Chapter Twelve

0 0 0
                                    


Tumila na ang ulan pero nandito parin kami sa likod ng building na 'to. Nakasubsob ang mukha ko sa parehong tuhod habang siya naman ay naka-upo sa tabi ko at nananahimik lang.

Tumigil na rin ako sa pag-iyak at hinayaan lang niya ako kanina na umiyak. Nakakahiya man na nakita niya ako kanina pero hindi ko na napigilan. I have kept it for almost  three years at siya pa ang nakakita sakin. At siya pa ang dahilan.

Maybe this is the right time para mag-usap kami. Masyado ng mahaba ang tatlong taon para pagbigyan ang isa't isa na manahimik.

"Are you okay now?" He asked lightly but still not looking at me. Tumango ako ng marahan at hindi pa rin nagsalita.

Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan. Nagpapakiramdaman lang kaming dalawa kung sino ang magsasalita. Tumikhim ako ng may maalala.

"S-sorry mga pala dahil sa k-kagabi." Nasabi ko na lang. Nauutal pa dahil sa kaba at hiya.

He looked at me sideways and said, " Don't be, kasalanan ko naman. Binigla ba kita?" Concern was etched on  his voice.

Natahimik ako at hindi agad nakasagot. Nabigla nga ba ako? O inaasahan ko na 'to?

"Huwag mo ng problemahin yung kagabi." He said, assuring that he doesn't care at all. "But please don't tell me to forget you,Zy." I gasped with what he asked for. I didn't see that one coming. Hindi ko akalaing hihilingin niya yun.

Tumikhim ako para alisin ang munting bara sa lalamunan ko at para i-divert ang topic.

"Itong n-notebook. Sayo ba 'to galing?"

He nodded and let out a breath. "Dala ko yan lagi. Naghahanap lang ako ng tiyempo para ibigay sayo." He explained. I tried to look at him at nanlaki ang mata ko ng makasalubong ko ang tingin niya. Para akong nasamid kahit walang kinakain.

Binalik ko ang tingin sa notebook na nasa  kandungan ko at pinaglaruan ang cover noon.

"Bakit mo ginawa 'to? Para saan?" Tanong ko. Matagal bago siya nakasagot.

"Remembrance. That notebook always remind me that I have been with someone like you before." Naramdaman kong lumingon siya sakin at kita sa peripheral vision ko na nakangiti siya.

"Ayokong makalimutan na kahit papaano, naging parte ako ng buhay mo." Napasinghap ako at nakagat ang loob ng pisngi ko. Feeling ko namula ata ako. Iniwas ko ang mukha ko at lumingon sa kabilang banda.

"Yung mga sulat ko ba? Nasayo pa rin?"pagbabakasakali niya.

Natahimik ako at yumuko, senyales na guilty ako,"S-Sinunog ko na." I gulped and tried to look at him again. "G-Galit ka ba?"

"No. Its up to you kung anong gusto mong gawin sa mga yun. Tulad na lang ng akin, ginawa kong remembrance yung mga sulat mo."

"Salamat." I can't help but to voice out. I feel him stiffened and stare at me.

"Salamat sa lahat! Kahit nagalit ako, hindi mo kailangang magpaliwanag lagi. OK la-"

"But still, I want to explain. Alam kong rason ko ang hinihintay mo, pero hindi ko maibigay. Maybe, this is the right time t-" I cut whatever his gonna say. I faced him and show him how I disagreed with what he wanna say.

"Look, okay lang. Maybe the right time is not now. Para kasing feeling ko, napipilitan ka dahil sa inasta ko kagabi. Gusto ko marinig ang explanation mo at your own pace. Hindi na kita pipilitin. Take your time, Hans. Its fine." I assured him. I saw his lips stretched into a smile.

"You know what, you always got me stunned  when you say my name. It sounds nostalgic, like how you called me before."

My lips parted and I automatically stand up. Nagpagpag pa ako ng uniform ko at natatarantang nilingon siyang naka-upo pa rin.

Somebody To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon