Chapter 25

2.7K 99 9
                                    


Samantha's POV

Limang araw na mula nung huling pag uusap namin ni Liv, hanggang ngayon ay di padin kami nagkikita. Si bes bumalik na ng manila kahapon dahil madami ding aasikasohin sa shop at narinig ko din na pati si David bumalik na ng US. Di rin ako nakakapasok ng opisina dahil sa naging busy din yung schedule ko sabi kasi ni Dad oppurtunity ko na daw since andito for vacation yung ilang investors kaya naimeet ko na sila.

Hays! Kamusta na kaya si Liv sobrang miss ko na siya ni hindi manlang kami nakakapag usap ng maayos kahit sa phone, sa sobrang pagod ko kasi nakakatulog ako pag uwi. Alam kung nagtatampo nadin siya kasi di na niya nireplyan yung paliwanag ko. Kaya naman ngayon maaga akong nagising para magluto, nagpaturo pa ako kay Aling Tasing nung isang araw nung naghatid siya ng groceries dito.

Maaga ako ngayon at papunta na ng hotel dala dala yung niluto kung breakfast para kay Liv, huminto din ako ng flower shop kanina para bumili ng bulaklak at ako na mismo yung nag arrange.

Pagdating ko binati pa ako ng receptionist at ngingiti ngiti pa habang tinitignan yung dala ko lalo na yung bulaklak. Medyo nailang naman ako kaya nagmadali na akong pumasok ng elavator.

Pagdating ko agad naman akong kumatok. At pinagbuksan naman ako ng katatapos lang maligo na si Liv naka robe pa ito at tumutulo pa yung buhok.

Napalunok naman ako pagka kita ko sa kanya at di sinasadyang napasuri ako sa kabuohan niya.

Naputol yung pag papantasya ko nung nagsalita siya.

"Eyes up here! Tsaka ba't ka andito?" Sabi niya ng pinaningkitan ako sabay cross arms.

Para namang umurong yung dila ko ng mapansin yung galit nyang mukha.

Napangiti ako ng pilit sa kanya sabay sabing...

"G-good morning Liv. I brought you breakfast." Sabay taas ng dala ko, and this tsaka ko din pinakita yung flowers na dala ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Kaya napa tikhim naman ako.

"Ehem! Liv baka naman pwedeng papasukin mo muna ako."

Niluwagan niya naman yung bukas ng pinto bago tumalikod at walang sabi sabing pumasok sa loob.

Sumunod din ako sa kanya at dinala yung pagkain sa table. Nakita ko naman siyang naka upo at nag bo-blow dry ng buhok.

Nilapitan ko naman siya at hinawakan yung kamay niya saka kinuha yung blow dryer. Nakita kung bahagya siyang nagulat.

"What do you think your doing?!" Tanong niya ng naiirita sabay tingin sa reflection ko sa salamin.

"Ako na yung magpapatuyo ng buhok mo. Let me!" Saka ko naman sinimulan i blow dry yung buhok niya. Di naman siya umiimik at busy sa pagkakalikot ng phone hanggang sa natapos ako.

Ng matapos na ay agad naman akong pumunta sa table niya at pinaghain na siya ng niluto ko.

"Come here Liv. Kain kana. Ako nagluto nito." Sabi ko sabay ngiti habang naka tingin sa kanya.

Medyo matagal pa siyang naka titig sa akin bago nagsalita.

"Why are you like that?! Ilang araw kang walang paramdam sakin tapos ganito lang, your good at pretending na okay tayo when were not. Anong klasing manliligaw ka." Sabi niyang nag ngingitngit sa galit sabay tayo sa inuupuan niya at lumapit sakin.

Medyo natakot naman ako sa inasta niya at napa urong ng konti.

"Ano?! Cat got your tounge? Ba't di ka makapag salita!."

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon