Chapter Eight

1 0 0
                                    


In this world full of hypocrites, you really need to be beautiful to be accepted, and not to be bashed. Marami kasi talaga ang tumitingin sa panlabas lang na itsura, leaving behind your true beauty in the inside. Masakit man isipin, but that's the truth.

People always says that looks doesn't matter, as long as you have a good heart. Well, sana mga sincere sila sa mga sinasabi nila. Hindi yung hanggang salita lang sila. Masyado silang maraming pinapaasa. In the end, hindi man nila sinasadya, they can hurt someone.

Sa loob ng isang buwan ay marami ang nangyari na hindi talaga maiiwasan. Si Daryll parin naman ang top sa klase namin at sumunod lang kami ni Ate Cyril. Pero ayos lang yun dahil mataas naman ang nakuha kong mga grades, ayos na ako dun. Kung baga, bonus na lang yung nakasabay ka sa top.

Naibigay ko naman na kay Kuya Zyron yung regalo ko, noong unang bukas niya ay Salonpas ang nakuha niya, yun kasi ang naisip ko dahil nakikita ko siyang iniinda nag likod at batok niya. Pero syempre, yung totoong regalo ay isang personalized mug na may picture niya. Wala na kasi akong maisip. Well, at least sabi nga, its the thought that counts.

Nawala ako sa malalim na pag iisip ng marinig kong tinatawag ako ni kuya. Inaaya niya akong gumala dahil day off niya ngayon. Agad naman akong nagbihis dahil baka magbago pa ang isip niya.

Ng makarating kami sa sentro ay agad naman muna kaming namili ng makakain. Hindi pa kami kumakain ng umalis kami sa bahay dahil hindi nakapagluto si mama.

"Anong pumasok sa isip mo Kuya at nag-aya ka? Pero, thank you huh!" I smiled and continued eating the ice cream that we bought.

Sabi niya ay trip niya lang daw na lumabas kami dahil namiss niya raw ako. Sowss, if I know gusto lang maghanap ng chix nito ni Kuya. Wala pa kasing gf yan dahil syempre, sabi niya nga, family first daw muna.

Kuya Zyron's physical looks is good. Syempre, Kuya ko yan kaya pagbibigyan ko na diba? Pero, seriously, Kuya has good looks. Lean lang ang katawan niya, sakto lang ang mga muscles niya na nasa lugar naman. Ang height niya, siguro mga 6 flat. Habang ako naman, siguro hanggang dibdib niya lang. Madaya.

He has light aura na dahilan kung bakit hindi naman mahirap pakisamahan. Ang mga mata niya ay kulay brown na parang laging nakangiti kahit anong gawin niya. Makapal naman ang kilay niya at ang labi niya ay manipis na pinkish.

While me, thick lips, has small amount of acne scars on my cheeks na medyo nagpapa-pula ng mukha ko. Bilugan naman ang mata ko at kulay itim. Ang buhok ko na medyo kulot ay hanggang bewang ko, pero kahit kailan ay hindi ko hinahayaang nakalugay. Masyadong mainit at medyo buhaghag.

Minsan naiisip ko na hindi ko kapatid si Kuya Zyron. Masyado kasi siyang guwapo, pero ng makita ko ang birth certificate niya ay naniwala na ako. Pinagalitan pa nga ako nila mama dahil bakit ko raw pinagdududahan si Kuya. I just said sorry.

Kaya nga nagtataka rin naman ako kung bakit walang masyadong nagkakagusto kay Kuya, like kawalan na nila yun, no? Ang bait kaya ni Kuya, may trabaho, bonus na lang yung mukha at katawan niya. Pero siya na mismo nagsabi na family first nga raw muna.

So this time, sinabihan ko siya na magfocus naman muna siya sa sarili niya.

But let's try, baka naman meron.
And now, I'm trying to scan the place. I just cringed dahil wala naman ditong pwedeng mai- link kay Kuya. Halos lahat may boyfriend na kasama. Kung hindi naman ay, mga binabae ang nandito.

Sinubukan ko uli na lumingon-lingon sa paligid. Pero, may nakita akong hindi masyadong klaro sa paningin ko.

"Is that Mycah?" I asked myself. May kasama siyang lalaki, at hindi ko makita dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. I just shrugged my shoulders at hinayaan na lang muna sila. Baka yun yung sinasabi niyang manliligaw sakanya. Well, masaya ako para sa kanya dahil parang mas nagiging jolly na siya this past few days. Jolly na siyang dati, pero mas naging mas masayahin siya ngayon.

Somebody To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon