Chapter Fifteen

0 0 0
                                    


Kinaumagahan ay maaga akong pumasok para maiwasan ang tukso nila Mama. Hindi na nga ako nakapag agahan, kaya pagdating ko ng school ay diretso ako sa canteen. I ordered my usual meal, pancake and a cold chocolate drink.

I yawned when I sat down on one of the chairs at agad na kinain ang binili ko. Nilabas ko ang mga notes na kailangan kong aralin dahil may short quiz daw kami ngayon. Habang nagbabasa ay may naglapag ng paper bag na may logo ng isang fast food chain. When I looked up ay si Johann iyon, showing me his wide smile.

"Good morning, Zen. Breakfast." Alok niya. I waved my hands in front of him bilang pagtanggi, but he said, he insists.

"Marami 'to at hindi ko kayang ubusin kaya share na tayo." Sabi niya pa habang inilalabas sa paper bag ang mga pagkain.

"Tsaka kulang yan na kinakain mo. Baka mawalan ka ng energy mamaya for  your class." Dagdag niya pa. Nginitian ko na lang siya at nagpasalamat. Sabay kaming kumain at sabi niya ay magrereview din siya kaya't parehas kaming tahimik.

"Aish, ang hirap naman nitong part na 'to." Dinig kong reklamo niya. Nakakunot pa ang noo niya at parang inaaway siya ng libro. Kumakamot pa siya sa ulo niya pag mali ang sagot niya. When I take a glance at his textbook, it was Science.

I tapped my pen on his book to get his attention. Ng mag angat siya ng tingin ay lukot talaga ang itsura niya.

"Okay ka lang?" I asked. He grabbed his drink and drink it while shaking his head.

"Ang hirap ng balancing equation. May exam pa naman kami about dito." Sabay kamot niya sa kilay niya at iling. Tumingin siya sakin, nag aalala.

"Sorry, naistorbo ko ba ang pagrereview mo?" Agad akong umiling at kinuha ang libro niya. Puro nga yun balancing equation kaya napailing din ako. Sa klase namin ay ito rin ang pinakanahirapan ang iba kong kaklase. Sa unang tingin kasi ay nakakalito talaga.

"Ahm, gusto mo ba ay turuan kita?" Alok ko. Nakita kong nabuhayan siya sa alok ko at naging maliwanag ang mukha niya.

"Talaga? Sige b--"

Tumaas ang kilay ko ng matigilan siya at bumagsak uli ang balikat. Sinilip niya ang mga notebooks na nasa harapan ko rin. "Nagrereview ka rin, eh. Baka ikaw naman ang hindi makapag aral ng maayos." Mahina ang boses niyang ani. Napangiti naman ako at niligpit na muna ang mga gamit ko.

"Ano ka ba? Last period naman 'tong inaaral ko. Pwede ko pang pag aralan mamaya." I assured him. I motion him to look at his textbook kung nasaan ang problem.

"Madali lang naman 'to. Basta tandaan mo lagi na sa smallest coefficient ka lagi magsisimula. Bibigyan kita ng example, simple lang muna." Then I wrote a simple equation on his scratch paper for him to answer.

After some short equation ay unti unti niya ng nakuha kaya ay nakangiti na siya. Hinayaan ko na siyang magsolve at nag aral na rin uli ako.

"Thank you, Zen. Sana makakuha ako ng mataas na score. Thank you." Nakangiti niyang sabi. I just nod at him and then continued on reading.

I heard my phone beeps inside my skirt pocket. Ng tingnan ko ang nagtext ay si Hans yun.

Hans:
You didn't reply oto my text last night. And then I'll see you with that guy, huh?

Nanlaki ang mga mata ko at agad na nilibot and tingin sa lugar. Agad ko namang nakita ang papaalis ng likod ni Hans. I immediately gathered up my things and said goodbye to Johann. Patakbo akong lumabas ng canteen at hinabol siya habang nilalagay sa bag ang mga gamit ko.

"Hans. Saglit lang." Tawag ko sakanya, pero hindi man lang siya lumingon o tumigil. Patuloy ako sa pagtakbo pero siya  ring paglakad niya ng mabilis.

Somebody To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon