Chapter Sixteen

0 0 0
                                    


Nagkatinginan uli sina Mama, pero si mama ang unang nagsalita.

"Halika kayo. May hinanda akong meryenda, pagsaluhan natin." Alok ni mama. Nagkatinginan kami ni Hans at saka ko siya tinaguan. He exhaled and then walk with me.

May hinandang pansit si Mama at isang pitsel ng malamig na juice. Pina-una akong paupuin ni Hans at saka siya naupo sa tabi ko. I tried to look at Papa's reaction, at buti naman at hindi siya poker faced.

Tumikhim si Mama ng mailapag niya ang brownies na alam kong binili niya sa bakery sa kanto.

"Kain na kayo. Alam ko ay gutom kayo galing school. Hans, wag kang mahihiya, ah? Kain lang." Masayang ani ni mama.

"Salamat po." Saka siya ngumiti. Balak ko sanang paglagyan siya ng pansit ng unahan niya akong abutin yun at siya ang naglagay sa pinggan ko. "Hans, ang dami na niyan. Tama na." Mahinang reklamo ko. Umiling lang siya at patuloy sa pagsilbi sa akin. Sunod siyang kumuha ng brownies at pinagsalin din ako ng juice. Nang tingnan ko sina Mama at Papa ay pinapanood din nila ang ginagawa ni Hans. Pero si Hans ay parang wala lang.

I smiled to myself. Very natural kasi talaga sakanya ang ganito. Palaging ako ang inuuna niyang paglagyan ng pagkain o pakainin kada kakain kami after school.

"Eat up, Zyrene." Narinig kong sabi ni Hans. Tumango naman ako at sinabihan siyang kumain na rin.

While eating, hindi ko alam kung awkward ba o hindi. Kita ko namang ayos lang kina Mama pero parang hindi ko sure. I want to hear their reaction. Baka kasi ganito lang pag andito si Hans, pero pag alis, pagagalitan nila kami. Lalo na ako. I want assurance na hindi sila galit. Kung galit man, I have no choice but to accept what they will say. Maiintindihan ko naman. Maiintindihan naman siguro ni Hans. Pero ngayong wala silang sinasabi, nakatingin lang, kinakabahan ako.

Hans is on the act of putting another brownies on my plate ng marinig namin ang tikhim ni Papa. Nagkatinginan kami at sabay na itinuon ang tingin sa parents ko.

"Hans, tama?" Simula ni Papa. Alam kong siya na lahat ang magtatanong dahil halos kilala na ni mama si Hans.

"Hans De Villa po, Sir." Pormal na pakilala niya.

"De Villa. Kayo ang bagong lipat diyan sa malaking bahay, tama?"

Tumango si Hans, "Opo."

"Same school din kayo nitong si Zen, at rinig kong STEM ka raw? Kamusta naman ang pag- aaral mo?" Tanong ni Papa at sabay inom ng juice niya.

"Ayos po ang studies ko. Medyo mahirap lang po lalo na at malapit na ang finals, padami ng padami na po ang projects at requirements, pero nama-manage ko naman po." I looked at him and I saw his full smile, parang hindi siya kinakabahan sa mga tanong ni Papa. He's too confident pagdating sa studies dahil isa talaga yun sa magandang point niya.

"Alam mo ba,Pa, na honor student daw itong si Hans kahit na transferred student. Mabilis kang maka- cope up, hijo." Puri ni mama. Napangiti naman ako dahil totoo yun.

"Mabuti kung ganoon nga." Tugon ni Papa. Tumingin siya sa akin, bago bumalik kay Hans. "Hindi masama ang intensyon ng tanong ko, gusto ko lang malaman, hindi naman nakakasama ang kung anong meron kayo ng anak ko, sa pag- aaral niyong dalawa, hindi ba?"

I looked  down on my hand on my lap. I started fidgeting. Alam kong itatanong talaga yun ni Papa. Kahit naman alam ko, alam namin sa sarili namin na wala naman kaming ginagawang masama, nakakakaba pa rin pala pag nasa harapan na ng magulang mo.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong hinawakan ni Hans ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Nilingon ko siya at kina Mama lang ang tingin niya. He looked and smiled at me before looking back to my parents. "To be honest po...nahihirapan po ako sa mga projects namin. Mahirap po ang mga recitations at quizzes. Hindi rin po madali ang paggawa ng research paper."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somebody To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon