"In this painting, a girl has so much freckles, acnes, she also has thick lips and other imperfections. But still, the painter manage to make her look beautiful."
Pinakatitigan ko ang babaeng nasa painting na siyang sentro ng discussion namin sa isang major subject.
She really has lots of imperfections, but still, she's beautiful. I wish kahit papaano, ganyan din sana ako. I have so many insecurities na hindi ko masabi kahit kanino. Even my parents, at sarili ko lang ang nakakaalam nun lahat.
I don't dare to share. Minsan kasi, kung kailan nagshare tayo ng mga saloobin natin, saka tayo nagiging open para sa pangungutya ng iba. Minsan nga, pang asar ang salitang 'no offense meant', kasi sasabihin nila yun but in the end, insulto pa rin ang dating nun sa taong pinagsabihan.
"Everyone is beautiful. God created us all equally, and unique than others. If there is someone who can understand you, its you only. Ikaw lang. Don't let others judgements be the reason for your change, it should be from you own, for your own." Dagdag pa ni sir. Napatango naman ako ng kunti dahil may punto siya.
Dahil sa mga naririnig nating mga panghuhusga, mas ginagawa natin lahat para maging tayo kung anong gusto nilang maging tayo. May mga taong hindi makuntento sa meron sila at naghahangad pa nga iba, naiingit.
Eh ano namang tawag sakin?
Guilty!
Guilty ako sa lahat ng yan. Ganyan din ang iniisip ko, pero never kong triny na ibahin ang sarili ko. Maybe, para malaman kong may mananatili sa tabi ko kung ganito lang ako. Ako lang.
Tunog ng bell ang nagpabalik sakin sa huwisyo. Hindi ko namalayang lutang na naman ako. Lilipat kami sa AVR building dahil kailangan yun sa isang minor subject namin na patungkol sa computer.
Nauna ng lumabas sina Ate Cyril at ang iba ko pang mga kaibigan. Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko at sumunod sakanila pababa ng room.
"Zeni!" napalingon ako sa boses ng tumawag sakin. Si Johan.
Lakad-takbo itong lumapit sakin kumaway pa mismo sa mukha ko. "Long time, no see, Zeni. Kamusta kana?" Magiliw na tanong niya. Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko na nauuna na saakin. "Ayos lang ako. Mauna na ako dahil may klase pa kami. Sige." Paalam ko na agad niyang pinigil.
"Teka, saan klase niyo? Hatid na kita." Nakangiting ani niya. Agad naman akong umiling bilang di pagsang-ayon. Hindi naman ako bata para ihatid.
"Hindi na. Baka may klase ka pa at maka-istorbo ako. Bye." Naglakad na ako pero hindi siya nakinig. Sumunod siya at inagaw sakin ang bag na dala ko.
Dumaing siya dahil sa bigat. "Ano bang laman ng bag mo at ang bigat naman. Baka hindi kana tumangkad nito." Reklamo niya na ikinanguso ko. Hindi ko naman kasi sakanya pinapadala, diba? May lakas pa siyang sabihing hindi na ako tatangkad? Hindi naman ako maliit, ah? Kainis.
Ng mapansin niyang tumahimik ako ay agad siyang nagsalita. "Zeni, galit ka? Sorry. What I mean to say is-". Hinarap ko siya at pilig na kinukuha ang bag ko. "Na maliit ako? Matangkad ka lang ng konti sakin. Akin na nga ang bag ko. Hindi ko naman kasi sayo pinapadala, eh." Asik ko.
Bigla naman siyang natawa na ikinakunot ng noo ko. "Ang cute mo po pag galit? O galit ka na ba talaga? Para kang bata na inagawan ng candy. So cute,Zeni." Umiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko.
Ako? Cute? Hindi dapat pinagsasama ang pangalan ko at kung anong magagandang salita. Nagiging ironic.
Tumigil na siya sa kakatawa at naglakad na kasunod ko. Ng tumapat kami sa AVR room ay agad kong inagaw ang bag ko na kaagad din naman niyang binigay. "Sunduin kita after ng class niyo? Sabay tayong maglunch, if okay lang sayo?" Sabay ngiti niya. Umiling ako at walang sabi-sabing pumasok na sa room.
BINABASA MO ANG
Somebody To You
BeletrieA high school girl who seeks attention. Who doesn't care about looks, who wants to be appreciated by who she is not by what she looks like.