Matapos i- announced ang ranking ng buong klase ay na pag pasyahan naming buong barkada na kumain sa cafeteria para daw mang libre yung may mga honors. At dahil Kalahati sa barkada namin ay nakapasok, hati-hati sa libre. Bumili ako ng pancake at ang iba ay sandwich at juice naman. Nagkakatuwaan kami sa pagkain namin ng may marinig kaming sumigaw ng napakalakas."Omy!! Si Queen Jeri! I saw her with a hot guy. Mukhang transferee! Ang gwapo at ang ganda nilang tingnan. They're sooooo bagay!" Makikitang kilig na kilig ito na parang nanonood ng fairytale. Bumalik naman kaming grupo sa pagkain na parang walang narinig. Kailangan bang marinig ng lahat ang gusto niyang sabihin? Masyado naman atang issue na magkasama ang isang maganda at gwapo? Diba dapat ang pinag uusapan ay kapag ang isang maganda o gwapo ay may nalilink na panget? Sabagay, pag nangyari yan, kulang na lang lahat ng galaw mo ay alam dapat ng lahat.
"Zyrene, congrats ulit. Sabi ko sayo at kaya mo yan eh, ikaw naman tong hindi naniniwala sa sarili mo. Sa next quarter lamangan niyo pa si Daryll ng makita niya ang hinahanap niya." Sabay tumawa ng parang kontrabida sa isang palabas.
"Bakit, ano bang hinahanap niya Mycah? Ikaw talaga, hayaan mo, pagbubutihin ko, at dapat hindi lang ako, nating lahat. Pagbubutihin natin at lahat tayo sa susunod may honors na. We are one nga sabi ng EXO." Nakangiting sabi ko. Lahat naman sila ay sumang-ayon sa sinabi ko.
Matapos kumain at agad naman kaming nagsibalikan sa room. Ng dumating ang sunod naming teacher ay agad namang nagsitahimikan.
"Class, may gaganaping event ang school this month and your class was the chosen one to perform for the opening ceremony. Medyo late ng announcement ito, pero I bet you can all do it. The school's trust is on you. I hope you can do it well."
Matapos iannounce yun ay nagbigay na lang si ma'am ng time for brainstorming para sa said event. Agad namang pumunta sa unahan ng klase ai Daryll upang maging head ng brainstorming.
"Guys, narinig niyo naman po yung sinabi ni madam. Kaya sana po, you all cooperate well para sa success nitong project natin." Parang isang tunay na mayor na sabi niya samin lahat. May mga tumango na lang, meron namang binabara lang siya sa sinasabi niya at nagpaparinig pa ng 'pabibo' at meron din namang hindi nakikinig tulad nitong katabi ko.
"Sus, masyado na naman syang matabil. Puro lang naman sya boka, hindi naman kumikilos. " bulong sakin ni Mycah. Nilingon ko naman sya at sinenyasan na wag ng magsalita at baka may makarinig. Issue na naman diba? Umiiwas na nga ako kasi nga, lapitin ako ng issue.
"Hayaan mo sya, ang importante, kikilos tayo during the project, at baka satin pa may masabi." Sabi ko na lang. Nag-usap-usap na lang ulit kami ng tungkol sa gagawin pagkatapos ay naghintay na lang ng next subjects.
Uwian at sabay-sabay kami ng barkada ng makasabay namin sa paglalakad ang grupo ni Jeri. And someone from their group caught my attention, they're with a guy. Unang beses ko itong makitang may kasabay silang lalaki. Is he the transferred student na tinutukoy ng babae sa canteen kanina?
"Kasama na ng grupo ni Jeri si Hans. Mukhang close na sila agad. They're so bagay talaga!" Dinig kong kwentuhan ng mga eatudyanteng nasa likod namin.
I felt my body stiffened as I heard a name. Imposible naman na siya yun, diba? I just let go of the idea of him being here. Hindi niya naman na ako naaalala. Wala na siyang pakialam.
"Siya yung transferee diba? In fairness, click agad sila. Masyado talagang friendly si Jeri." Seriously? Wow, I almost rolled my eyes. Hindi ba sya nabilaukan sa sinasabi niya? Haysstt, well yun yung inaalagaan niyang image niya para sa ibang estudyante, but for me parang laging mainit ang dugo niya. I'm not doing anything wrong. Hindi ko nga sya kaklase eh, nasa strand siya na maraming matatalino, so what's her problem? Hindi naman siya maiingit sakin dahil, kilala nga siya dahil sa beauty and brain siya ng school. Yet, bat ganon siya sakin. I just shrugged my thoughts away and continue walking. Masyadong maingay ang lahat dahil uwian na. Maghihintay na naman kami ng sasakyan dahil maraming estudyante ang palabas.
"San tayo kakain? Dating lugar ba?" Tanong ni ate Cyrill. Tumango naman kaming lahat at ng makahanap ng masasakyan ay agad kaming nagpahatid sa pagkakainan namin.
Ng makarating kami ay agad na umorder ang mga kaibigan ko at ako naman ay pumili na ng pwesto. Ng maka upo na ay agad naman akong natigilan ng makita ko ang grupo ni Jeri na nakupo sa tapat ng table namin. And she's with the same guy. They're talking and laughing like long term friends na nagkahiwalay ng matagal na panahon. Parang nagka-catch up ng mga nangyari sakanila for the past years. I looked at the guy.
Hindi naman siya yun diba? Sa ibang school siya nag aaral. It couldn't be him.
He's not the common type of a guy student. Wearing a rectangular bespectacle and a sparkling earrings on both ears. Clean cut hair and fair skin, pointed nose that matches his lips with a perfect curve. And his eyes, tantalizing eyes behind those glasses, and his thick eyebrows that has a mole on his left one. Para siyang badboy na nerd. But he's really has the feels of someone I know. Or not.
Nanlaki naman ang mata ko at agad napayuko ng lumingon siya sa gawi ko na para bang naramdaman niyang tinititigan ko siya. My heartbeat doubled.
Wait, hindi ko siya tinititigan! I'm just taking a look. Just that!
"Napano ka, Zen?" Tanong ni Amir, ang barkada naming bakla. Siya ang nagpapasaya ng barkadahan kasama niya si Freya kung tawagin namin. But his true name is Fred. I just shook my head as an answer para hindi na sila magtanong pa. We just ate happily habang nagkukwentuhan kami ng mga tungkol sa mga school works at other stuffs. Ng halos patapos na kami ng pagkain, ay napansin kong paalis na rin ang grupo ni Jeri. She clings her arms on the guys arms ng makita niya ang grupo namin na nasa isang mesa malapit sa kanila. She smirked at me ng mapansin niyang nakatingin ako. I just bowed my head.
"Look who's here? Hi my beloved, Zeniah and hi too to your friends." Saka siya plastic na ngumiti. I heard Mycah sneered.
"Para namang totoong friendly!" Sinaway ko naman siya sa pagsipa sakanya sa ilalim ng mesa. I heard her groaned, at ng tingnan ko si Jeri ay umiirap pa siya. Ng mabaling ang tingin ko sa kasama niya ay halos mapatalon ako sa inuupuan ko ng makitang nakatingin din siya sakin. Wait, sakin? Nakatingin siya? Agad naman akong napayuko para umiwas ng tingin. Nalintikan na! Why does it have to be him? Really?
"Well, Zen, enjoy the foods. We'll get going na. I'm going to tour Hans pa kasi eh. Bye. See you sa school guys." Paalam niya showing us her fake smile. Ng naka alis na sila ay agad namang nagpasaring si Mycah.
Napabuntong hininga naman ako. I'm doomed, I guess?
Yung dalawang bakla, ayun nanghahampas na naman ng katabi. Naku buti na lang at hindi ako ang katabi nila ngayon. For sure, kinikilig na naman sila dun kay Hans. Kesyo raw gwapo at ang hot daw. Umuusok ba siya para maging hot? And wala na silang bukambibig kundi Hans. Basta talaga mga 'menchu' ika nga nila, ang bibilis ng reaction. Hindi lang sa mukha tumitingin, pati na rin sa 'down there'. Napa-iling nalang ako at nakitawa na lang sa kanila. Ng matapos kumain ay agad na kaming sumakay pabalik ng school para na rin doon na magpahinga at i continue ang daldalan namin.
Habang nagpapahinga ay inopen ko ang phone ko at nagdecide na magbabasa na lang ng story sa wattpad. Ito naman ang palagi kong ginagawa pag free time dahil hindi ako mahilig makipag kulitan sa iba naming kaklase lalo na kung hindi ko naman sila close masyado. Pero ngayon, gusto ko lang ng may pagbalingan ng iniisip. Too much thinking makes my head hurts.
Nakikipag usap lang talaga ako sa grupo namin, pero kung connected sa acads, nakiki-cooperate naman ako.
"Uyyy Zen, wattpad ka na naman! Naku, kaya ka hopeless romantic eh!" Nahuli na naman ako ni Amir. Pinabayaan ko lang siya sa tabi ko dahil hindi naman yan nang iistorbo at may sarili rin yang mundo pag nagcecellphone.
Hopeless romantic! Yes, I'll admit ganon nga ako. Pano namang hindi, eh wala man lang na nagkakagusto sakin. Hindi naman sa desperada ako sa attention ng mga lalaki, pero naiinggit lang ako sa mga babaeng magaganda dito sa campus.
They can get all the attention, gusto man nila o hindi, ng hindi na sila nagpipilit o gumagawa ng kahit anong paraan para lang mapansin. Just by simply looking at their beautiful and goddess like faces, they can be appreciated, instantly. Kahit wala silang ginagawa ay marami na agad na nagmamahal sakanila. While me, I'm just here on one corner, watching their fairytale like life. I know its not right, but I feel envious.
I can feel the character of the story that I'm reading, she's also suffering from unfair judgements of the society because of her looks. Nakakalungkot man isipin pero totoo yun na nangyayari ngayon. And I hope mabago pa yun. Kahit papano.
BINABASA MO ANG
Somebody To You
Ficción GeneralA high school girl who seeks attention. Who doesn't care about looks, who wants to be appreciated by who she is not by what she looks like.