" Zenaiah Zyrene, late ka na naman."
"Ate, may pasok ka pa."
"Nakahanda nabyung pang paligo mong maligamgam. Bangon na dyan. Maliligo rin ang kapatid mo."
Wala man lang bang good morning jan? Araw araw yan ang pang gising sakin ng aking nanay, tanghali na raw ang alas syete.
"Babangon na po, saglit lang." Inaantok pang sabi ko at tuluyan ng bumangon at nag inat ng kunti at nag sign of the cross.
Lumabas ako ng sabog ang buhok at halos nakapikit pa."Anong oras na saka pa lang bumangon, mag aasikaso kapa ng mga gamit mo, naku kang bata ka. Mag e-18 kana hindi ka parin magkusa bumangon. Ang lakas- lakas ng loob mong mag-board pag college pero hindi ka gumigising ng maaga. Naku, piano na lang kung wala na---"
"Ma, good morning! Ang ganda-ganda mo ngayon! Anong hinanda mong masarap na almusal? Tara, kain na tayo. Ginugutom ako ng amoy." Pinutol ko na ang anumang sasabihin ni mama dahil baka kung ano pang lumabas sa bibig niya. Ayaw na ayaw ko pa naman naririnig na nagsadabi sila ni papa ng ganyan. Naiiyak ako. Mababaw akong tao eh, konting kibot maiiyak.
"Hala, maupo kana jan at kumain, may pasok ka pa ng alas otso. Sa susunod na hindi ka pa bumangon mag-isa hindi naman kita gigisingin." Pagbabanta ni mama.
"Opo." Sumusukong sagot ko.
"Hoyy ikaw naman Richard, halika na nga at kay aga-aga, sigarilyo ang almusal mo. Ilang ulit ka na ring pinagsasabihan niyan."
Hayy si mama, Kay aga-aga ang ingay na naman. Si papa naman kasi, ilang beses na rin kasi talagang pinagsasabihan yan tungkol sa paninigarilyo niya pero hindi nakikinig. Walang takot.
"Andyan na. Gumising na ba si Zyrene?"
"Opo, gising na gising na. Halika na Pa, kain na tayo. Asan si Kuya Zyron?" Tanong ko ng kinalalagyan ng kapatid kong is a ring sakit ng ulo nina mama. Pareho lang naman kaming tanghali kung magising eh, pero ako palagi ang napapagalitan.
"Wag mong hanapin ang Kuya mo dahil mamaya pa ang pasok non, ikaw bilisan mo na dyan at ng makapasok kna. Magkakalahati na ng pasukan tapos hindi ka pa rin masanay sanay na pumasok ng maaga."
"Opo."
Agad ko ng tinapos ang pagkain ko at mabilisang naligo.
"Ma, aalis na po ako. Baka malate po ako eh."
" hay naku kang bata ka, kanina ka pa late kaya bilisan mo na. Zyron, itawag mo nga yang kapatid mo ng tricycle. "Utos ni mama kay Kuya na bagong gising.
"Ma naman. Ang baho- baho ko pa, baka makita ako ni Alex."
"Naku Kuya, wala ka ng pag-asa kay Ate Alex, may Joseph na yun." Biro ko pa.
"Lumayas kana nga. Letse."inis na tugon niya.
" Babye po."
"Ingat na lang."
"Zen, bilisan mo na nga, kanina pa andito si ma'am, umalis lang at may pinuntahan." sabi ng isa kong kaklase at agad naman akong naupo sa upuan ko.
"Zen, may preparation ka? Pagaya naman ohh."
Ibinigay ko naman agad ang notebook ko at nanahimik na sa upuan ko.
"Zen, may update na yung story na binabasa natin. Nabasa mo na ba? " Biglang sulpot ni Archie sa tabi ko. Isa siya sa tinuturing kong best friend, pareho kami ng hilig. We stan the same kpop groups, we read the same stories on wattpad and stalk some known person in our school.
"Hindi pa. Baka mamaya, wala pa kong load eh. Huwag mo na lang Luna akong i-spoil." Pakiusap ko dahil mahilig siyang mang spoil ng story, na kahit ako ay gawain ko rin minsan.
"By the way, asan si Sierra? Si Jamie at Freya? Hindi pa ba dumarating? Late na naman ang mga taong yun." Napapa filing na tugon ko habang sumisilip sa bintana.
"Asa ka naman na papasok ng maaga ang mga yun. Baka nga mauna pa sa kanila si madam." Sagot naman niya.
"Pagaya nga pala ako ng preparation. Nakalimutan kong gumawa eh." Tumatawang kinuha niya yung notebook ko sa isa ko pang kaklase. Tango na lang ang sagot ko.
Two down, sa isip-isip ko. Hindi ba nila kayang magprepare on their own? Hindi naman sa ayaw ko sila ng pagayahin, but I want them to be independent. Simpleng assignment lang naman yun. But then, para wala sila ng masabi sakin, pinapagaya ko na lang. Mahirap ng may masabi ang iba.
"Guys, naka pasa na ba kayo ng requirements for early registration para sa senior high?"
Tanong ni Jamie."Ano bang strand ang ite-take niyo sa SHS? Ako kasi baka GAS o kaya ABM."
"Sabi kasi diba, aalisin na dito sa school natin yung kinuha naming course, baka lumipat ako. Baka sa South Ville Highschool na 'ko next year."
Malungkot na tiningnan ako ng mga kaibigan ko. Kung hindi lang talaga aalisin ang course ko, baka mag stay pa ko. Pero, I need to follow what I want. Gusto ko kasi talaga ang Arts and Design. So I really need to transfer kahit pa magkakalayo kaming barkada. But, after my registration, I realized something. Masyado pala akong nagpadala sa gusto ko, at hindi ko naisip ang pwdeng mangyari after my decision. Hindi ko naisip sina mama at papa. I cried in front of my friends as I told them my realization. Masusunod ko ang gusto ko,pero pwedeng mahirapan din naman kami sa pang-araw-araw na budget lalo pa't kailangan ko ng pamasahe araw-araw.
Days go by and graduation came and we need to bid goodbyes. Natapos namin ang isang stage as students, but, that means we need to take a leap to achieve another. Dumaan ang bakasyon at napanatili naming mag kakaibigan ang communication namin through social media, but when first day of senior highschool came, I realized, I need to face my new chosen school alone. With new friends and new competitors I never thought I would have. Masyado akong nasanay na tulong-tulong sa old school ko during classes, pero dito I never expect na ganito, masyadong competitive ang mga estudyante. That's why I told myself , huwag na kasing pairalin ang hiya-hiya. Pakapalan na to ng mukha, in order to survive. Pero, ano na ang ipanglalaban ko dito? Hanggang talino lang naman ang kaya ko. What I had developed here, insecurities. And I hate the feeling. It really sucks.
BINABASA MO ANG
Somebody To You
General FictionA high school girl who seeks attention. Who doesn't care about looks, who wants to be appreciated by who she is not by what she looks like.