Chapter 14

2.2K 95 3
                                    

Samantha's POV

Naging malapit kami ni Olivia mula nung huli naming pag uusap. Naging mabuti narin yung pakikitungo ko sa kanya pero minsan di parin naiiwasan ang bangayan.

" Bes! Halika na. Pinapatawag ka ni Nathan kakain na daw. Akala ko nga sumunod ka sakin kanina."

"Sige na bes, una kana. Susunod ako kukunin ko lang yung phone ko sa loob."

"Okay, dalian mo ah."

Tumango lang ako at pumasok na sa loob. Gusto kasi ni kambal magbakasyon at maka langhap ng sariwang hangin kaya andito kami sa resthouse namin sa cebu at sa harap naman nito ay dagat. Dali2x naman akong sumunod sa kanila at naabutan ko pang katatapos lang mag barbecue ni Olivia.

Ng mapansin niya akong paparating ay nginitian niya ako at nginitian ko din siya pabalik.

"Oh twin buti naman at sumunod kana. If i know di ka sumunod kanina kasi ayaw mong tumulong magluto, pag bbarbecue at pag aayos." Sabi ni kambal na nginisian ako.

Nakita ko naman na tumawa si bes tsaka si Olivia. Kaya napasimangot ako.

"Twin ano kaba, di ah. Sadyang inaayos ko lang kasi yung gamit ko sa loob."

"Naku bes, wag kana mag dahilan kilala kana namin."

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Alam mo twin mag Bestfriend talaga kayo. Di naman yan tumulong si Nikki e, kanina pa yan nag si selfie sa tabing dagat." Napatawa naman kami sa sinabi ni kambal maliban nalang kay bes.

Napasimangot naman si bes sabay sabing "atleast andito yung presence ko di gaya ng isa dyan." Agad naman akong inirapan. Kaya ngumisi lang ako sa kanya.

Nakita kong lumapit naman si kambal kay Olivia saka ito inakbayan.

"Hon, ok kalang ba? Di kaba napagod? Ikaw na halos nag prepare nito." Sabi ni kambal na tinitignan si Olivia habang naka ngiti. Habang ako titig na titig lang sa kanila.

"Okay lang hon andito ka naman e tinulungan mo ako." Sabay ngiti din pabalik ni Olivia kay kambal. Di ko maintindihan kung ba't parang ang sakit sa mata tingnan silang ganyan naiinis ako.

"Eheemmm!" Tikhim ni bes na naka agaw sa atensyon ko at naka smirk pa ang gaga habang tinitignan ako.

"Tara na kain na tayo gutom na ako." Sabay sabi ko tsaka tinignan ng masama si bes.

Agad din naman kaming umupo, bale yung pwesto namin ako katabi si bes habang nasa harap ko naman si Olivia katabi si kambal. Nakita kong kinukunan ni kambal ng pagkain si Olivia at paminsan minsan ding sinusubuan. Habang ako naka yuko lang habang nagpupuyos na sa galit di ko maintindihan kung bakit, dapat nga maging masaya ako habang nakikitang masaya yung kakambal ko, pero bakit ganito yung pakiramdam.

"Sam di mo ba gusto yung pagkain? Di mo pa kasi ginagalaw yang sayo." Napa angat naman ako ng tingin at napansin kung malungkot ang tinging pinupukol sakin ni Olivia.

"Hindi naman may iniisip lang kasi ako" sabay siko naman sakin ni bes at tinignan ako habang naka taas pa yung isang kilay di ko nalang siya pinansin at nag focus sa pagkain.

"Okay kalang twin? Kain kana masarap yang luto ni hon." Sabay sabi naman ni kambal.

"Oo naman twin okay lang ako." Sabay subo ng pagkain, tama nga si kambal masarap magluto si Olivia. At ng aabutin ko yung ulam e saktong aabutin din ni Oliva kaya nahawakan ko yung kamay niya. Agad ko namang binawi yung kamay ko. "Sige na Liv mauna kana." Nakita ko namang nginitian niya ako sabay tango.

"Actually kukuhanin ko naman talaga tsaka ilalagay sa plato mo nakita ko kasing di kapa kumukuha, baka gusto mong tikman." Sabi niya habang nilalagyan ako sa plato.Naging malawak naman ang ngiti ko dahil dun. "Thank you" sa pangalawang pagkakataon ay siniko na naman ako ni bes at ng tumingin ako sa kanya ay todo ngisi ang bruha. Di na maganda yung kutob ko kay bes siguradong mapapaamin ako ng wala sa oras nito. Oo i admit mukha ngang nagkaka gusto na ako kay Olivia kaso di pwd. Napapailing nalang ako habang iniisip yung bagay na yun.

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon