Chapter Three

2 0 0
                                    


"Zyrene, do you have any answer? May sinasabi ka ba kanina?" Tanong sakin ng teacher namin sa Earth and Life Science subject namin.

"Go na, Zen." Push ni Mycah sakin. Siya ang isa sa palaging taga pagpush sakin every time na may recitation sa klase. Alam niya kasi na parang may invisible na competition between me and my other classmate na si Daryll. Dito na siya sa South Ville nag junior high kaya siguro, ganoon na rin sya ka-competitive pagdating sa academics. Well for me, hindi ko naman siya nakikita as kalaban. Gusto ko lang matuto and syempre, inilalabas ko lang kung anong alam ko in every subject.

"No ma'am. Wala po akong sinasabi." Nakangiting alanganin na sagot. Nakita kong nakataas na ang kamay ni Daryll para matawag ni ma'am.

"Yes Daryll?" Pagtawag pansin ni ma'am sakanya. At nagsimula na naman si Kuya Kim version 2.0.

"'Bat hindi ka sumagot. Binulong mo nga kanina yung answer." Pagalit na asik ni Mycah. I silenced her dahil baka marinig pa siya ng iba naming kaklase. Well, sa barkada alam naman nila or should I say, almost everyone from my friends have secret angst to Daryll.

Pagkatapos ng discussion ay agad kaming nagsilabasan para kumain sa cafeteria ng school.
Konti lang ang estudyante dahil hindi pa kasi talaga time. Napa aga yung samin dahil short discussion lang daw sabi ni ma'am.

"Zen, anong bibilhin mo? Isasabay na kita." Alok ni Mycah na siyang kasama ko. Sa barkada at siya ang pinaka close ko at halos nakakakilala sakin. Sakanya ko palagi sinasabi lahat ng naisip ko. Mapa joke man, at lalo na tungkol sa pag-aaral. Hindi ko lang sakanya masabi yung mga bagay na para sakin ay 'too private to talk' na. Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala, pero parang yun na lang yung ititira ko para sa sarili ko. And sometimes, we needed that. That thing called privacy.

"Kahit ano lang." sagot ko saka naupo sa isa sa mga upuan na nasa cafeteria. Habang naghihintay ay nagbasa muna ako ng update ng pina follow kong authors sa wattpad.

"My gosh! What a nerd! Really, nagbabasa ka niyan? So cheap. Can't you buy some books? " napa-angat ang tingin ko sa nagsalita. Ahh, si Jeri. Most popular girl here in South Ville, at kasama niya yung iba pa niyang mga kaibigan. I exited my wattpad app and stand up to find Mycah. Iiwas na lang ako sakanila at hindi na sasagot pa.

"Oops, not too fast. I'm not yet done talking to you, Nerd." she said with a smirk plastered on her face. Agad din namang humarang sa daraanan ko ang iba pa niyang kasama.

"Jeri, ayaw ko ng gulo. Please, leave me alone." mahinang pakiusap ko. She just 'tssed'.

"Well, hindi na man gulo ang gusto ko. I just want to lend you some of my books." sabay abot niya sakin ng isang libro na makapal. My eyes glistened when I saw the book. It was the latest book of one of my favorite author. I  was about to touch it but, she instantly pulls it back. They all laughed.

Bumagsak ang kamay ko at para akong napahiya. Well, alisin na natin yung 'parang' dahil I really felt ashamed. Ano ba naman kasi talagang aasahan mo sakanila?

"Ohh, I forgot, hindi ko nga pala pinapagamit ang mga personal belongings ko sa mga kagaya mo. Cheap people. How sad that you cannot afford to buy books and couldn't have a signature of the author themselves? Aww, hanggang mobile applications ka na lang talaga noh? If I were you, hindi na ako mag-aaral sa school na tulad nitong South Ville kung hindi mo na man pala afford ang mga bagay na afford namin. What a shame. Dapat, dun ka lang sa mga public schools. A trash like you, suits there well." After the long insults comes the loud laughter of these girls.
In my five months stay here in South Ville, masasabi kong pinipilit kong magcope-up sa mga estudyante lalo pa't tama si Jeri, I'm not like them. I can't afford to buy expensive things but, I can cope with their academic performances.

"Natahimik na siya, Jeri. Maybe, letting your words sink into her mind. Hahahahahah." dagdag pa ng isa niyang kaibigan.

Ba't ba kasi ang tagal na man ni Mycah? Gusto ko ng umalis dito, habang kaya pa ng pasensya ko.

"Well, ganyan na man talaga ang epekto ng mga sinasabi ko. Nakakatulong siya para makapag-isip-isip ang iba ng mabuti. Am I right, Zen? " she asked with a tone of sarcasm in her voice. I just looked at her blankly.

Ayaw kong sumagot. Ayoko kong pumatol. Kaya kung pwede, lubayan niyo na ko.

I want to tell that to them, but I choose not to. Baka mas lalo pa sila ng ma-trigger.

"What? Aren't you gonna talk? Am I talking to a mute? My God! Akala ko ba matalino ka? Do you know that when someone's talking you should--"

"Listen. When someone's talking you should listen. And that's what I'm doing, I know the word respect. Baka isipin mong binabastos pa kita kung sasagot ako when you're in the middle of talking whatsoever."
I didn't mean to make it sound sarcastic but I guess, it goes out of my mouth naturally. Hindi ko na napigilan. And now, she got her jaw dropped. Agad namang nag sink in sakin ang ginawa ko.

Akala ko ba ayaw mo ng gulo? Hay naku, Zenaiah. Si rin papapigil noh?

"I'm sorry, Jeri. Hindi ko--"

"You're talking back now huh? Well I guess, tama nga sila. You ain't fun."

"Let's go girls. I don't have time with her shits." She flipped her hair and walks out of the place.
I roamed my eyes inside the cafeteria and saw other students watching us earlier. I felt ashamed because of their stares. Its as if I made a crime of talking back to Jeri. Well, she's known inside for being the Ms. Intramural and for her beauty and brains. But for me, she lack of manners.

Bumalik ako sa pagkaka-upo at ambang bubuksan ulit ang phone ko ng dumating na si Mycah.

"Zen, nakita kong galing dito ang grupo ni Jeri. May ginawa na na man ba sila sayo? Sabihin mo lang at igaganti kita."matapang na bungad niya. I just shrugged my shoulder at nauna na sa paglabas sa lugar na yun.

I stayed silent until we get back to our classroom. Thinking of the last conversation I had with Jeri. Maybe she's right.

"Uyy, Zen. Ang tahimik mo talaga. Ano ba talagang mangyari sa cafeteria? Susugurin ko na ba si Jeri? Magsabi ka lang. " nag- aalalang tumingin sakin si Mycah. I just  smiled at her and calm her down. Masyado siyang nag-oover react.

"She just helped me realized something."

Somebody To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon