Chapter 10

2.1K 91 3
                                    

Samantha's POV

Pangalawang araw na namin dito sa hospital at nasaksihan ko kung gaano namimilipit si kambal sa sakit at napapasigaw na ito. Tanging pain reliever nalang at pampakalma ang pwd nilang ibigay. Nangangailangan na siya ng heart donor dahil unti2x ng bumibigay ang puso niya. Di ko maiwasang mapaluha habang tinitignan siya, di eto deserve ng isang napakabuting tao gaya ni kambal, at parang pinipiga din yung dibdib ko everytime dumadaing siya sa sakit. Dito ako naka upo sa gilid ng kama niya habang si Olivia naman nasa couch. "Yes, Olivia na ang tawag ko sa kanya dahil di niya deserve tawaging bruha sa lahat ng ginawa niya para kay kambal. Pero that doesn't mean na friends na kami, na aapreciate ko lang yung kabutihan niya.

"Twin!" nagising ang diwa ko ng magsalita si kambal at pati si Olivia ay lumakad nadin palapit sa kanya.

"Twin kamusta pakiramdam mo? May masakit paba? Nag aalala kung tanong.

"Maayos na ang pakiramdam ko ngayon." Sabi niya sabay baling kay Olivia.

"Hon, umuwi ka muna para makapag pahinga ka naman kulang ka sa tulog, magdamag ka ng naka bantay sakin, lumalalim na yong eye bags mo." Sabi ni kambal sabay ang mahinang tawa.

May kailangan din kasi kaming pag usapan ni kambal may kailangan akong sabihin. Dugtong pa niya.

Mag propotesta pa sana siya ng bigla akong nagsalita. "Sige na Olivia umuwi kana muna para makapag pahinga ka, andito naman ako e, kailangan kung bumawi, kaya ako muna mag babantay kay kambal. I assure her sabay ngiti.

"Okay! Pero kung magkaka problema kayo dito tawagan niyo ko agad kahit anong oras pa yan. Sabi ni Olivia habang naka tingin sakin."

"Ok, i will." Sabi ko naman. Agad din siyang nagpaalam kay kambal at humalik sa pisnge habang hinahaplos ang kanyang mukha.

At ng napadaan siya sa harapan ko ay agad siyang huminto at niyakap din ako upang magpaalam para akong na freeze ng bahagya sa ginawa niya.

Ng maka labas na si Olivia biglang nagsalita si kambal.

"Twin i know i have a lot of explaining to do. Kaya din kami napaaaga ng uwi because Olivia wants na madaliin ang kasal gusto niya padin akong mapasaya kahit sa mga ilang sandali nalang ng buhay ko.

Magsasalita na sana ano ng itinaas niya ang kanang kamay niya na sinasabing pakinggan ko muna siya.

"But i can't let that happen, nung andito na kami na realize ko ayokong makasal siya sa taong sa di katagalan ay iiwan din siya. I know nung una awa lang yung nararamdaman niya sa akin i courted her for almost a year, pero alam ko naman natutunan na niya akong mahalin. We've talked about this already at nung una ayaw din niyang pumayag at sinabing shes willing na magpakasal sa akin pero yun ang nag iisang hiling ko sa kanya na humanap siya ng taong makakapag pasaya sa kanya na kahit anong mangyari di siya iiwan, i made her promise me and she did. Mahabang sabi ni kambal na parang nahihirapan at saka humingang malalim.

"Twin it's ok kung nahihirapan ka magpahinga kana muna. Don't force yourself na i kwento sakin lahat, don't worry i understand everything, your a great guy and kung ano man yung desisyon mo i respect that."

And about sa heart transplant mo i'm sure dad and ate are doing their best para maka hanap agad, tinawagan ko din si dad at yun nga nag panic din siya kaya sinabihan kung ok kana sa ngayon, at yun nga uuwi sila ni ate bukas." Sabi ko habang malungkot na tinitignan siya.

"No twin, actually naka hanap na si dad that was the time nung may nagmakaawang ginang sakin, she said they waited for 10 years para lang mabuntis siya  and God gave them the blessing which is the kid, and now there facing the cruel reality na anytime babawiin din sa kanila eto.
Kasama ng ginang ang limang taong gulang niyang anak na naka wheelchair at namutmutla at nung tumingin siya sakin ay nginitian niya ako, she was strong. seeing the kid brought a pang in my heart, i know how hard it is to live like this at sa murang edad niya nararanasan na niya ang naranasan ko. And that's when i decided to give them the oppurtunity na makapag heart transplant ang anak nila. This time i choose not to be selfish and naisip ko even when i'm gone dad will still have you and ate while yung ginang wala ng matitira sa kanya." Mahabang paliwanag ni Nathan habang naluluhang naka tingin sa akin.

Agad akong lumapit sa kanya upang punasan ang luha niyang patuloy sa pag agos habang ako ay umiiyak nadin, mahigpit kung niyakap si kambal.

"Twin, pumayag din ba si dad sa decision mong ito?"

"Nung una ayaw ni dad and umiiyak siya habang kinakausap niya ako and i explain everything hanggang sa wala ng magawa si dad kundi tanggapin ang desisyon ko." Seryosong sabi niya.

"I'm so proud of you twin. Napaka buti mong tao. You don't deserve this. paano na ako kung wala kana, mawawalan na ako ng kakambal, pag sasabihan ng sekreto, hihingian ng advise." Sabi ko ng naiiyak habang pinipisil ang kamay niya.

"You have to be strong for dad kay ate pati nadin kay Olivia. Don't be sad twin tanggap ko na, and tingin ko narating ko na yung goal ko in life i became a successful businessman, i have a loving family and theres the love of my life Olivia, masaya na ako sa kung anong narating ko ngayon and i already felt fullfilled."

Tinignan niya naman ako ng seryoso at hinawakan ang kamay ko bago nagsalita.
"I need you to promise me one thing twin. Please?!"
Sabi niya na parang nag mamakaawa.

Pinisil ko ang kamay niya at tumango bilang pag sang ayon.

"Please take care of Olivia for me. Wag mo siyang hayaang masaktan, she has a kind heart and i treasure her so much. Will you twin?"

Tinignan niya ako ng nag susumamo.

"I will twin. I promise." Sabi ko sa kanya at nakita kung parang napanatag naman ang loob niya. Anything for you twin sabi ko sa sarili ko habang tinitignan siya.

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon