Chapter45

1 0 0
                                    

Chapter45

Jean’s Pov

Mahaba haba din ang naging pag papahinga ko ng dahil sa sugat na natamo ko. Ang dami ko mang nalaman wala namang progress sa pag hahanap kay Henry. Nandito naman ako ngayon sa hospital, ako ang na una pumunta kasi napag desisyunan naming pumunta nang mag kaibang oras para mabantayan namin ang isa’t-isa.

Hindi na ako nag tanong sa nurse kung saan ang kwarto ni Kuya, hinanap ko na lang ang kwartong y mga bantay, nung makarating ako sa tapat nun ay hinarang ako ng dalawang bantay ng kwarto.

“Sino sila? At anong kailangan?”- nakayuko ako at natatakpan ng sombrero na sout ko ang mukha ko, agad akong tumingala at tinignan sila sa mata na agad naman nilang ikinagulat at agad naman silang nag bigay ng daan para agad akong makapasok

Ng makapasok ako sa kwarto ay nadatnan ko doon sina Raven na nag uusap na natigil lang nung maisara ko ang pinto, gising din si kuya pero my kaunti pa siyang mga sugat at pasa na hindi pa gaanong gumagaling. Kaya siguro hindi pa pumapayag si Dad na lumabas siya.

“Who are you?”- matigas na tanong ni Raven sa akin, na agad ko namang ikinangiti. Hindi kasi talaga nila ako makikilala dahil sa sout kong black skinny jeans, cream sleeveless, black boots at isang itim din na sombrero, ikinulot ko rin ang buhok ko bago nag ponytail.

Iniharang ni Raven ang kamay niya sa akin na agad ko namang denepensahan, nakayuko lang ako habang hawak hawak ang kamay ni Raven na hindi niya mabawi, kailangan ko rin tignan kung kaya ba nila ang mga sarili nila. Paano na lang kung malingat ang mga bantay diyan sa labas at masalisihan.

Humarang na din sa akin sina Carlos at nilabanan ako. Napapangiti na lang ako sa ginagawa namin ngayon. Hindi kasi talaga nila napapansin na ako lang ito, muntik muntikan pa akong masipa sa mukha ni Carlos, mabuti na lang talaga at naiwasan ko. Parati din nila ako masusuntok sa tiyan, masakit pero naienjoy ko ang ginagawa namin.

“Itigil niyo yan”- suway ni Kuya sa amin nung ilang minutong hindi kami matigil sa ginagawa namin

“Ang sabi ni Jean, bantayan ka namin.”- sabi ni Carlos

“Baka kung sino toh, iniingatan ka lang namin”- sagot naman ni Raven

“Pero si Jean yan eh”- bulyaw sa kaniya ni Kuya na dahilan para lumuwag ang pag kakahawak sa akin ni Raven, sabay sabay nila akong nilingon. Agad ko namang sinipa ang paa ni Raven dahilan para mapaluhod siya hindi ko na mapigilan ang tawa ko.

Agad akong napatakbo kay Kuya at niyakap siya. Namiss ko talaga siya

“Naughty”- sabi ni Kuya at hinalikan ang ulo ko

“Ansakit nun Jean ha”- reklamo ni Raven at niyakap ako

“Sinusubukan ko lang kung kaya niyong ipagtanggol ang sarili iyo. My ghad, ako pa lang hindi niyo na kaya”- sabi ko sa kanila at ginulo ang buhok nila isa isa

“Jean naman, paano kung napuruhan ka namin, tssk”- reklamo ni Carlos sa akin

“Sorry na, I just want to make sure na magiging okay lang kayo pag saka sakaling masalisihan ang mga guwardiya diyan sa labas”- sabi ko sa kanila na agad akong ngumiti

“Don’t do it again”- nakabusangot ang mukha ni Ben ng yakapin ako

“Oo, hindi na mauulit”- sabi ko sa kanila

“Jean”- tawag sa akin ni Vencent

“Oh?”- sagot ko sa kaniya

“My sugat ka ba?”- tanong niya sa akin

“Meron, sa tagiliran at tiyaka sa balikat. Bakit?”- tanong ko pabalik sa kaniya

“Bumukas ang sugat mo. Carlos, call the nurse”- sabi ni Kuya, napatayo at inalalayan akong maupo sa gilid ng kama niya

“Kuya, okay lang ako”- sabi ko sa kaniya

“No. Dapat kasi hindi ka na nakipag away”- sabi niya at pinitik pa ang noo ko

Dumating ang nurse at agad akong ginamot. Pinalitan ng bagong bandage ang sugat ko, baago umalis at pinag sabihan akong huwag muna masiyadong magalaw para hindi dumugong muli ang sugat.

“Mag palit ka”- utos ni Raven sa akin at inabot ang isang gray na t-shirt, agad na akong tumayo para hubarin ang damit ko ng pigilan ako ni Kuya

“My banyo dun”- turo ni Kuya

“Sorry, hehehe”- sabi ko sa kanila. Nakalimutan ko kasi

“Loko ka talaga”- sabi ni Vencent at binatukan pa ako

Nang makapasok ako sa banyo ay agad na akong nag bihis, marami na kasing dugo ang damit ko. Hindi ko man lang namalayan na dumugo pala. Mas mabuting makapag palit ako ng damit para hindi ako makakuha ng atensiyon ng ibang tao pag makakauwi ako mamaya.

“Kamusta ka na?”- tanong ko kay Kuya

“Okay na ako. Mas okay na kaysa nung huling beses tayong nag kita”- sabi niya sa akin at ngumiti

“Mabuti kung ganun. Mag pagaling ka, para pag labas mo ng hospital hindi na mauulit ang nagyaring toh sa’yo”- sabi ko sa kaniya

“What do you mean?”- taong niya sa akin

“The person who is responsible for what happened to you is still on the run, pero huwag kang mag alala. I’m doing everything, we’re doing everything to find him as soon as possible”- sabi ko kay Kuya at ngumiti pa

“Ang trabahong yan ay para sa mga pulis, at hindi para sa’yo”- sabi niya sa akin

“Kuya, the police has a slow progress on doing this kind of job. My men can do it better”- sabi ko sa kaniya

“And then what’s next? Pag nahuli mo siya, anong gagawin mo? Papatayin mo?”- galit na tanong ni Kuya na ikinagulat ko naman

“No, I-I can’t kill someone”- nauutal at humina ang boses ko ng sagutin ko siya

“Pero kung kinakailangan, I must. Para maprotekthan kayo”- sabi ko sa kaniya na agad akong tumayo at tinapon ang damit kong my dugo sa basurahan

“Hindi, hindi mo yan gagawin. You won—“

“I need to go”- sabi ko sa kaniya at tumayo na, balak pa sana nila akong pigilan kaso hindi na ako nag papigil pa

“Bantayan niyo silang maigi”- matigas na utos ko sa mga guwardiyan nasa labas na agad naman nilang tinanguan

Habang nag lalakad ako sa hall way ay nakakapansin ako ng taong nakasunod sa akin, kaya nag madali akong lumabas para hindi ako makatawag ng atensiyon kung saka sakaling mag kakagulo.

Malapit na akong makalabas ng may tumakip sa ilong ko, my pinaamoy sa aking nag papahilo at nag papalabo sa mga mata ko, nag pumiglas ako pero wala paring nagawa.

The Four Destined Rose {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon