagapag mana nang pwesto nila ay sa inyo po ito mapupunta”- sabi niya sa akin
“Hayst, aanhin ko naman po ang lahat nang ito kung yung pinakagusto ko hindi ko naman makuha kuha”- buntong hininga kong pag kakasabi sa kaniya
“Ano po bang gusto niyo Ms.?”- tanong niya sa akin
“Si Kiko, siya lang naman ang gusto ko”- sabi ko sa kaniya
“Si Sir Kiko po?”- gulat na gulat na tanong niya sa akin
“Oo siya lang”- sagot ko sa kaniya
“Eh, ang sabi ni Sir Kiko may nanliligaw na po sa inyo”- sabi niya sa akin
“Eh? Palabas lang naming yun, pero hindi parin umubra”- sagot ko sa kaniya
“Hay naku Ms. bakit po kasi hindi niyo na lang sabihin nang deretso sa kaniya na gusto niyo siya, para wala na kayong pinoproblema”- sabi niya sa akin, ngumiti naman ako nang mapakla sa mga sinabi niya
“Alam naman niya yun, hindi niya lang talaga ako magawang maipaglaban”- sabi ko sa kaniya
“Ah may tungkulin nga naman sila, nangako po kasi sila doon at ayaw din po nilang suwayin ang sinumpaan nila pati ang mga magulang niyo”- pag eexplian niya sa akin
“Alam ko naman po yun pero sana man lang po, maipaglaban nila kami”- malungkot na sabi ko sa kaniya
“Huwag na po kayong malungkot Ms.”- sabi niya sa akin
“Alam mo Butler Ercik, siguro marami kang naging girlfriend nung teenager ka pa ano?’-tanong ko sa kaniya, para maiwaksi sandali ang mga nararamdaman ko
“Naku Ms. ilag po ako sa mga babae nung kabataan ko”- sabi niya sa akin at ngumiti pa
“Wee? Sa gwapo niyong yan,? Impossible namang walang nagkakagusto sa inyo”- sabi ko sa kaniya
“Meron naman po, kaso po yung gustong gusto ko may iba pong gusto”- sabi niya sa akin na may malungkot na mga mata
“Eh, kung masaklap pala yung buhay pag ibig ko eh mas masaklap naman pala yung sa inyo”- sabi ko sa kaniya na nalungkot sa ikinuwento niya
“Okay lang naman po yun Ms. masaya naman po ako kahit ganun”- sagot niya sa akin
“Bakit naman po?”-tanong ko sa kaniya
“Masaya naman po kasi ako kahit hindi ako ang nagustuhan niya, masaya na kasi akong makita siyang masaya kahit hindi ako ang kapiling niya”- sabi niya sa akin
“Yan ang love”- sabi ko sa kaniya
“Nasan na po siya ngayon?”-tanong ko sa kaniya
“Wala na po siya”- sabi niya na may ngiti sa labi pero malungkot ang mga mata
“Sorry po, hayst daldal ko kasi”- sabi ko at sinampal pa ang noo ko
“Naku Ms. okay lang po yun, masaya nga ako kasi nakinig kayu sa akin. Sa tanda ko pa naman toh, may makikinig pa sa akin”- sabi niya sa akin na ikinatuwa ko naman
“Mas tunay nga yung pag ibig sa panahon niyo eh, hindi katulad sa panahon ngayon. Lam niyo ba, mga lalaki ngayon hindi na marunong mag mahal pag hindi maganda yung babae, tapos pag maganda mahal agad nila”- pag susumbong ko sa kaniya
“Naku Ms. hindi pa lang siguro nila nakikita ang para sa kanila”- sabi niya sa akin
“Hayst, hind po yun rason”- sagot ko sa kaniya
“ Terry anak, anong pinag uusapan niyo ni Erick?”-tanong sa akin ni Dad nung makalapit siya sa amin
“Wala po Dad, buhay pag ibig po”- sagot ko sa kaniya
“Hmm. Umiibig na ba ang anak ko?”- tanong niya sa akin
“Aba Sir, kung alam niyo lang”- sabi ni Butler Erick at ngumisi pa
“Sino ba yang iniibig mo anak at nang makilala ko naman”- sabi niya sa akin
“Talunin niyo muna ako sa archery”- sabi ko sa kaniya
“Aba, ikaw na ngayon ang nang hahamon sa akin ah. Sige ba”-sagot niya sa akin
“Pag nanalo ka sasabihin ko sayu, pero natalo ka dapat payagan mo ako sa hihilingin ko”- sabi ko sa kaniya
“Depende pa rin yan sa hihilingin mo”- sabi niya sa akin
“Erick, timer”- sabi niya kay Butler Erick
“ Yes Sir”- sabi ni Butler Erick
“Pinakamabilis na makabuls, first three”- sabi ko sa kaniya
“Sige, on three”- sabi ni Dad
“One”- ako
“Two”- si Dad
“Three”- sabay naming sabi
Bumunot na ako nang arrow unang arrow buls, pangalawang arrow buls then, bumunot na ako nang pangatlong arrow
“I win”- sabi ni Dad, igsaktong pag bitaw ko nang pangatlong arrow
“Hayst”- sagot ko sa kaniya
“So who’s the lucky guy?”- tanong niya sa akin
“Please don’t freakout”- pag sisimula ko, tinaasan niya lang ako nang kilay
“It’s Kiko”- nakacross finger pa ako habang nakapikit
“Hindi kayo galit?”-tanong ko sa kaniya
“Alam ko namang may gusto ka sa kaniya, hindi naku nagulat pa”- sabi niya sa akin
“Alam niyo naman po pala, bakit ayaw niyo kaming payagan?”-tanong ko sa kaniya
“Alam mo anak, kung mahal ka talaga ni Kiko kahit anong rules o protocol ay susuwayin niya yun para sa’yo”- sabi niya sa akin at inakbayan pa ako
“Laki kasi nang respito niya sa inyo, ayaw kayong suwayin”- sabi ko sa kaniya
“Anak kung ako ang tatanungin, si Kiko ang pinagkakatiwalaan kong tao para sa iyo. Nasa kaniya na yun, if he is brave enough to fight for what you call love”- sabi niya sa akin at hinalikan ang noo ko
“Thanks Dad”- sabi ko sa kaniya at niyakap siya
BINABASA MO ANG
The Four Destined Rose {Completed}
Novela JuvenilNew girls to a new school meet new troubles and meet the truth about their selves that they didn't know about..