Chapter 12

1.9K 82 1
                                    

Samantha's POV

             Maaga akong nagising at nag ayos balak ko kasing pumasok sa flower shop kasi mga ilang araw nadin akong di nakaka pasok mula nung lumabas si kambal sa hospital. At pag punta kung garahe nabungaran ko si kambal na naka sandal sa kotse ko.

"Twin anong ginagawa mo dito, Ang aga mo ata nagising?  Db mamaya pa naman lakad niyo ni bru.. i mean Olivia."

"C'mon twin get in, i'll drive you there". Wika ni Nathan habang pinag bubuksan ako ng pinto.

No twin! kaya ko na,tsaka magpahinga ka nalang baka mapagod kana naman.

Ngayon lang naman twin namiss kung ipag drive ka just like the old times nung dito pa ako sa Pinas. Don't worry sasakay ako kay manong allan pabalik sabay turo sa driver namin na naka ready na ang sasakyan sa likuran.

"Okay if you insist" sabi ko nalang kay kambal at sumakay na habang nakikita ko naman siyang napapangiti.

......
At nung pagdating naman ng flower shop kinausap niya ako at sinabing gawan ko daw ng bouquet si bruha at dadalhin ko mamayang pag uwi.

Tsk kaya naman pala may pa hatid hatid pang nalalaman si kambal dahil sa meron din pala itong hihinging kapalit. Naiisip ko habang napapa iling.

Naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin ni kambal nung nakaraan.

*flashback*

Andito kami ngayon sa bar counter ng bahay magkasama kami ni kambal habang umiinom ng wine. Gusto raw kasi niya ako makausap.

"Twin! Tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Alam ko ng magkakilala kayo ni Olivia dati pa, at alam ko ding mortal enemy mo siya kung ituring nung high school, kaya pala minsan napapansin kung sinusungitan mo siya pero hinahayaan ko lang kasi baka mainit lang yung ulo mo dahil may problema sa trabaho, pero may mas malalim pa palang dahilan."

Agad naman akong napayuko, ayaw kung salubungin ang mga tingin ni kambal.

Walang umiimik sa amin, matapos ang ilang minutong katahimikan ay nag tanong ako.

"Sinabi ba niya sayo twin?" Tukoy ko kay Bruha.

"Hindi, si Nikki ang nag sabi sakin."

Bigla naman akong napatingin kay kambal, habang nasa isip ko sinasabunutan ko na si bes dahil sa kadaldalan niya.

"Wag kang magalit sa kanya twin, pinilit ko kasi siyang sabihin sakin dahil habang nag uusap kami may nabanggit siyang nag bukas ng curiousity ko."

Tumango lang ako kay kambal habang lumalagok ng wine, di ko alam papano mag react alam kong mahirap din to kay kambal dahil yung taong mahal niya at twin sister niya e di magka sundo.

Iinom pa sana ako at pangatlong baso ko na ng pigilan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Twin i want you to settle things with Olivia, alam kung di pa kayo nakakapag usap about sa bagay na yun. it's been how many years, its time for you to hear her side, let her explain twin, don't shut her up that easy. Please twin? For me..." sabi ni kambal habang tinitignan akong nag susumamo.

"I can't promise you that well be okay after that twin. But i'll promise to talk to her."

Agad naman akong niyakap ni kambal sabay sabing "thank you twin, your the best"

*end of flashback*

After ng pag uusap namin ni kambal di parin ako nagkaroon ng pagkakataong kausapin si bruha. Mamaya nalang siguro pag uwi ko at pagka hatid ko ng bouquet na request ni kambal para sa kanya.

Di ko namalayan na napapangiti na pala ako habang iniisip na bibigyan ko siya ng bouquet. Aissshhhh!
Agad akong napasabunot ng buhok kung ano2x yung iniisip ko, napag utusan lang naman ako ni kambal. Erase! Erase! Erase!

Napapailing nalang ako habang inuumpisahan na yung trabaho ko.

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon