Chapter Thirteen

0 0 0
                                    


"Date muna tayo."

Gusto kong umiling pero hindi ko nagawa. Walang lumabas na boses sa akin hanggang sa namalayan ko na lang na nakasakay na kami ng tricycle at papunta na sa sentro.

"Zyrene. Okay ka lang?" Tanong niya. Tahimik na tumango ako at hindi na ako nagsalita.

Inaaya niya akong magdate? Akala ko ba ihahatid niya lang ako? Ba't may pa-date siyang nalalaman?

"Zy, saan mo gusto kumain muna?"

"Di- Diretso na tayo pauwi. Baka hanapin na ako nila Mama." Rason ko. I saw him on my peripheral vision na parang disappointed siya dahil sa sinabi ko. Mariing napapikit ako at sinisi ang sarili ko.

Gusto mo rin naman, arte pa kasi.

"I-Ikaw na bahalang p-pumili." Bawi ko sa desisyon ko kanina. Ng sulyapan ko siya sa gilid ko ay may tipid na ngiti sa mukha niya. Ng makababa na kami ay siya ang nagbayad ng pamasahe, at agad na hinila ako papasok sa isang fast food chain na sikat dahil sa pulang bubuyog na icon nito.

"Anong gusto mo?" Tanong niya habang nakatingin siya sa taas ng counter kung nasaan ang mga menu. Alam ko na kung ano ang gusto kong kainin the moment na pumasok kami dito. Kaso, nahihiya akong magsabi. Tatanggi- tanggi ako kanina tapos biglang magtuturo ng gustong pagkain. Sobrang baliktad talaga ng pag-iisip ko.

"K-Kahit ano na lang. Ikaw na bahala." Safe kong sagot. Alam ko namang masarap lahat ng pagkain dito kaya kahit anong order-in niya ay okay na ako.

Nagpaalam ako sakanya na maghahanap na ako ng upuan namin dahil talagang dagsaan ang mga tao pag ganitong uwian. Ng makahanap ako ay sa taas yun, dahil puno na ang mga upuan sa baba. Mabuti nga at may kakatapos pa lang kaya agad na akong lumapit at ini-reserve ang pwesto. Saktong pag- alis ng isang crew na naglinis ay siyang pagdating naman ni Hans dala ang pagkain namin. I stand up to help him but he just motioned me to sit down.

Ng mailapag niya ang dala niyang tray ay agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa dami ng order niya. I looked at him in awe and he just smiled at me.

"Sorry, hindi ko kasi alam kung anong gusto mo kaya...medyo dinamihan ko na."

"Medyo? Medyo lang 'to?" Hindi ko na napigilan at nasabi ko ang nasa isip ko. I heard him chuckling and when I looked at him he stop and just scratch his eyebrows. Parang nahihiya. He removed the food on the tray and give it to me. Kada lagay niya ay naaamoy ko at napakasarap niyon.

"Eat. You're to skinny." He said while handing me the foods. I pouted and glared at him. He just playfully smirked.

"Nagsalita ang mataba. Nakakahiya naman sayo." Sagot ko, kunwaring nasasaktan.

"Just eat, Zyrene."

Pinagbuksan niya ako ng sauce para sa fries at siya rin ang naghalo ng spaghetti ko. Balak niya pa sanang ipaghimay ako ng chicken pero pinigilan ko na.

"Kaya ko na. Hindi naman ako disabled." I said.

"But I want to serve you. Just let me do these things, okay?" Then he showed me his perfect smile.

"Pero, kasi..." Hindi na ako nakapagreklamo ng isubo niya sakin ang isang piraso ng fries. Automatic na umigkas ang kamay ko para paluin siya dahil sa ginawa niya, pero imbis na magalit ay tinawanan niya lang ako.

"Kaya ko na sabi, eh."

"Gusto ko ngang gawin to sabi, eh." Pang gagaya niya sa tono ko. Pinigilan ko ang mapa- irap dahil sa ginagawa niya. Ako ang nahihiya, eh. Ang daming tao na nakakakita at parang wala lang sakanya. Gusto kong takpan ang mukha ko pero hindi ko magawa.

Somebody To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon