"Bro dahan dahan ka ngang magdrive !" . Sigaw ko sa kaibigan kong si Lucas .
Its 12midnight pero nandito pa ren kami sa daan galing sa gimikan ,at ang ganitong lakad namin ay tiyak aksidente ang kahihitnan .
"Relax bro ! chill lang kayo okay" .
"Putsa ! mag ingat ka bro baka maaksidente tayo" .
Sumasakit ang sentido ko , galing kase kami sa isang bar somewhere in Alabang . At napasarap ang inuman . Well yung dalawang kasama ko halatang malakas yung tama pero ako slight lang , kaya pang umuwi .
"Bro , wag mong isagasa yung kotse ko ah . Mapapatay ako ng erpat ko!" . Si Aldwin na nag aalala sa kotse niya .
"Wait bro ! dahan dahan ka muna sa pagdadrive , nakikita niyo ba yung nakikita ko ?" .
Nagtataka silang napatingin sa tinitingnan ko , halatang nawala din ang amats nila . Binagalan niya nga ang pagmamaneho pero halata ang takot sa mga mata nila .
"Tang ina , white lady ba yun tol" .
"Gago ka ba ? urban toh tol ! paanong magkakawhitelady dito ?" .
"Eh bakit ang creepy ng itsura niya ? At naka all white pa talaga" .
"Bagalan mo yung takbo Lucas" . Maging ako may nahihiwagaan din sa nakikita naming babae . Sari saring tanong ang nasa isip ko . Sa kalaliman ng gabi pagala gala siya sa kalsada , paano kung mapahamak siya .
"Bro , pumapara siya anong gagawin ko?" . Takang tanong ni Lucas .
"Wag mong hihintuan baka modus yan , bro mahirap na ayokong mapahamak tayo".
Nang tumapat kami sa direksyon ng estranghera ay dali dali kong ibinaba ang bintana ng sasakyan , kahit sinasaway ako ni aldwin ay hindi ko siya pinakinggan . At doon nga tumambad sa mga mata ko yung mala anghel na itsura ng babae . Maging sila Aldwin at Lucas ay napasinghap sa kagandahang nakatambad saming harapan .
"Pwede ba kong makisakay ?" . Malambing na pakiusap ng babae , sinabayan pa neto ng pagpungay ng mga mata .
"Oo naman , san ba punta mo?" . Si Aldwin na walang pag aalinlangang pagbubuksan na ng pinto ang babae .
Napakatarantado , samantalang kani kanina lang ay naghehesitate pa silang hintuan ang babae .
"You can hop in , hatid ka na namin" . Si Lucas na anlawak ng pagkakangiti sa babae . Nagpapacute pa ang gago .
"Teka nga , malay ba naten kung holdaper tong babaeng toh , tapos may mga back up na nakatago" . Mabilis kong isinara ang pintuan ng sasakyan pero nanatiling nakabukas ang mga bintana . Ako naman ngayon ang praning .
"Ang harsh mo Dave ! may holdaper bang ganyan kaganda " .
"Gago , malay niyo ba . Marami ng ganyang ngayon" . As much as i want ayoko siyang pasakayin sa sasakyan . Mahirap na .
"Hindi siya papasang holdaper , anghel na nalaglag sa lupa pwede pa" . Patuloy na pagsasalita ni Lucas habang nakatitig sa babae .
"Bakit ka ba pakalat kalat sa lansangan ?" . Asik ko sa kanya .
"May pinuntahan kase akong party , eh inumaga nako kaya wala nakong masakyan." .
Bakit ba ang lambing ng boses niya ?
"Kanina pako pumapara , pero ni isa walang gustong pasakayin ako" . Malungkot na turan nito .
"Ah kaya lakas loob kang pumara samin , dahil alam mong hihintuan ka namin" .
"Magaling kang mangatwiran miss ah" .
"Ganyan ba yung bagong modus ngayon ?" . Natatawa kong sabi .
"Hindi ako masamang tao , kung ayaw niyong pasakayin ako . Okay lang" . Bakas sa mukha niya ang panghihinayang .
"Ang sama mo Dave" .
"Kotse ko kase toh eh ! kaya ako magdedesisyon kung dapat ba siyang sumakay o hindi" .
"Tanungin niyo muna ako bro" . Si Aldwin na natatawang nagpapaliwanag samin .
Bumuntong hininga lang ako sa kanila .
"Tama naman si Aldwin bro" tapik sa sa balikat ko ni Lucas .
"Lucas also agree , sorry bro mag isa ka lang eh . Majority wins" .
"Sakay ka na miss" .
At dali daling binuksan ni Aldwin ang pintuan ng sasakyan at lumipat siya sa tabi ni Lucas , ako at ang babae lang ang nakaupo sa likuran ng sasakyan .
Nginitian ako ng babae ng magtama ang paningin namin .
"Ahm miss taga san ka ?" .
Halatang nagulata ang babae sa tanong ni Aldwin .
"Pakibaba nalang ako sa madadaanan nating convenient store" .
Convenient store ? Wala bang bahay tong babaeng toh !
"Exact Location nalang miss , para doon ka na namin ihahatid" .
"Sa convenient store nalang , bahala nakong umuwi" . Nakangiting tugon nito .
Bakit ang sweet lang ng mga ngiti niya ? Hindi ba siya aware na halos lalaki ang kasama niya sa sasakyan ? Paano pala kung rapist kami e di napahamak na siya .
Tskk , napakabilis magtiwala .
Iniiwas ko ang tingin sa kanya , at napadako ang mga mata ko sa sahig ng sasakyan . Tama ba yung nakikita ko ?
Wala siyang suot na sandalyas ? O sapatos kaya ? .
Saang lupalop ba galing ang babaeng ito ?
Weird ! at nagsimula nakong mag isip ng kung anu ano .
Anong klaseng babae ba ito ? Dis oras na nang gabi pagala gala padin .
Kapag napapatingin ako sa kanya ay wala kong nababakas na takot sa mga mata niya .
Paano nalang kung sa mga gagong lalaki siya nakasakay edi kawawa siya .
Yan ang hirap sa mga babae eh ang bilis bilis magtiwala .
Kaya andami reng babaeng napapahamak .
"Diyan nalang ako sa tabi ." .
Nagtataka man si Lucas ay inihinto niya ang sasakyan .
"Sigurado ka miss ? Pwedeng pwede ka naming ihatid .
"Okay nako dito" .Pagkasabi neto'y agad na itong bumaba ng sasakyan .
"Salamat sa inyo" . At ngumiti ito ng pagkatamis tamis na naging dahilan para tumaas yung mga kilay ko .
At doon nga namin siya iniwan sa isang convenient store . Weird ! .
"Ang ganda pare , mukhang inosente pa" . Palatak ni Lucas .
"Sayang hindi nagpahatid , chixx pa naman sana" ..
"Ang weirdo nga eh , palibhasa kase basta babae kahit weirdo papatusin niyo" .
At nagtawanan sila .
"Yun nga lang anong pangalan ?" .
Pangalan ? Pangalan ? Putsaaa halos isang 30minuto naming kasabay ni hindi man lang namin alam kung anong pangalan .
Teka ba't interesado ka ? Akala ko ba sabi mo weirdo ? kastigo ko sa sarili ko .
Estranghera eh
Oo tama Estranghera siya ..
----
Hi dks 💖
Here's my 2nd story .
Although hindi pa tapos yung Muntik na kitang Minahal ay nagdecide akong gawin na din toh ❤ .Hope you liked it 💖