"Zeni, good morning!"I walk as fast as I can para makalayo agad sa building ng STEM. Palagi naman, kada darating ako ng school ay mabilis ang lakad ko pag nasa tapat ako ng STEM Building. Ewan ko. Siguro, alam na talaga ng katawan ko ang dapat na gawin, lalo pa't STEM student si Jeri. Masyadong mainit ang dugo niya sakin na pag nakikita niya ako ay parang may nakapaskil sakin na, 'Enemy Spotted' at handa siya laging awayin at guluhin ang araw ko.
But now, its not the reason kung bakit nagmamadali ako. I looked behind me and saw that guy following me. Ano na nga ang pangalan niya? I already forgot dahil una at huli naming pagkikita yung sa canteen. Masyadong naging busy, at hindi na ako makahanap ng time para bumili ng pagkain dahil narin sa dami ng required outputs.
Not that I'm complaining, its just I'm telling the truth.
I get my earphones inside my bag and put it on kahit walang music. Kunwari ay hindi ko siya naririnig. Yes, Zen. That's where you're good at.
"Zeni! Yuhoo, notice me please!" He shouted out. I just bowed my head and continued walking.
Ang kulit din ng lalaking to ah? I don't know him,or maybe yes, because of that one time.
And Zeni? What the heck, new nickname? At masyadong babae pakinggan.
I heard loud footsteps, ibig sabihin ay tumatakbo siya. I tried to run but to no avail, he already grasped my elbow. I flinched and glared at him. And there, he's just smiling.
"What do you need?" I asked silently glaring at him. Tumawa siya at huminga muna ng malalim dahil galing siya sa pagtakbo. "What?" Tanong ko ulit.
Umiling lang siya at ngumiti. Hindi ko maintindihan kung anong tama sa utak ng lalaking to. Matagal na mula ng magkakilala kami sa canteen and still, heto pa rin siya at kinukulit na naman ako.
Bumuga ako ng hangin saka siya hinarap ng maayos. "Kung wala ka naman palang sasabihin, pwede, excuse me na lang? Male-late ako sa klase k-"
Agad niya akong pinutol sa sasabihin. "Then, hatid na kita. Saan ba room mo?" Nakangiti paring tanong niya.
Napapadyak ako dahil sa inis. Ano bang trip nito talaga? Naiinis na ako, huh?
"Just, stop. Okay? Hindi nakakatuwa ang trip mo." Then I turned my back at him and run as fast as I can. So early to be pissed, Zen. Calm down.
Hinihingal pa ako ng makarating sa room. Ng tumingin ako sa likod ko ay hindi naman na siya nakasunod. Thank God.
Nagpatuloy ang mga sunod na araw ko ng ganoon. At naalala ko na ang pangalan ng lalaking makulit, it's Johan. STEM student din siya pero hindi kaklase ni Jeri at Hans.
"Nak, magkano nga uli yung hinihingi mo? Tsaka, para saan nga pala yun?" Nagbibilang si mama ng pera sa mesa ng tinanong niya yun.
Lumapit naman ako at pasimpleng binilang ang hawak niyang pera at kunwaring inalala ang sinabi ko noon. "Ah, Ma, bayad ko na pala yun." Pagsisinungaling ko. Pinangunutan niya naman ako ng noo.
Hinawakan ko pa ang kamay niya para maniwala. "100 lang naman Ma, may ipon ako noong nakaraang linggo, yun na yung pinambayad k-"
"Yan." Sabay abot niya sakin ng isang isang daang papel at dalawang singkwenta. "Ma! Ano to?" Pagtataka ko.
Tumango na lang siya sakin. "Pamalit dun sa ipon mo. Ipon mo yun, kung ano pang mabibil-" mabilis kong pinutol ang sasabihin niya at binalik ang pera.
"Ma, pandagdag na lang yan dito sa bahay. Ayos lang po, sa school ko naman ginamit yung pera kesa sa kung saan." I sighed.
"Inyo na po yan. Makaka-ipon naman po ako ulit, eh."sabay ngiti sakanya.
BINABASA MO ANG
Somebody To You
قصص عامةA high school girl who seeks attention. Who doesn't care about looks, who wants to be appreciated by who she is not by what she looks like.