Bago ako tuluyang bumalik sa bahay ay chineck ko muna ang damit na hiniram ko . Dalawang pajama , tatlong blouse , apat na dress at mga bagong underwear ang nakalagay sa plastic .
"Gusto ko ng makilala ang nobya mo iho" . Nakangiting bigkas saakin ni Yaya Iska .
"Salamat po dito Ya, pakisabi naLang po kay Sandra" .
"Medyo nagamit na ni Sandra yung mga damit pero yung mga panloob lahat yan bago" .
"Samahan na kitang bumalik ng resthouse Dave , madaling araw na ren naman para maipagluto ko na kayo" .
"Salamat po talaga Ya , mukhang kelangan ko nga ho muna kumain bago ako bumalik ng Manila" . Sa nasabi ko ay agad akong napag isip , hindi ko nga ba yayayain si Margaux na sumama ? Iiwan ko nga lang ba siya dito sa Tagaytay ?
"Iiwanan mo ang nobya mo dito iho ? " . Takang tanong ni yaya iska .
Wala akong maisip na sagot kung kaya't napangiti na lamang ako .
Kung bakit naman kase hindi ko magawang itanggi siya .
--
Ng pumasok ako sa silid ay mataman ko siyang tinitigan , bakas ang pagod sa mukha niya pero hindi yun nakabawas sa angkin niyang ganda . Tila may nagtutulak sa akin na haplusin ang mga pisngi niya ngunit natigil yun ng bigla siyang dumilat . Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkabigla .
"I'll just came here to give you this" . Sabay baba ng mga damit na ipinahiram ni Yaya Iska . Ngunit nanatili siyang walang imik .
"You can talk , hindi ka naman siguro pipi !" . I rolled my eyes sa inis sa kanya .
"S-salamat" .
"Babalik ako sa Manila dahil may trabaho pa ako , you can stay here if you want ." .
Tahimik pa ren siya . Nakakainis lang na parang pinapakinggan niya lang ako .
"And lastly , here" . Sabay baba ko ng five thousand pesos sa tabi niya .
"In case maisipan mo ng umuwi , baka kase may naghahanap na sayo" .
"Walang naghahanap sa akin" . Malungkot na tugon niya .
Gusto ko mang magtanong tungkol sa kanya ay pinigilan ko ang sarili ko . Maiinis lang ako sa istorya ng buhay niya .
"May pagkain sa baba , matuto kang sumagot kapag kinakausap ka ni Yaya Iska" . Yun lang at mabilis ko na siyang iniwan sa silid niya .
--
Mabilis lang akong kumain dahil baka abutan ako ng traffic sa daan , hindi ako pwedeng mahuli dahil tiyak na tambak na ang trabaho ko sa opisina . As much as i want ay gusto kong pamarisan ako ng mga empleyado ko na masyadong focus sa trabaho .
"Hindi naman ba maselan sa pagkain ang nobya mo iho ?" .
Para akong nabulunan sa narinig ko . Nobya ko ??? paulit ulit ang katagang iyon sa utak ko .
"Hindi ho Ya , kahit ano hong ihanda niyo kakainin ni Margaux ." Maybe i was right .
"Sige at maya maya lang ay gigisingin ko na siya para makapag agahan na" . Nakangiting sabi pa ren ng matanda .
"Tuloy na ho ako Ya" . At niyakap ko siya bago ako tuluyang umalis sa hapag kainan .
"Babalik ka mamayang gabi ha , tiyak hahanapin ka ng nobya mo baka hindi siya sanay na hindi ka nakikita" .
I couldn't find any words to answered her .
"Maiintindihan naman ho ni Margaux kung hindi ako makakabalik Ya" .