Chapter 20

2K 83 7
                                    

Olivia's POV

Naging mabilis yung mga araw at ngayon nga yung launching ng bago naming brand ng clothing line which is yung M.S stands for Madrigal-Santillan. Yun Madrigal kuha sa apelyedo ng mom ko nung dalaga pa siya.

Busy ang lahat sa pag hahanda, yung ate ko panay lakad, nag aasikaso ng mga guest, models etc. siya kasi nag organize nitong event.

Habang ako andito naka upo habang inaayusan. Ng matapos na yung make up ko nakita ko namang papalapit si David ng may malawak na ngiti.

"Wow ang saya naman ata ng bestfriend ko."

"You look stunning Olivia." Sabi niya habang pinakatitigan ako.

"I know right! You don't have to remind me."

"That's exactly the reason why i hate giving you compliments. Nagiging mahangin ka." Sabi niya ng napapailing. Kaya tinawanan ko lang siya.

"You know what you should be thankful. Say "thank you bestfriend." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Why should i?"

"I save you from the hassle of going through this preparation. Look at you, your just sitting here. Tignan mo nga si ate Marie (she's reffering to my ate) she looks tired already, and take note di pa nagsisimula yung event." Sabi niya sabay kindat.

If you look at the bright side tama nga naman si David kasi kung di ako pumayag malamang magiging ganun din yung sitwasyon ko kay ate, gusto kasi nila ni dad sa mga ganitong event naka hands on talaga.

"Point taken. Okay.... thank you bestfriend." Sarcastic na sabi ko sabay tawa, at natawa nalang din siya.

"So panu labas na ako, goodluck para mamaya. Kahit medyo matagal ka ng di naka balik sa runway i know you'll do good."

Napangiti naman ako sa sinabi niya and i mouthed "thank you" tsaka naman siya lumabas.

....................

Samantha's POV

Mabilis din akong naka adopt sa new working environment ko dahil nadin sa help ni tito at ng adviser ko. Nasa office ako ngayon at nagbabasa ng mga files ng biglang tumunog yung phone ko.

*bes calling*
Sinagot ko naman yung tawag while yung mata ko naka focus padin sa laptop.

"Hello"

"Bes! Turn your t.v on channel 34 right now."

"Bes anong meron? Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

"Fashion show. C'mon bes just do it. Hurry! Aligaga niyang sabi. Kaya napilitan din akong i on yung t.v dito sa office ko.

"Okay bes, chill. Eto na ini on ko na."

Sakto namang pagkalipat ko ng channel, tinawag yung pangalan niya at mukha niya agad yung nabungaran ko.

Nanginginig yung kamay ko. Di ko ma explain yung nararamdaman ko sobrang na miss ko siya at masaya akong makita siya kahit sa t.v lang. Di parin siya nagbabago she's still beautiful as always at mas lalo pang gumanda. It's been a year. I'm glad she's doing well now. Naaalala niya pa kaya ako? Namimiss? Kasi kung ako never siyang nawala sa isip ko, naging inspirasyon ko siya para pagbutihin kung anong meron ako ngayon.

And seeing her right now na naka ngiti parang it's enough for me to brighten my mood. She's back on track.

Ng matapos ng rumampa lahat ng models e nagpakilala na si Liv at nag introduce ng bago nilang clothing line. Sabay palakpakan ng mga tao.

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon