Chapter 26

2.5K 83 10
                                    


Samantha's POV

It's sunday and nagsimba kami ni Liv kanina, pagkatapos nun dumeretso kami ng mall at namili ng groceries kasi naman gusto niya daw akong ipagluto. Naging malawak naman yung ngiti ko ng marinig yun. Ang sweet talaga ng baby ko.

Andito na kami sa room niya habang siya nagluluto, ako naman naka upo sa kama habang nanood ng series sa netflix dito sa laptop niya. I offer na tulungan siya ngunit ayaw niya sabi mag relax lang daw ako. Hinatiran niya pa ako ng chips at cola para may makain daw ako habang nanonood. Hays ang swerte ko talaga feeling prinsesa ako ngayon.

Ng matapos na siyang magluto ay agad naman siyang umupo sa tabi sabay yakap at halik sa pisnge ko.

Humarap naman ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi saka naman niya sinandal yung ulo sa balikat ko.

"Napagod kaba baby? Kakain naba tayo?" Tanong ko sabay balik ng atensyon sa pinapanood.

"No, it's okay. Taposin nalang natin baby malapit nadin naman yan." Sabi niya at mas lalong nag susumiksik sa leeg ko.

Ng matapos na yung pinapanood ko ay inaya niya na akong kumain. Siya na naglagay ng pagkain sa plato ko kulang nalang subuan pa niya ako.

Di ko pa nagagalaw yung pagkain ko ng napatawa ako ng mahina dahil sa may naaalala ako.

"Bakit baby? Ayaw mo ba nung luto ko?." May pag aalalang tanong niya.

"Of course not! Paborito ko kaya to." Mabilis kung sagot.

"Baby Alam ko namang masarap kang magluto. May naaalala lang kasi ako." Sabi ko sabay nagsimulang kumain.

"Hmmmm..... ang sarap naman nito baby." Sabi ko na nanlalaki pa yung mata dahil masarap talaga yung pagkakaluto niya. Nilutuan niya ako ng paborito ko sinigang tsaka adobo.

"I'm glad you like it." Sabi niya sakin ng naka ngiti.

"Nga pala baby ano pala yung naaalala mo kanina ba't bigla kang napatawa?"

Nginitian ko naman siya bago nagsalita.
"Nung pinaghahain mo ako ng pagkain naaalala ko si twin, ganyang ganyan siya sayo kulang na nga lang subuan moko."

Napatingin naman siya sakin saka dahan dahang sumilay ang nakakaloko niyang ngiti.

"Tell me honestly, baby nag seselos kaba nung mga panahong yun? Kasi sa naaalala ko halos mamatay na ako sa sobrang talim ng titig mo." Sabi niya sakin sabay smirk.

Parang nabulunan naman ako sa narinig kong sinabi niya. Agad naman niya akong inalok ng tubig tsaka hinihimas yung likod ko. Ng maka bawi ay saka naman ako nagsalita.

" what are you saying Liv? —- Porket baby na kita. Hmp wag ka nga assuming." Sabi ko sabay irap saka pinagpatuloy yung pagkain ng di makatingin sa kanya.

Napatawa naman siya sa sinabi ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"What? Alam mo Sam wag kana kasing mag deny ikaw talaga yung unang nagkagusto sating dalawa. Sa ganda ko ba naman." Sabay flip hair at nagmamalaking sabi niya.

Kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ang hangin mo din pala baby. Ugh! Okay i admit naiinis ako nung mga oras na yun. Ang sakit nyong tignan sa mata. Siguro ako yung unang nagkagusto sating dalawa pero ikaw naman yung unang gumawa ng move." This time ako naman yung nag smirk sa kanya.

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon