Chapter Fourteen

0 0 0
                                    


I really went home alone. Akala ko pa naman ay babalikan niya ako doon, but he did not. May konting tampo at hindi ko talaga siya tinext. Pero, ni hindi rin sina nagtext sakin. Kahit sorry dahil naiwan niya ako. Para akong baggage bag na naiwan doon, ah?

Naalala ko yung huling sinabi niya. About me, being beautiful when shy. Seryoso siya? Pinaglololoko ako ng lalaking yun.

"Oh, nak, andyan ka na pala. Wala kang hatid?" Nakangiting tanong ni mama. Umiling ako at saka naghanap ng pagkain. Ginutom ako dahil sa pagtatampo ng lalaking yun.

"May meryenda po, Ma?" Tanong ko. Sinagot ako ni mama ng, "wala" kaya napasimangot ako. Hinimas ko ang tiyan ko at kumuha ng pera para bumili. Hindi pa ako nakakapagpalit ng uniform, mamaya na lang. Nagpaalam ako na bibili dahil nasa labas si mama.

Paglabas ko ng bahay ay natigilan ako dahil nandoon si Hans. Still on his uniform and holding a paper bag from the fast food chain we always eat. Alam ko na ang laman noon pero tinanong ko pa rin siya.

"Ano yan?"

Itinaas niya ang paper bag hanggang sa mukha ko. " Peace offering. "

Napataas ang kilay ko dahil hindi siya tumitingin sakin.

"Bakit may peace offering?" Tanong ko, kunwari ay hindi alam.

"Dahil may ginawang mali." Sagot niya naman. Kinuha ko na ang paper bag at niyakap. Sakto gutom na ako. Pero, aasarin ko muna 'tong taong 'to.

"So, may ginawa kang mali kaya may peace offering ka?" Pangbubuyo ko pa. Nakita kong nagsalubong ang mga kilay niya at ang pagkunot ng noo niya. Hindi pa rin siya nakatingin sakin, at nasa gilid niya lang ang ulo niya. Hindi kaya siya magka-stiff neck sa arte niyang yan?

"Kung mali na ang magselos, then, oo may ginawa akong mali." I gaped at him and when he stared at me I saw how his eyes turned sad. At parang nakita ko pang natakot siya. I don't know kung bakit.

Yung balak kong asarin siya ay hindi ko na ginawa, baka bawiin niya 'tong pagkain. Gutom na 'ko.

Tumikhim ako at tumingin uli sakanya. "Sorry din at naiwan kita. Its just that, masyado lang kasi akong nainis doon sa lalaking yun. Sorry."

"Tss, walanghiya ka. Nagulat ako ng iniwan mo ako. Naghintay ako na bumalik ka kasi baka matauhan ka, pero hindi. Bukas, uuwi akong mag-isa." Pananakot at pangongonsensya ko pa.

He took a step closer to me that shock me.

"Sorry na, Zy. Its just that, I'm jealous, okay? I didn't mean that. Please, sabay na lang uli tayo bukas, hmm?" Paglalambing niya. This guy, alam na alam niya kung paano ako pa-oohin , huh.

"Psh. Sige na. Basta, sa susunod na iwanan mo ako-"

"That was not intensional." Pagpuputol niya sa sinasabi ko.

I sighed,"Okay po. Basta next time na mangyari yun-"

"That will never gonna happen again." Putol niya ulit. I glared at him at tinawanan lang ako ng lalaking 'to.

"Patapusin mo ako kung hindi--"

"Opo. Opo. Makikinig na." Then he laughed.

"Basta next time, if ever naiwan mo ako ulit, hindi na tayo magsasabay the next day, the next next day, and the next next next day, and-"

He stopped me from talking by putting his index finger on my lips. Nanlaki ang mga mata ko at talaga ng natigil ako. Even him. Agad niyang naalis ang kamay niya at umiwas ng tingin.

Kamay niya lang naman yung dumikit sa labi ko pero grabe na ang kana ng dibdib ko. I feel my face heated kaya napa-iwas din ako ng tingin ng sulyapan niya ako.

Somebody To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon