Chapter 27

1.6K 63 5
                                    


Samantha's POV

           Naka sakay kami ngayon ni Liv sa plane pabalik ng manila. Since okay naman na ang takbo ng hotel sa Cebu pinaubaya na namin yung pamamahala kay Adam at napag desisyunan naming bumalik na ng manila.

Ng maka dating na kami ng airport ay agad ko namang ginising si Liv na mahimbing ang tulog.

"Baby gising, were here na."

Agad naman siyang nagising habang nag kukusot ng mata. Ang cute talaga ng baby ko. Nasasabi ko nalang sa isip ko habang tinitignan ko siya.

Agad naman kaming bumaba at nagtungo na sa naka abang na driver namin.

Napagkasunduan namin ni Liv na dun nalang dumeretso sa condo niya since ayaw niya namang sa bahay ako dederetso kasi naman mamimiss niya daw ako agad. Pinipigilan ko nga yung kilig ko that time, e kasi naman......^__^

....
Naka dating na kami sa condo ni Liv tinulungan kami ng driver na dalahin yung mga gamit namin at agad naman kaming nagpasalamat bago siya umalis.

Agad ko namang sinara yung pintuan at pagpasok ko ng kwarto ay nakita ko si Liv na naka higa na sa bed niya habang yung dalawang paa ay naka lagpas sa higaan.

Tsk! Pagod talaga yung baby ko, ni hindi manlang nagtanggal ng sapatos. Napapailing nalang ako habang naka ngiti na tinitignan siya. Nilapitan ko siya at agad na ginising.

"Baby, gising ka muna magpalit ka muna ng damit tsaka tanggalin mo na yung sapatos mo para kumportable yung tulog mo."

Napapailing lang siya habang naka pikit padin yung mata bago nasalita. "Ayaw"

Di ko naman mapigilang di mapangiti sa inasta niya. Para talagang bata. Tsk!

"Ang antukin mo naman baby." Sabay punta ko sa paanan para tanggalin yung sapatos niya.

Akma na sana akong lalabas ng tawagin niya ako.

"Baby?" Agad naman akong napalingon sa kanya.

"come here." Sabay angat ng dalawang braso niya.

Napangiti ako tsaka nilapitan siya at agad naman niya akong niyakap at hinalikan ng ilang beses sa pisngi.

"I just wanna cuddle with you all day." Inaantok na sabi niya sabay siksik sa leeg ko habang hinahaplos ko yung buhok niya.

"Sige na baby get some sleep." Wika ko sabay halik sa noo niya.

"Baby dito kalang ah, wag ka aalis sa tabi ko." Tsaka inayos niya yung pagkakahiga habang naka yakap sakin.

"Opo baby, don't worry dito lang ako babantayan kita." Tumingin naman siya sakin ng naka ngiti and give me a peck in the lips bago tuluyan ng naka tulog.

...
Kinabukasan

Samantha's POV

Andito kami ngayon sa sementeryo kng saan naka libing si kambal. Tinitignan ko si Liv habang inaayos yung dala naming bulaklak tsaka kandila.

Nasa ganun akong estado ng biglang magsalita si Liv.

"Nathan! Kamusta kana dyan? Sana masaya ka kung nasan kaman ngayon. Hindi kana dadaing sa sakit, makakapag pahinga kana ng maayos. Namimis na kita." Sabi niya na garalgal ang boses.

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon