"Ma, andito na po ako."
Bumungad sa akin and mesang may nakahanda ng pagkain para sa hapunan. Agad naman akong lumapit sakanila ni Papa at nagmano.
"Magbihis ka na at sabay-sabay na tayong kumain. Tawagin mo na rin ang Kuya mo. " bilin ni Mama saka ako umakyat ng kwarto ko,pagkabihis ay kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Kuya na agad naman along pinagbuksan.
"Kakain na raw, Kuya."
"Susunod na lang ako."
Pagkababa ko ay agad akong naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Masyado akong nagutom sa maghapong klase. Hindi na ako bumili sa cafeteria ng school dahil sayang pa ng ipambibili ko kung meron lang din naman dito sa bahay pagdating ko. Maya-maya pa'y nakita kong pababa na si Kuya gaming sa kwarto niya. Inalok ko ulit sya, at tumango naman sya. Napangiti ako ng magkwento na si Kuya sa nangyari sa trabaho niya na sinasagot naman nila Papa ng pabiro. Ito ang wala sa cafeteria sa school kapag kumakain ako doon, wala ang kakulitan ni Kuya at ang mga tawa ni Mama at Papa sa tuwing nagkukwentuhan kami.
"Ikaw Zyrene, kamusta ang school? Kinukulit ka na naman ba ng pabibo mong kaklase? Sino nga yun?" Kunwari ay inosente si kuya, pero sya itong number one na galit din kay Daryll. Sakanya kasi ako palagi nagkukwento pagkagaling ko sa school, lahat ng mga nangyayari. Bihira lang ang kina Mama dahil baka sila pa ang ma-stress sakin. Ayaw ko namang pati yun ay problemahin pa nila.
"Ano na naman yan, Zyron?" Medyo pagalit na tinig ni mama, nanlilisik ang mata niya. Ayaw niya kasi na napapa away kami lalo na sa school, at palagi ko namang inaalala ko yun dahil lagot ako once na nalaman ni mama na napa away ako. Sinabi ko na lang kay mama na wala lang naman yung kay Daryll, medyo nangungulit lang. Pero ang totoo ay masyado sya ng matanong sa loob ng klase, like every after exams ay lalapit sya sa grupo namin sa likod at magtatanong.
"Ilan ang nakuha mong score, Zyrene?"
Sasagot na lang ako ng totoo pero sa loob-loob ko ay masyado na naman syang conscious sa scores at magiging grades naming. Nahahalata yun lahat ni Mycah, at sya ang palagi kong kausap at isa sa napagsasabihan ko ng tungkol sa ginagawa ni Daryll. Kahit sya ay gigil, at pag sinabi kong gigil, as in to the highest level.
"Nakuuuu talaga,Zyrene. Pag ako talaga napuno na sa taong yan, nakuuu, pigilan mo ako baka hindi na sya sikatan ng araw. "
"Oyy, wag ka ngang ganyan. Hayaan mo lang at ipapakita ko sakanya ang kinalaban niya. Hahahahah" confident na sabi ko habang kumakain ng pancake. Natawa naman si Mycah dahil akala niya ay mas kakampihan ko pa si Daryll. No way, hindi man lang pumasok yan sa isip ko.
Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag presinta maghugas ng kinainan. Natapos ko na ang hugasan ay dumiretso na ako sa kwarto ko at binuksan ang cellphone ko at nag log in sa Facebook account ko.
I click our group chat and ask for the assignment sa is a naming subject. Matapos makuha ang tinanong ko ay agad naman akong gumawa ng preparation para tuloy tuloy na ang kung ano mang mga bagay ang gagawin ko pa. Matapos ang mga assignments ay agad kong binuksan ang wattpad app ko sa phone ko at nagbasa ng works ng paborito kong author. Masyado ko syang hinahangaan dahil sa galing niyang magsulat, at dream ko rin na makita at maka usap sya. Gusto kong humingi ng advice sa pagsusulat ng magagandang stories tulad ng mga sumikat niyang libro. Masyadong pina paikot ang imahinasyon ng nagbabasa kaya minsan, hindi mo alam kung saan niya yun nakukuha.
Maya-maya pa ay namalayan ko na lang na may patak ng tubing sa screen ng phone ko.
"Tsk, ito na naman ako eh, umiiyak na naman sa work of fiction. Kainis, palagi na lang. Kaysa naman kasi horror ang basahin ko, ako lang ang gumawa ng kakatakutan ko. Kung comedy naman, magmumukha akong loka-loka. Haysstt! Para na naman akong tanga dito, nagsasalita mag isa."
Nagpunas ako ng luha at in- exit muna ang application at lumabas sa kwarto upang magtimpla ng gatas. Kailangan ko munang makalimutan yung scene sa binabasa ko, masyadong masakit. Masyadong pinapa mukha sakin ang reality. Napa buntong hininga naman ako habang hinahalo ang gatas.
"Oh, ang lalim nun,ah? May problema ba 'lil sis? Yung si Daryll ba?" Nilingon ko naman si Kuya Zyron, at ngumiti lang ng tipid. Nakita ko ang pagtataka sa mata niya at agad namang lumapit sakin.
"Anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka? Bakit? Naku, masyado ka bang inaapi ng mga kaklase mo?" Pinigilan ko naman ang matawa sa reaksyon ni Kuya. Kumunot ang noo niya dahil don.
"Tinatawa-tawa mo?" Inis na tanong niya.
"Umiyak ako kuya, pero hindi dahil Jan sa iniisip mo. Nagbabasa kasi ako ng wattpad tapos ang sakit ng mga sinasabi ng characters. Tagos to the bones. Ito ang OA." Natatawa pang explanation ko sakanya. Iningusan nya naman ako na ikina ngiti ko na lang. Masyado talagang protective tong si Kuya Zyron.
Nagpa-alam na ako sa kanya na aakyat na uli ako at matutulog na. Siya naman daw ay may gagawin pang report. Pagkahiga ko ay napatitig naman ako sa kisame ng kwarto ko.
"Ano na naman kayang mangyayari bukas? Sana naman maganda na ang kalalabasan. "
"ZYRENE, congrats. Pasok kayo ni Ate Cyril sa top 10. I'm so proud of you my friend. " yan ang bumungad sakin sa room pagkapasok ko. Kumunot naman ang noo ko dahil don, lumabas na yung ranking? At kasabay ako sa top? Agad namang hinagilap ng mata ko si Daryll, well hindi dapat, pero parang instinct ko ng alamin kung ano and reaksyon niya lalo na pag ganito ang usapan. He's smiling, pero nalaman kong hindi siya ang top one, kung hindi si ate Cyril.
I shake my head in my thoughts and faced Mycah. She's smiling and also looking at Daryll pero may something sa mata niya and the way she wiggles her eyebrows. Well, alam ko naman na kung anong tumatakbo sa isip ng babaeng to, its either masaya talaga sya for me or, pinapakita niya through that na, 'sabi ko na't kaya mo yan eh, ikaw pa.'
I just shrugged my shoulders at naupo na sa upuan ko. Naghintay na lang ako ng kung ano pang mangyayari sa maghapon ko."I hope its much worthy."
BINABASA MO ANG
Somebody To You
Ficción GeneralA high school girl who seeks attention. Who doesn't care about looks, who wants to be appreciated by who she is not by what she looks like.