Chapter 16

2K 81 2
                                    


Samantha's POV

Ilang araw na mula ng makabalik kami ng manila at napansin kung parang iniiwasan na ako ni Olivia, after kasi nung pag uusap namin sa cebu naging distant na siya at bihira na kami kung mag usap.

Iniintindi ko nalang kasi alam kung mas makakabuti yun samin, besides parang lumala nadin yung sakit ni kambal nanghihina na siya ngayon ayaw din nyang magpa hospital kasi ganun padin naman daw wala naman ng lunas sa sakit niya at mas lalo lang daw siyang malulungkot pag doon.

We hired a private nurse para alagaan si kambal at sa loob din ng mga araw na yun di umaalis si Olivia sa tabi niya, grabe niya kung alagaan si kambal.

Habang ako i kept myself busy sa shop ayaw din kasi ni kambal na sa bahay lang ako lagi at inaalagaan siya, besides ilang araw din akong nawala kaya madami akong inaasikaso at pag uwi ko ng bahay pumupunta agad ako sa room ni kambal, palagi kung nadadatnan si Olivia na nakakatulog na habang naka upo, naka sandal naman yung ulo niya sa bed ni kambal. Bigla nalang pumapatak yung luha ko tuwing pinagmamasdan sila siguro kung walang sakit si kambal naikasal na sila at bumubuo ng sariling pamilya, kaso pinagkait sa kanila yung pagkakataon na yun.

Kahit na nasasaktan ako dahil sa nararamdaman ko kay Liv, gusto ko padin silang maging masaya. I'm still hoping na gumaling si kambal. Ang putla na ni kambal at sa bawat pag daing niya ng sakit parang nadudurog yung puso ko wala akong magawa para tulungan siya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at kinumutan ko si Olivia bago ako pumunta kay kambal at humalik sa noo niya para mag goodnight.

...
Naging ganun yung routine namin sa loob ng anim na buwan at paminsan minsan din umuuwi si dad pati na si ate para i check ang kalagayan ni kambal, pinilit pa nga nila si kambal na sumama sa US para dun magpa gamot pero ayaw ni kambal at gusto daw niya dito nalang.

Isang araw nga naabutan ko sa kusina si Liv na parang masama yung pakiramdam naka hawak siya sa ulo niya na parang nahihilo at ng matutumba na,
ay dali2x ko siyang pinuntahan buti nalang naging maagap ako at nasalo ko siya. Tinawag ko ang driver namin at nagpatulong para maihatid si Liv sa kanyang kwarto. Sinabihan ko nadin na wag ng banggitin sa iba yung nangyari at baka maka abot kay kambal ayoko namang mag alala pa siya. Habang pinagmamasdan ko si Liv ay hinahaplos ko yung mukha niya, napansin ko ding nangayayat na siya siguro sa sobrang pagod at stress din, kawawa naman.

Napamulat siya at tila naguguluhan kung bakit siya nasa kwarto.

"Nahimatay ka kanina Liv, buti nalang malapit lang ako sayo kaya nasalo kita agad. Sa sobra mong pag aalaga kay kambal nakalimutan mo ng alagaan yung sarili mo, tignan mo oh ang payat mo na tsaka lumalalim na yung eyebags mo." Sabi ko na malungkot siyang tinignan.

"Pano ba yan di mo naba ako type? Pangit naba ako sa paningin mo Sam?" Sabi niya ng naka ngiti.

Tong babaeng to tlaga nagawa pang mag biro. Kaya napangiti nalang din ako sa sinabi niya.

"Sino namang nagsabi sayo na type kita? Wag kang assuming. Biro ko sa kanya sabay irap.

"Ouch!" Sabi niya habang natatawa.

"Kahit na anlaki na ng eyebags mo ikaw padin pinakamaganda sa paningin ko" seryoso kung sabi sa kanya.

"Whipped!" sabi naman niya kaya natawa nalang kami pareho.

"Pero seriously Liv masydo mo akong pinag alala kanina magpahinga ka naman di matutuwa si kambal pag nalaman niyang pati ikaw magkakasakit."

"I'm sorry Sam kung pinag alala man kita. Di na yun mauulit." Sabi niya na hinawakan ang kamay ko saka ko din pinisil yung kamay niya habang tinitignan siya.

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon