Bumubulong-bulong pa ako habang naglalakad pabalik sa room matapos ng scene ni Hans sa may hagdan.
Really, hindi ko yun nagets huh? Bat naman ako maa-upset? What will make me upset? Napa iling na lang ako at hinayaan na lang yun. Pero ng matapos ang lahat ng period namin at makita kong mag-isa si Hans ay naalala ko na naman yung sinabi niya.
"Its not what you think. Don't be upset."
Hindi ko namalayang nakahawak na pala sa braso ko si Mycah at hinihila na ko palakad.
"Wait, si Hans ba yun, friend? Bilis, baka makasabay uli natin sa sakayan pauwi." Tumatawang hinila niya ako hanggang sa magtapat kami.
"Hi Hans. Pauwi kana?"
Tumango naman siya.He glance at us, at dumapo naman ang tingin niya sakin. I raised an eyebrow.
At dahil sa hindi ko na kayang matagalan ang titig niya ay hinila ko na si Mycah para mapabilis ang lakad namin.
Sana naman hindi siya makahabol, no?
"Nakita ko yun friend huh!? Grabe yung titigan, masyadong malagkit." Nalukot naman ang mukha ko sa ginamit niyang word. Malagkit na tinginan? Just what the hell?
"May pagtingin na ba? Magpapamisa na ba ako?" At humalakhak siya na kinalingon ng ibang kasabay namin na naglalakad palabas ng school. I just glare at her to silence her pero she just giggles. Napabuntong hininga naman ako.
I think I got another insult. How I hate how my mind understand what they want to say.
Nanahimik na lang ako sa buong oras na pauwi kami hanggang sa makababa na siya sa bahay nila. She looked at me, trying to find out kung bat nanahimik ako. I just waved my hands as a sign of farewell at para hindi na rin siya magtanong.
Sa mga sumunod na araw ay mailap na ako sakanila, lalo na kay Mycah at Amir. Ewan ko, inaatake na naman ata ako ng mood swings. Nandyan yung nauuna talaga akong umuwi sa buong barkada, walang paalam kahit kanino. I put on my earphones at diretso namang uwi. Hanggang sa isang araw ay napansin kong nagtatry si Amir na kausapin ako, well pinansin ko naman siya but not to the extent na gaya ng dati. That day ay umuwi parin ako ng mag-isa.
Siguro dapat masanay na rin akong umuwi ng mag-isa talaga. Pero, I need to open up to them. Ayoko naman ng nasasanay akong mag-isa hanggang sa wala na talagang babalikan, at ako na lang talaga.
"Zyrene!" Napalingon lingon naman ako dahil may narinig akong tumatawag, and I saw Hans, running towards me.
Anong kailangan nito?
"Are you going home already?" Tanong niya na obvious naman na ang sagot. I just nod my head and continued walking. Nakasunod naman siya sakin.
"Hindi mo ata kasama sina Mycah? Nauna na ba sila?" Pagtatanong niya.
I answered him with a shrugged. Ayokong magsalita. Binilisan ko na lang ang lakad ko para mapang iwanan ko siya, pero too bad, mahahaba ang binti niya kaya nahabol niya ako.
Ano bang kailangan nito?
"Can I just come with you?" Paghahabol niya. I just bowed my head dahil nakikita ko ang tinginan ng mga ibang estudyante sa part namin. Well, hindi ko siya pinapahabol sakin. Its his will.
Ng makalabas ng school ay agad naman akong naghanap ng sakayan at sinabi kung saan ako bababa. And I thought na naiwala ko na siya pero, ayan siya at katabi ko pa.
Ano bang trip nito sa buhay? Trip niya ba kong paglaruan? How I hate history, really!
Ng makababa sa sentro ay naglakad naman ako papunta sa parada ng sasakyan namin pauwi. Tsaka ko lang naalala na pareho nga pala ang ruta namin. What a day!
BINABASA MO ANG
Somebody To You
Fiction généraleA high school girl who seeks attention. Who doesn't care about looks, who wants to be appreciated by who she is not by what she looks like.