Chapter 23

2.5K 110 18
                                    

Olivia's POV

Magkahalong saya, kaba at excitement ang nararamdaman ko ng finally naka balik ulit ako ng Pinas. I can't wait to see you Samantha. Sabik na sabik na akong makita ka. Di naman maalis yung ngiti ko habang iniisip na finally magkikita na ulit kami.

Naputol yung pag iisip ko ng magsalita si David.

"Earth to Olivia!" Sabi niya habang kinakaway pa yung kamay sa harapan ko.

Imbis na mairita ako e nginitian ko siya.

"Yes bestfriend?" Nakita kong nagulat naman siya sa naging reaksyon ko.

"Woahhh. This is new! Iba ba ang hangin sa Pinas ba't parang bigla ka atang bumait?" Sabi niya ng naguguluhan.

"I don't have any reason para mag sungit. Goodvibes lang po tayo bestfriend."

"I can't believe this, kanina pa kita kinakausap regarding sa event bukas pero di ka pala nakikinig. Nakatulala ka lang at halos mapunit na yung bunganga mo kaka ngiti. You're acting really weird right now Olivia." Sabi niya ng napapa iling. Ngunit tinignan ko lng to at nginitian.

"That's it! I'm outta here." Sabi niya sabay alis papuntang room niya kaya natatawa nalang ako.

Sinama ko si David dito kasi sobrang mapilit siya at gustong gusto niya daw ma meet si Samantha kasi halos bukang bibig ko ito lagi sa kanya and besides gusto din nyang magbakasyon.

..........
Kinabukasan

Since dito na kami sa hotel nag stay ay maaga kaming naka rating sa venue. Konti palang yung mga tao hanggang sa paunti unti na itong dumadami, naging busy ako dahil kay tito. Pinapakilala niya ako sa ibang member ng boards tsaka sa iilang mga personnel.

Pagkatapos nun ay gumala naman yung mga mata ko sa buong area ngunit di ko pa namamataan yung taong hinahanap ko.

"Your looking for Samantha?" Napabaling ako sa nagsalita at si tito pala di ko namalayang katabi ko na pala siya.

"Yes po tito." Sabi ko ng nahihiya.

"Papunta na yun dito medyo nahuli lang, kasi naman sinabihan ko ng dito sa hotel mag stay kaso mas gusto niya daw dun sa resthouse. Don't worry magkikita din kayo mamaya."

"Excuse muna iha pupuntahan ko lang yug kumpare ko." Sabay pat ng shoulder ko.

"Sige po tito."
.........

Natatawa akong nakikinig habang nag ku kwento si David, e kasi naman ang dami niyang kalokohang alam. Nasa ganun kaming sitwasyon ng tinawag ni tito yung pangalan ko, kaya agad din akong napalingon.

I can't believe it i can finally see Sam. She look so beautiful in red. Agad naman akong nagsalita.

"It's nice to see you again Sam." At di na ako nagpaligoy ligoy pa, lumapit na ako sa kanya at yumakap.

Sobrang saya ko na naaakap kita ng ganito Di mo lang alam kung gaano kita ka miss Sam. Sabi ko sa sarili ko at napansin ko ding gumanti siya ng yakap at hinigpitan pa ito. Kaya naman napangiti ako.

Natigil yung moment namin ng biglang tumikhim si Bestfriend. Kaya napabitaw kami sa isa't-isa kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. Humanda ka mamaya David!.

Twins PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon