"Because Jeri is not you, Zyrene. I don't want to be with Jeri. I want to be with you. Kahit uwian lang.""Seriously, Zen? Just sleep already. Baka malate ka pa bukas." I talked to myself. Umikot ako sa kabilang side ng kama at pinilit ipikit ang mata.
"Because Jeri is not you, Zyrene. I don't want to be with Jeri. I want to be with you. Kahit uwian lang."
Napabalikwas ako galing sa pagkakahiga at ginulo ang magulo kong buhok. Napabaling ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa kwarto ko. Its already 11 in the evening at kahit konting minuto ay hindi pa ako nakaka-idlip.
Mula kanina ng nag-usap kami ni Hans ay hindi na ako makapag-isip ng maayos. Mabuti nga at hindi napansin nila Mama. Pagkatapos kumain ay agad akong dumiretso sa kwarto at nagkulong na, at hanggang ngayon hindi pa rin makatulog.
May pasok pa ako bukas.
Naalala ko na naman ang huling sinabi ni Hans kanina bago niya ako talikuran. Napahilamos ako ng kamay sa mukha ko at saka bumaba sa kama.
"Kailangan ko atang uminom ng gatas."
But then, it doesn't help. Inabot na ako ng 1 AM at nakatingin lang ako sa labas ng bintana ko. I guess hindi na talaga ako makakatulog. Baka sa klase pa ako makatulog mamaya. Napabuntong hininga ako.
The night sky is clear, walang makapal na ulap, pero wala ring stars. Just the moon, illuminating the dark night. Natulala ako sa ganda ng hugis ng buwan. Mula rito ay kita ang parte ng buwan na may mga itim-itim, dahilan kung bakit hindi ito perpekto. Ngunit hindi yun nakapagpabawas ng gandang taglay noon.
Mabuti pa ang buwan, kahit may imperfections na halatang- halata, marami pa rin ang nakaka- appreciate. Pero bakit, pagdating sa mga tao, ang hirap para sakanila na i- appreciate ang kapwa nila, kahit gaano pa sila kapangit. They always appreciate those who are undeniably beautiful. How I wish ganoon kadali ma-appreciate, kahit sa simpleng ginagawa mo.
Cold wind blew and I shivered because of it.
Tunog ng cellphone ko ang gumising sakin sa pagkakatulala. Hinanap ko kung nasaan yun at nakitang umiilaw yun sa ilalim ng kumot ko. Pagkakuha ko ay nakitang unregistered number iyon. Napakunot ang noo ko.
Nagdadalawang-isip man na sagutin ay sinagot ko pa rin.
"Hello!? Sino 'to?" Tanong ko sa tumawag sa kabilang linya. Matagal bago may sumagot pero dinig ko ang hininga ng kung sino man ang tumatawag.
Lumipas ang ilang segundo ay hindi pa rin siya nagsasalita. Ibababa ko na sana ang tawag ng magsalita siya.
"Zyrene."
I stiffened when I heard who is on the other line. It was Hans.
"H-Hans?" Paninigurado ko. Baka pinaglalaruan lang ako ng isip ko dahil kanina ko pa naririnig ang boses niya dahil sa huling sinabi niya kanina.
"I'm outside your house." Nanlaki ang mata ko at agad na sumilip sa labas ng bintana. There I saw him standing while his phone on his ear. At para bang na sense niyang may nakatingin sakanya, he looked up and our eyes meet. Natataranta ay nagtago ako sa tabi ng bintana na para bang hindi pa niya ako nakita.
Anong ginagawa niya rito? Its already nearing to 3 AM at ito siya, nakatayo sa labas ng bahay namin.
"Can we talk, Zyrene?" Napapikit ako ng mariin.
"S-Saglit lang. Bababa ako."
Agad akong lumabas ng kwarto ko at dahan-dahan namang lumabas ng bahay. Baka magising sina Mama.

BINABASA MO ANG
Somebody To You
Ficción GeneralA high school girl who seeks attention. Who doesn't care about looks, who wants to be appreciated by who she is not by what she looks like.