Chapter 9

2.1K 84 4
                                    

Samantha's POV

Nasa byahe na kami ngayon andito ako sa harap naka upo habang si twin naman ang nag mamaneho. Kanina ko pa siya kinukulit kung san kami pupunta and tanging sagot niya lang ay "you'll see when we get there".

"Twin tulog ka muna, gisingin nalang kita pag dating natin dun." Sabi naman ni kambal na tumingin saglit sakin.

"Okay" sabi ko nalang sabay pikit ng mata.

*****
Napamulat ako ng mata ng may yumoyugyug sakin.

"Twin, dito na tayo. Halika na."

Nauna ng bumaba si Nathan at pinag buksan ako ng pinto. Wala pading pinag bago si kambal napaka gentleman.

"Woaahhhh" sabi ko pagkalabas.
"I miss this place! Ngayon lang ulit ako naka balik dito." Sabi ko na tuwang-tuwa andito kasi kami ngayon sa golf course na pag aari ni tito Dan yung tito kung namamahala ng hotel namin dito sa Pinas. Naaalala ko kasi nung elementary palang kami ni Nathan eto yung nagiging bonding namin, every weekends sinasama siya ni dad pag pumupunta dito para turuan, tapos dahil sa kakulitan ko at kagustuhan kung sumama napipilitan din akong isama ni dad. Ayoko kasi sumama kay ate shopping lang naman gagawin nun and di rin ako mahilig, tsaka nakakapagod sumunod sa kanya ang tagal niyang matapos.

Nung tinignan ko si kambal nakikita kung naka ngiti din siya habang naka tingin sa paligid.

Nung pag pasok namin nadatnan namin si manong Ben habang nag aayos ng mga gamit.

"Manong Ben" tawag ni kambal sabay yakap sa matanda, at pati ako lumapit nadin, 60 yrs old na si manong pero di halata sa mukha kasi malakas pa ito at maalaga sa katawan.

Nakita kung nagtaka naman si Manong at nangunot ang noo habang pinagmamasdan kaming mabuti. Napasimangot naman si kambal at tuluyan na akong natawa. Tinignan naman niya ako ng masama.

"Nathan, Samantha? Ang laki niyo na halos di ko na kayo nakilala ang liliit niyo pa at sobrang kulit nung huling punta niyo dito, ngayon ang gu gwapo't ang gaganda na, buti napa pasyal ulit kayo dito." Sabi niya sabay yakap samin.

"Opo, kakauwi ko lang po ng nakaraang araw, naisipan kasi naming mag bonding ni twin kaya napadalaw kami dito."

"Buti naman kung ganun." Sabi niya ng naka ngiti. "O sya sige maiwan ko muna kayo ha may aasikasohin muna ako sa opisina, paki kamusta pala ako sa daddy niyo paki sabi pag naka uwi siya bumisita siya dito."

"Sige po manong Ben." Sabi ko. Sabay paalam niya samin.

"So panu twin, simula na tayo?." Sabi ni Nathan at nagsimula na kaming mag laro.

After 4 rounds e natapos na kami at panalo si kambal kaya't tuwang-tuwa ang loko.

"Until now mas magaling padin ako sayo twin." Sabi niya ng naka ngisi.

"Ang yabang mo padin." Balik kung tugon sa kanya ng naka ngiti.

Nag desisyon kaming magpahinga muna dahil nadin sa pagod at dahil pinag papawisan na kami. Habang umiinom ako ng tubig napansin kung naka hawak si Kambal sa dibdib niya at namumutla.

"Twin, are you okay?" Tanong ko ng nag aalala sabay lapit sa kanya.

"I'm o... di na niya natapos yung sasabihin niya ng bigla siyang nahimatay. Nabigla ako sa nangyari at agad akong sumigaw para humingi ng tulong.

*****
Andito kami ngayon sa hospital hinatid kami ni manong Ben at ng assistant niya. Nagpasalamat muna ako bago sila umalis. Agad ko namang tinawagan si bruha gamit ang cellphone ni kambal kasi wala naman akong number niya. Naririnig kung nag panic si bruha at sinabihan ko siyang huminahon saka binigay ang address ng hospital kung nasan kami.

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon